32

24 1 0
                                    

"Kylo is engaged to another woman."

Kung gano'n lang din naman pala, ano pang sense na tulungan ko siyang maalala ako kung ikakasal naman na pala siya.

"Masaya na po siguro ang anak n'yo, siguro hindi na rin ho importante na maalala niya pa ulit ako." I looked down to our table, trying to let out all the tears I have in a fast phase, para isahang bagsak nalang.

"Sy, ginugulo niya ang pagiisip ni Kylo. She's saying that she was his girlfriend before we flew to Rome. That Kylo loves her before. I don't know what went Kylo's mind to propose to her after she said na she is the girl Kylo loves. It suppose to be you, Sy! At hindi rin namin alam kung bakit kombinsido siya sa babaeng 'yun. Sinabihan na namin siyang hindi 'yung babaeng 'yun ang babaeng mahal niya, kun 'di ikaw, but... but he's too stubborn, gusto niya ay 'yung gusto niyang mangyari. Kaya you should stop him, Sy. Hindi namin gusto ang babaeng 'yun. Nilalagay niya lang sa komplikadong bagay ang anak ko."

"Hayaan na po natin siya, Ninang... kung saan siya masaya, I think we should be happy for him also."

What ever makes him happy.

"Hindi siya masaya, Sy." Ninang frustratedly said. "naguguluhan lang siya. Ginugulo lang ng babaeng 'yun ang isip niya. Help him, Sy. Help him."

I shook my head as I wipe my tears away, "I will see what I can do, Ninang. But I can't promise, masyado na po akong pagod... ni sarili ko nga ho ay hindi ko matulungan maiahon, siya pa kaya?"

"You have his daughter, Sy. There's a large possibility that he will remember everything with Tati-"

When I heard my daughter's name I cut her off, "I don't want to use my daughter, Ninang. I don't want her to get hurt if ever Kylo will reject her. Ayoko pong itanggi niya ang anak ko, hindi ko kakayanin 'yun."

Iniisip ko palang na baka itanggi o ayawan niya ang anak ko... nasasaktan na ako para rito. Ayoko. Ayokong isugal 'yon. Hindi si Tati.

Nagpaiwan ako sa coffee shop matapos ang usapan namin ni Ninang Shiela. Nauna na siya dahil hinahanap na siya ni Klayre. Pinasabi ko rin sa kaniya na i-kamusta ako kay Klayre. U-mo-o naman siya at niyakap pa ako bago siya umalis.

I stopped crying and was just staring at the empty chair in front of me.

Ni hindi ko rin nabawasan ang kape ko pati ang cookie. While Ninang Shiela took her order home dahil hindi niya rin nagalaw 'yun mula kanina.

Naiwan sa isipan ko ang lahat nang napagusapan namin ni Ninang. Lahat 'yun inisip ko nang mabuti. Ang dami kong nalaman pero ang sabi niya hindi pa 'yun ang lahat. Ano pa ba?

Kylo is already engage with another woman. Ang plano kong pagsasabi na may anak siya sa akin ay biglang gusto ko nalang kalimutan. Ikakasal na pala, wala na rin siguro akong dapat pang sabihin sa kaniya. Magkakaanak din naman siguro sila nu'ng babae, sa akin nalang si Tati ko.

My poor baby.

Hindi ko namalayang umiiyak na naman pala ako dahil sa naisip ko. It's just that... my daughter deserves to have a father. Pero may parte sa akin na sinisisi ang sarili, sana nag-contraceptive pills ako noon. Pero kung nag-pills ako e 'di sana wala akong Tati ngayon. Ayoko mang kaawaan ang anak ko dahil kailangan niyang pagdaan ang paglaki na walang ama kagaya ko, pero wala akong magagawa.

Maybe fate wants us to be like this.

"Miss?" a familiar voice spoke behind me, made me stopped from sobbing.

I wiped my tears away as I panicked to look around to see who was it. I was stunned when I saw the man who caused every tears I had and I have right now.

I Don't Want To Go BackNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ