"Nakakainis ka talaga papi!"


___

Daretso lang ang lakad ni Elijah papunta sa kung nasaan man ang kaniyang ama. May hihingin siyang pabor dito. Pagpasok niya ng palasyo napansin niya na nasa sala ang mga kapatid niya, maging ang ama niya pero wala ang kaniyang ina. Napangisi nalang siya, alam naman na kasi niya kung saan ito nagpunta. Hindi naman siya tanga, duh.




"DADDYYYYY!!!!"


Sigaw niya saka parang batang tumakbo papunta sa ama niya. Medyo nagulat naman ang mga kapatid niya, paano ba naman kasi ni hindi man lang napansin ng mga ito ag pagdating niya. Ganoon ba ka seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito para hindi siya mapansin?



"Daddy, hehehe... May sasabihin ako sayo..." pakanta niyang binigkas ang mga salitang yan. Yumakap siya sa ama saka naupo sa tabi nito. Gulat naman ang mga kapatid niya, hindi naman kasi ganito ang kapatid nila.



"Sabi ko na nga ba e, may hihingin siya. Hindi naman siya maglalambing kung wala." sabi na lamang ni Angel sa kaniyang isipan. Napansin niya kasi na madalas mag lambing ang bunso nila sa ama nila kapag may hihingin ito.



"Ano naman yun?" kyoryosong tanong ng emperador na natutuwa sa anak niya. Dati rati ay hindi niya gusto ang anak niya, ngayon, parang gusto na niyang ibigay lahat ng hingin nito.



"Pupunta po dito sina Queen Jessica saka King Fernand mamaya."



Nagtaka naman ang emperador. Ano naman kasi ang gagawin ng mga ito sa palasyo niya? Samantalang wala naman siyang natatandaan na pinatawag niya ang mga ito para sa mahalagang pagpupulong.




"Nababaliw ka na ba, Night? Ano namang gagawin nila dito? E hindi naman sila pinatawag ni, dad."



Hindi pinansin ni Elijah si Bae Lhat. Mas itinuon nito ang atensyon sa kaniyang ama na nagtatanong din ang mga mata.



"Hoy! Night, kinakausap kita. Ikaw, bastos ka pa din!"


Hindi na naman niya pinansin ito pero dahil ang ingay nito at hindi naman ito sinusuway ng ama niya na palihim na natatawa sa pagbabalewala ng bunso niya sa pangalawang anak niya. Si Angel na aminin nating natutuwa din sa hindi maipintang mukha ng kapatid niya.


"You know what, Bae Lhat. I was today years old when I realized I didn't really like you." walang emosyong sabi ni Elijah habang umaayos ng upo sa tabi ng ama niya.


Tahimik na sumimsim lang sa kape niya si Angel habang si Hope ay tahimik lang sa isang tabi. Ang emperador ay sumandal sa likod ng sofa saka tahimik na pinagmamasdan ang dalawa niyang anak na parang aso at pusa.




"Oh come on, don't worry, I feel the same way. Tsk. Saka pwede ba, tigilan mo ng katatawag sakin ng Bae Lhat. Ang pangit pakinggan, Belight ang pangalan ko, Belight! Isiksik mo yan sa utak mong puro dugo lang ang laman."



Inismiran siya ni Elijah. "Sira ka ba? Malamang dugo ang laman ano ini-expect mo? Utak mo din minsan e 'no."



"Paano ba kita naging kapatid? Hah! Ikinahihiya kita"



"Ano pa kaya ako? Duh, pangalan mo palang ikinahihiya ko na. Belight? Peste, tunog Bae Lhat haha. Ang laswa. Pagtinawag ka, ganito.' BAE LHAT, IKUHA MO NGA AKO NG GANITO GANIYAN' o diba ang laswa pakinggan."



"Sabing Belight! Belight! Hindi Bae Lhat!"


"Bae Lhat, Bae Lhat, nyenyenye" inilabas pa ni Elijah ang dila niya para mas lalo pa itong maasar sa kaniya.



Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon