To: Rich friend

Secret




Inilapag na niya ang cellphone niya sa bedside table saka marahang hinaplos ang buhok ni Coldy.




"I'm falling for you, papi. Please catch me."




Hinalikan din niya ang noo nito. Hindi niya alam na gising pala ang papi niya. Nagpapanggap lang itong tulog.




"I'm sorry, I don't know if I feel the same way."



_____


INIS na hinampas ni Lianna ang manibela. Mabilis na pinaandar niya ang kotse niya. Tinahak niya ang daan papunta sa address na itinext sa kaniya ni Elijah.



Nang makarating siya sa isang may kalakihang bahay, may nahagip siyang maganda at mukhang hindi makabasag pinggang babae.





"Lianna Murfey?"




Tanong nito sa kaniya ng makababa siya sa sasakyan niya. Nagulat nalang siya ng bigla siya nitong pusasan. Sinubukan niyang magpumiglas pero ang inaakala niyang hindi makabasag pinggan na babae ay may taglay palang nakatagong pambihirang lakas.




"Ano ba? Bakit mo ba ako pinosasan? Sino ka ba? Waka naman akong atraso sayo ah."




Sa halip na sagutin, hinatak lang siya nito papasok sa loob ng bahay. Nasa harap na sila ng puting pinto. Binuksan ito ng babae saka tinulak siya papasok. Ganoon nalang ang gulat niya at ng pamilyar na hayop na nasa loob ng kwartong pinasukan nila ng magkasalubong ang mga mata nila.




"Liz, hon. What are you doing here? Hey, bakit niyo dinamay dito ang girlfriend ko? Hah! Hayop kayo."



Tumawa naman ang babaeng nakaupo sa mini sofa na nasa loob ng kwarto na ito.



"Wow, acting like a freaking hero ah? Diba pinagpalit mo siya sa kapatid niya?"



Dahil sa sinabi ng babae duon niya lang naalala kung sino ito, Queen, ang nag viral dahil sa lumabas na scandal nito with Timothy Yu.




Itinulak siya ng babaeng inakala niya na hindi makabasag pinggan.




"Dahan dahan naman, pag yang girlfriend ko nagkasugat malikintikan kayo sakin!".





Mapang asar na tumawa si Queen saka marahas na hinila si Lianna. Napaigik naman ang huli dahil ang higpit ng hawak nito sa kaniya. Marahas na iniupo siya nito sa upuan paharap kay Yohann, ang animal niyang ex boyfriend na ipinagpakit siya sa kapatid niyang malandi.





"Liz, hon, hwag kang mag-alala. Ililigtas kita. Makakalabas ka dito."




Tumawa na naman si Queen, sinamaan naman suya ng tingin ni Yohann.



"Paano mo siya ililigtas? E sarili mo nga hindi mo magawang iligtas, siya pa kaya?"




Napapikit ng mariin si Lianna, tahimik na isinusumoa si Elijah. Ito ang nagbigay sa kaniya ng address, hindi kaya nagkamali ito? Kasi naman, bakit siya hinuli ng mga tauhan nito? Saka tauhan? Tauhan din ba nito si Queen? Siguro nga nagkamali ito ng ibinigay na address.




Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterWhere stories live. Discover now