"A.Y.A.W"




Dahil matapang na nilakang siya, hindj siya nagpaapekto. Mas tamang sabihin na, hindi niya ipinakitang apektado siya dito. Ginamit na din niya ang kapangyarihan niya para lang mapanatili ang kalmadong mukha niya at huwag siyang basta basta bumigay sa takot dahil sa sama ng awra ng papi niya.




"Sa diyosa ng ng mga baliw na pinaka malakas sa lahat hindi ako natakot e, sa papi ko pa kaya. Hmp, matapang na nilalang ako, hindi ako matatakot sa kaniya. Never."





"INSIDE THE CAR, NOW!"




Kasabay ng pagsigaw nito ang paglamig ng pakigid. Nagsitayuan na ang balahibo ni Elijah, mula braso hanggang paa. Napayakap nalang tuloy siya sa kaniyang sarili. Nang mapatitig siya sa papi niya....





"Hehehhe, papasok na ako papi, ikaw naman. Hindi ka na mabiro."



Alanganing nakangiti na pumasok si Elijah sa loob ng kotse ni Coldy. Nang makapasok siya sa loob ng kotse nito, naoamura nalang siya ng mahina. Nang makapasok sa drivers seat, kaagad na ipinakita ni Elijah ang ngiti niya. Napabuntong hininga naman si Coldy bago sinimukang paandarin ang sasakyan niya.



Sa bilis ng pagpapatakbo ni Coldy napahawak nalang si Elijah sa seat belt niya.




"Humihingi na ako ng tawad sa pantitrip ko kay Justine. Huhuhu, ganito pala siya katakot ng sobrang bilis ng pagpapatakbo ko tapos inasar ko pa. Ayoko na, huhuhu. Halimaw ako magmaneho pero mas halinaw ang papi ko. Naiiyak na ako. Someone, help me. Please"





Mukha lang kalmado si Elijah. Oo mukha lang siyang kalmado pero sa loob loob niya, nagdadadal na siya na sana hindi matanggal ang kalukuwa niya pagkababa niya sa kotse ni Coldy.




Nang huminto na ang kotse ni Coldy, mabilis pa sa alas kwatro na bumaba si Elijah. Nagkunyari siyang ayos lang siya at parang wala lang sa kaniya ang lahat. Pero sa totoo lang, para ng bibigay ang mga tuhod niya ng wala sa oras.






"Lets go."




Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng papi niya. Nang ma patingin siya sa paligid niya, ganuon nalang ang pagtataka niya.




"Mansyon?"




Nagtataka si Elijah, bakit siya hinahatak ng papi niya papasok sa malaking mansyon. Habang naglalakad sila papasok sa loob, pigil na pigil niya ang kaniyang sarili na hindi mapatili. Paano ba naman kasi, ang kintab ng paligid. Halos lahat ng nakapalibot sa mansyon ay gawa sa ginto, dyamante, ruby, at kung ano ano pang klase ng mga bato na mamahalin at kaaya ayang tingnan.




"Teka lang, papi... Baka kasuhan tayo nito. Papasok tayo sa hindi naman atin. Halika, uwi na tayo."




Sinubukan niyang hilahin si Coldy pero dahil para siyang naghihila ng isang buong bahay ay hinihingal na napahinto siya. Napaiking nalang si Coldy saka pinitik ang noo niya.




"Aray ko." nakangusong sabi ni Elijah. Hinihimas himas din niya ang noo niyang pinitik nito. Grabi, bakit ba kasi trip lagi ng mga nakakasama niya ang pagpitik sa noo niya?





Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon