"Nag-iingat naman ako, kasalanan yun ng karayom. Kitang hirap ma hirap na nga ako ayaw pa makisama. Hmp!"

Gustong matawa ni Prof. Arthur dahil sa pagsibangot ni Elijah na may masamang tingin sa karayum na nakatusok sa daliri niya kanina. Pinitik naman ni Prof. Arthur ang noo niya.

"Bakit ka ba namimitik? Masakit yun, ah"

Sa halip na sumagot, matawa nalang ng mahina si Arthur.

"Sisihin ba naman ang karayum sa sariling katangahan."

Sinamaan ni Elijah si Arthur. Ang kapal ng mukha, porque gwapo siya tatawag tawagin na siya nitkng tanga. Ang kapal!! Close ba sila? Close.

"Maka tanga ka naman, hiyang hiya naman ako sa'yo. E kanina nga nakita kita na nagbabasa ng diyaryo baliktad naman. O? Sinong mas tanga sa atin ngayon?"

Kaagad namula ang pisngi ni Arthur dahil sa hiya. Anak ng pusit nga naman, napansin pala nito iyon. Nginisihan siya ni Elijah sinundot sundot niya din ito sa tagiliran.

"Ganun ba ako kaganda, sir? Para hindi mo mapansin na baliktad pala yung binabasa mo. Ikaw kase, sir e. Titig ka ng titig, kalmahan mo lang, sir. Sige ka, ikaw din, kakatitig mo, mahulog ka."

Nag-iwas naman ng tingin si Arthur. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kaniya, basta, gumising nalang siya isang araw na namamangha at napapatitig na sa estudyante niya. Mali ito, maling mali.

"Nonsense. Continue what your doing. Make sure to finish it before the bell rings. Be careful, tatanga tanga ka pa naman."

Tinalikuran siya ni Arthur. Masama naman ang tingin ni Elijah sa likod ng hinayupak na guro niya.

"YES!!!"

Napatingin naman ang mga kasamahan niya sa kaniya ng bigla nalang siyang sumigaw ng yes. Ang iba naman ay natawa nalang ng mahina.

"Sir, tapos na ako. Pwede na ba akong lumabas?"

Gutom na talaga siya. Ano ba naman yan, ang sakit pa ng likod niya. Pinahirapan talaga siya ng husto ng bwisit na stitching stitching na yan.

"Uy, salamat ah."

Nginitian lang siya ng babaeng katabi niya na tumulong sa kaniya para magawa ng tama ang pag iistitch.

"Come here. Let me see first, baka mamaya puro mali mali yang nagawa mo."

Inirapan lang siya ni Elijah bago ito lumakad palapit sa guro niyang ubod ng bwisit cells sa katawan.

"Nice. You got it right. You can leave now."

Excited na lumabas si Elijah sa dressmaking room. Tinahak niya ang daan papunta sa tambayan nila ni Justine. Nang nasa malapit na siya, nabura ang ngiti niya sa labi at natigil din siya sa paglalakad.

Konti na lang malalaglag na ang panga niya sa nakita niya. Justine.... Justine is freaking kissing a guy! Not only that, the guy is Prince Finligh.. Oh to the M to the G! Whats happening to the world?

Tinakpan niya ang kaniyang mga mata gamit ang kaniyang mga kamay pero may butas butas syempre para masilip niya padin ang mga nangyayari sa pagitan ng dalawa

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon