Chapter 223: Suffering of change

51 4 0
                                    

Cleress Xiashin Pov:

Ibinuka ko ang aking mga braso habang nakapikit na pawang nilalasap ang bawat sandali.

Sumasalubong saakin ang simoy ng hangin na nakakapagrelax sa aking pakiramdam. Ang mga hibla ng aking buhok ay nililipad ng hangin kaya ang iba ay tumatama saaking mukha.

'Ang buhay hindi laging malungkot darating ang araw na mapapalitan ito ng saya. Kaya sa bawat pagdurusa kapalit nito ang ginhawa. Sa bawat lungkot ay may kapalit din na saya. Sa bawat pag hihirap kapalit ay pag-asa'

_Pero kelan pa darating saakin ang pag-asa? Kung sa bawat pag gising ko lagi akong nagdurusa?_

Meron na namang mga butil ng luha na dumaloy mula sa aking mga mata.

Don't worry self 3 weeks nalang. Tapos na paghihirap mo. Makakatakas ka na sa mundong nagpapahirap sayo.

Naimulat ko na ang mga mata ko at pilit ngumiti sa kawalan.

Nandito ako sa rooftop nagpapahangin. Tsaka gusto ko rin magpahinga. Dito si Mawi lagi kaso ngayon di nya ata naisip na pumunta dito, baka busy.

"🎶Many nights we prayed
With no proof, anyone could hear🎶" Panimula ko ulit sa kanta.

Wala lang gusto ko lang. Gusto ko lang balikan at maalala ang huling sandali naming iyon bago ko pilitin ang sarili ko na tuluyang tanggapin ang kapalaran ko.

"🎶In our hearts a hopeful song
We barely understood🎶"

Dahan dahan akong naglakad papunta sa may railing at isinandal ang ulo ko sa braso ko na nakasandal dito.

"🎶Now, we are not afraid
Although we know there's much to fear🎶"

Isinandal ko na ang chin ko sa mga braso at pilit nilibang ang sarili sa magagandang view mula sa malayo.

"🎶We were moving mountains
Long before we knew we could, ooh-oh, yes🎶"

Pilit parin akong ngumiti kahit sobra ng sikip ng dibdib ko at tuloy tuloy na sa pagsibagsakan ang mga luha ko.

"🎶There can be miracles
When you believe🎶"

Napapikit na ako. Umaasa na sana may himala nga.

'Nasan ba ang himala? Sa Wattpad lang ba meron nun? Sa totoong buhay ba wala??'

"🎶T-though hope is frail, it's hard to kill
Who knows what miracles you can a-achieve?..🎶"

Di ko na naiwasan na gumaralgal ang boses ko.

"🎶When you believe, somehow you will
You will when you b-believe🎶"

Napatakip na ako sa bibig ko ng di na maiwasang mapahikbi. Dala ng panghihina ay napaupo na din ako sa cement.

'Tama na Cleress! Wag ka nang umiyak! Hindi ka ba napapagod?!!!'

Matatapos na ba paghihirap ko kung sabihin kong pagod na pagod na pagod na ako?

"Y-yaka! Fighting!" Pag cheer up ko sa sarili ko at inayos na ang sarili ko.

Nanatili lang akong nakaupo ni wala ng pake kung nadumihan na ang aking skirt at blazer.

Kinuha ko nalang cp ko at nag open ng fb para mag scroll at libangin ang sarili.

Ayaw ko munang mag entertain ng mga messages puro tanong kasi kung ok lang ako. Hirap2x na kasi ako magpanggap at magsabi na ok lang ako kahit ang totoo sobrang durog na durog na ako.

Pero may nakita akong isang mensahe na nakakuha ng atensyon ko.

_______________________________________________
'Finally, I meet you in person but no offend you are not as tall as I expected. You must blame the angle of your profile picture not me 😅-依晨
________________________________________________
'Kidding😅😅- 依晨
________________________________________________

Part 2 of Book 2 (WTCHMTSG): When The Campus Hearthrobs Fall In love with the siTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon