Chapter 227: Lost and found

46 5 0
                                    

Cleress Xiashin Pov:

🔆 TIME SKIPPED 🔆

"K-kuya!! Nasaan na si Zi!!" Pagdadabog ko.

"Bigla ngang tumakbo di ko alam kung saan pumunta"

"Bakit mo kasi binitawan!"

"Kaysa naman kagatin ako!"

Sobra nang pag-aalala at Kaba ang nararamdaman ko.

'Baka may kumuha na kay Zi'

"Cge na kuya. Kami nalang mag hahanap, ihatid mo na sina mama"

"Cge"

Tumakbo na ako papunta kina bestie.

"Ano besh? Nasaan daw?"

Napailing iling ako.

"Mag hiwahiwalay nalang tayo bunso"

Napatango tango ako.

________________________________________________

"Zi!!" Pag tawag ko.

Nandito na ako sa business building.

Nagugutom na ako pero kailangan ko munang mahanap si Zi.

"Zi!! N-nasaan ka na!!" Naiiyak ng pagtawag ko.

Dugdug
Dugdug

'Baka may kumuha na kay Zi'

Di naman makakapasok sa bawat room kasi naka locked na lahat.
Pumunta ako sa rooftop kaso wala.
Sabi nina ate Mitch Wala din sa building nila.
Wala naman daw sa building nina Clyde.
Nag hahanap narin sina Zami sa Iba pang mga building kaso wala.

"ZI!!!!" Muling pagtawag ko.

Nagsisiuwian na ang iba. Baka nga may kumuha na sa kanya kasi di ko naririnig ang kanyang mga tahol.

"ZI!!!!" Halos mawalan na ako ng boses kakasigaw nangingilid na din mga luha ko.

*ARF! ARF! ARF!*

Nabuhayan agad ako ng loob ng marinig ang tahol ni Zi.

Mabilis akong naglakad dito sa corridor para sundan yung pinanggalingan ng direksyon.

"ZI??" Pag tawag ko habang iginagala ang paningin sa paligid.

"ZI!!!!!" Tawag ko muli.

*ARF! ARF! ARF!*

Mabilis akong tumakbo sa pinanggagalingan ng direksyon.

"Zi??!!!"

Napangiti na ako ng tuluyang makita si Zi na papatakbo na ngayon palapit saakin.

Agad akong napaupo at ibinuka ang mga braso ko kaya agad itong lumundag papunta sakin at sinalubong ko naman ng yakap.

"Haha! Zi!" Natatawang usap ko ng dil@aan ako nito sa mukha kaya nakikiliti ako. Nakapikit na ako habang akap akap si Zi.

Wala na akong pake kung naka toga pa ako at nakaupo na dito sa Cement.

"Ahaha! T-tama na Zi haha.. nakikiliti ako" Natatawang usap ko.

*ARF! ARF!*

"Good dog! Ahaha! Good dog" Usap ko, Maya Maya lang ng tigilan na ako nito.

"Tsk!"

Natigilan ako sa narinig. Agad kumawala si Zi saakin kaya agad kong iminulat ang mga mata ko.

Napalaki mga mata ko ng makitang tumakbo ito sa taong nasa di kalayuan ko.

Part 2 of Book 2 (WTCHMTSG): When The Campus Hearthrobs Fall In love with the siDove le storie prendono vita. Scoprilo ora