Chapter 222: Alone

42 5 0
                                    

Cleress Xiashin Pov:

Parang ung dating Araw lang. Yung unang pasok ko dito sa NXU kung saan wala pang nakakikilala saakin.

Nandito ako sa Cafeteria sa sulok. Mag Isa lang.

Hindi ko na pinalalapit sina besh saakin kapag nandito kami sa NXU baka kasi madamay pa sila.

Aaminin ko sobrang hirap. Pero wala akong magagawa kundi tanggapin nalang kung ano ang aking tadhana.

Pinilit kong lunukin ang spaghetti na kinakain ko. Napatakip pa ako sa bibig dahil parang isusuka ko lamang. Mabilis akong kumuha ng tubig at uminom.

~Gulp Gulp ~

Pasimple akong napalingon sa paligid kung saan lahat ay masayang nag kukuwentuhan. Samantalang ako dito ay mag isa lang.

"KYAH!! OMG! Here's the couple!"
"They're so perfect!!"

Bumibigat na naman ang pakiramdam ko kaya mabilis ko nang inubos ang kinakain ko para makaalis na ako dito.

Dahil sa hindi na talaga tinatanggap ng tiyan ko ang kinakain ko ay di ko na naubos ung spaghetti.

Pansin ko nang nagsitahimikan ang paligid pero wala akong balak na lumingon sa kanila.

Inayos ko na ang bag ko at pinahiran ng tissue ang bibig ko.

Ok lang parang may sarili lang akong mundo.

Tumayo na ako at isinakbit na sa braso ko ang backpack ko.

"SHINYUU!!!"

Wala sa sariling napalingon ako sa tumawag sakin.

Dug dugdug

It's Zandy.

Napalaki mga mata ko ng niyakap pa talaga ako nito kaya bahagya pa akong napaatras.

Pilit nalang akong ngumiti.

"I want to be with you but___"

"Yuki Come here! Don't talk to stranger!"

Biglang sumikip ang dibdib ko sa narinig na napakalamig na boses. Kahit di ko na lingunin alam ko na kung kaninong boses iyon galing.

"Shinyuu..._"

Mabilis ko nang nilagpasan si Zandy at dirediretso na ako lumabas ng Cafeteria.

Napatingala pa ako para iwasang bumagsak ang mga luha ko.

(*TIT!*)

Agad akong napakapa sa blazer ko at kinuha cp ko para tignan kung sino ang nagtext.

________________________________________________
From: Landslide 😅
'Claire. Nandito ako sa labas ng gate. I want to see you bago ako umalis'
________________________________________________

Nanghina ako sa nabasa na mensahe mula kay Clyde.

Mas lalo lamang bumigat ang pakiramdam ko. Kahit sobrang nanghihina ay napatakbo ako papunta sa direksyon.

'Aalis? Iiwan nya na din ako?'

Nangingilid na ang mga luha ko.

Hanggang sa matanaw ko na si Clyde na naghihintay nga sa labas ng gate.

Pinakita ko agad ID ko sa mga guards buti nalang pinahintulutan akong makalabas.

"Claire! Buti naman pumunta ka dito" Ngiti nito.

"A-Ano ung sinasabi mo?" Halo halo na ang nararamdaman na tanong ko.

"Claire. It's a long story pero may kailangan akong balikan sa training ko sa US. Kung hindi mababagsak ako dito sa NXU."

Part 2 of Book 2 (WTCHMTSG): When The Campus Hearthrobs Fall In love with the siWhere stories live. Discover now