Chapter 226: Graduation day

49 6 0
                                    

Cleress Xiashin Pov:

Lahat ng paghihirap may katapusan.
Lahat ng sakripisyo may kaakibat ng tagumpay.

Nasaan ang patunay?
Ito ang patunay!

Nandito ang pamilya ng bawat Isa para ipagdiwang ang tagumpay saaming pagtatapos.

It's our Graduation.

We are wearing a professional gown (Toga) bilang patunay na tapos na ang paghihirap namin bilang estudyante. Nagpapatunay na may sapat na kaming kaalaman para sa susunod na landas na tatahakin namin.

Ngayon. Naghahanda na kami sa susunod na yugto na aming tatahakin.

Tapos na ang aming pag-aaral
Trabaho naman ang aming pagsisikapan.

"Bestie!! Congrats!!!!"
"Congrats din besh!"
"Ayieh! Clarissa!!!"
"Bunso!"
"Congrats everyone!!!!"

Bawat Isa ay may ngiti sa mga labi na nagpapatunay ng labis na kasiyahan.

Pero ako? Di man mawalawala ngiti sa mga labi ko pero sa kabila ng matamis na mga ngiti ay may natatagong hinagpis sa loob ko.

"Mama upo na muna kayo"
"Dito kayo Tita"

Pinaupo muna namin sina Mama at kuya Mark. Pati mama nina besh at Mawi. Gusto daw sanang sumama ni Ate Alice kaso walang magbabantay kina Yate di naman pwede Isama sina Yate kasi binawalan ni papa.

"KYAHHHH!!!!"
"OMG!!!!"

Tumibok ng napakabilis ang puso ko dahil alam ko na kung sino ang dumating.

"Nak, Ok ka lang?" Nag aalalang tanong ni mama kasi alam naman nila na ang nangyari.

"Oo naman po" Pilit na ngiti ko "C Kuya Vince po kaya nasaan na?" Pagbabago ko ng usapan.

"Parating na Yun. Xianak!"

Inirapan ko si kuya Mark.

"Kahit kelan nakakainis ka!!!"

"Same to you!"

"Pangit!"

"Mo!"

"Mama oh!!!"

*ARF! ARF!!*

Napalaki mga mata ko ng may marinig na familiar na tahol.

Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng direksyon.

Jusme!

No choice akong umupo at ibinuka mga braso ko kasi tumatakbo si Zi palapit saakin.

*ARF! ARF!!*

Binuhat ko nalang si Zi.

"K-kuya! Bakit mo ito dinala dito??" Kunot noong tanong ko dito.

"Alangan naman ewan ko don mag-isa. Ikaw kaya ewan ko mag Isa tignan natin kung anong maramdaman mo aber!"

Napakagat nalang ako sa labi.

Kinakabahan ako.

"Clarissa picture!!!!"

"Tita sama na po kayo!"

"Hindi na cge na. Kayo nalang."

"Akin na muna yang aso" Kinuha muna sakin ni kuya Vince si Zi.

Tumakbo na ako palapit kina Mawi at ayun nag enjoy kami sa pag posing.

"OMG!!! Miss Yuki! Your ring is so beautiful!"
"Ayiehh! Naol!"
"It's a diamond? Oh! That's the most expensive ring nuh?"

Wala sa sariling napalingon ako sa direksyon. Kita ko si Azhi na nakasuot ng 'Toga' while busy lang ito sa cellphone.

'Ang perfect nya parin. Walang pinagbago'

Part 2 of Book 2 (WTCHMTSG): When The Campus Hearthrobs Fall In love with the siWhere stories live. Discover now