Chapter 214: Unexpected Awakening of the Dragon

51 4 0
                                    

Cleress Xiashin Pov:

Inasikasu ko na lahat ang tungkol sa research ko. Masyado kong ginugugol ang Oras ko sa mga activities at Iba pang academic matters para makalimutan ko kahit papaano ang mga pinagdadaanan ng mga kaibigan ko dahil parang pasan ko lang naman pagdurusa nila.

Btw. Nandito ako sa office ni Azhi as usual. Pero masyadong busy si Azhi sa mga lesson nila kaya ok lang naman na mag Isa lang ako dito. Marami namang pagkain dito kaya di ako magugutom hehe.

Dahil malapit na tapusan kaya more on mga activities nalang pinapagawa saamin at wala ng masyadong lesson kaya nandito ako lagi sa office ni Azhi.

Tapos naman na akong sa mga activities ko kaya sinubukan kong mag basa ng Wattpad.

Kaso puro sad ending eh.

Napahawak na ako sa ulo ko. Pero tinuloy ko parin ang pagbabasa malay mo may himala at maging happy ending na.

(PLAYING MUSICAL INSTRUMENTS: GUITAR )

Kumunot noo ko ng may marinig na tumutugtog na guitar.

Napalaki mga mata ko ng makita si Azhi na nandito na pala sa loob. Malawak ang mga ngiti nito habang may hawak hawak na guitar at tinutugtog ung familiar na song.

Luh! Grabi na ba kalutangan ko at di ko sya napansin na pumasok?

Kinunutan ko ito ng noo pero naupo lang ito sa table di kalayuan.

"🎶Khung may taong dhapat na mhahalin
Ay walang iba kundi ikaw🎶"

Napaawang ang bibig ko at bumilis tibok ng puso ko ng simulan na nitong kumanta habang tumutugtog ng guitar.

Dugdug

"🎶Whala na ibang mhakakapigil pa sa akin🎶"

Teka! Tagalog Yun diba? Totoo alam nya Yan??

"🎶Binuhay mo muli ang thakbo
At tibok ng puso sa iyong phagmamahal
Hang bhuhay ko'y muling nag-iba
Napuno ng saya🎶"

Ang Galing!!! Ang Ganda Ganda ng boses nya nakakarelax parang boses ng angel!

Hangkyuttt nya ding mag tagalog!!!

"🎶Sa lahat, 'di maari, hindi maaring iwan
Whala nang makakapighil kahit na bagyo man
Pa'no khung ikaw na mismo, kusang lilisan?🎶"

Parang may emosyon na gustong kumawala saakin.

Pero sobrang saya ko promise!

Totoo ba? Para ulit akong hinaharana ng isang Prinsipe Este ni Prince Ashler Kei Lee ngayon?

"🎶Pa'no ba?🎶"

Kahit pawang naiiyak ako. Nagpangalumbaba ako sa table at napatitig sa kanyang direksyon habang nakangiti.

Grab the moment daw hehe!

"🎶Khung mawalay ka sa buhay kow, kung pag-ibig mow ay maglaho
Pa'no na kaya ang mundo?🎶"

Halos mapunit na ang labi ko kakangiti.

Grabi kasi! OMG!! Ang saya!

"🎶Khung sa oras, 'di ka makita, kung ika'y napakalayo na
May buhay pa kaya 'tong puso?🎶"

Hinawakan pa nito ang sariling puso habang hawak parin ng kabilang braso ang guitar.

Napakagat na ako sa labi para di mapatawa.

Hangkyuttt nya kasi haha w/ acting pa.

"🎶Yan lang ang maaari natin shadyang mathatanggap
Habang ako'y may buhay
Mahal na mahal kita, higit pa sa iniisip mo🎶"

Part 2 of Book 2 (WTCHMTSG): When The Campus Hearthrobs Fall In love with the siWhere stories live. Discover now