Chapter 207: Invitation: Unknown Pic

42 2 0
                                    

Maurine Lucy Pov:

Tulala ako habang nanonood ako ng C drama sa laptop ni ate.

Bale. Nakadapa ako sa kama habang may mga chips sa tabi ko.

Ayst! Medyo masakit din ang ulo ko kasi halos wala akong tulog kagabi kaka stream para Kay IU.

Sya nalang libangan ko eh kaya kahit di na ako makatulog makatulong lang pag vote for her.

I'm so obsessed with her!

Pero nitong mga nakaraang Araw hindi naman talaga ako nakakatulog matapos mangyari iyong bagay na nanakit ng husto saakin.

"Mawiii!!!!"

Kinuha ko ang unan at tinakpan ang tenga ko.

"Aw!" Daing ko.

Daganan ba naman likod ko ng dalawang batang ito.

"Hoy! Umalis kayo Jan!" Asik ko.

Napabalikwas na ako sa kama at sumandal nalang sa headboard tsaka kinuha ko laptop at ipinatong sa lap ko.

"Ano pinapanood mo?"
"Patingin din ako!"

Ito na namang dalawang ito. Sumampa muli sa kama at nakinood sa pinanonood ko.

"WAH!!!! Hangkyuttt ng boy! Gwafu! Lumilipad!" Baling ni Clarissa.

"Ito na naman si lumilipad!" Naiiling na baling ko.

"Bestie paliparin mo si Prince pft Hahaha!"

"Luh! Haha!"

Napatawa na din ako kahit papaano.

Mga b@liw talaga haha!

"Oy! Mawi di pa kayo ok ni Ya Gael?"

Nawala ang mga ngiti ko sa labi.

Sabi na eh pumunta lang itong dalawang ito dito para na naman Jan.

"Break na nga kami diba?"  usap ko.

"Oy! Mawi lagi daw yun nagpapakalasing, sabi ni Dave. Kagabi nga daw sobrang lasing nun" Malungkot akong napalingon kay Liza.

"Yaan mo Yun" usap ko nalng.

"Mawi?"

"Oh?" Bored na tanong ko.

"Galit ka parin ba dun?"

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagalit. Pero alam namang madali lang akong magpatawad eh.

Aaminin ko. Marupok na kung Marupok. Pero ganto ako eh. Madali lang magpatawad kahit sobrang sakit ng naidulot nang sinabi nya saakin.

"O tapos?" Usap ko.

"Mawi Comeback Please!" Nag pacute pa ang dalawang ito

"Kau nalang ang makipagcomeback" napaiwas pang tingin na baling ko.

"Mawi Wawa naman si Gael"

Oo na alam ko na lagi syang nagpapakalasing at hindi na halos kumakain. Ilang beses ko na syang sinabihan noon na wag magpapakalasing eh kaso ang tigas ng ulo.

May kasalanan din naman sya saakin ah? Di ko kelanman inisip na magagawa nya saakin ang bagay nayun.

Pero nangyari na ang nangyari. Tama naman sya sa sinabi nya alam ko naman na nagkamali ako noon. Pero pinagsisihan ko na ang lahat nang iyon.

"Mawi?"

"Oo na susubukan ko" Usap ko nalang.

"Yehey!"
"Wahh!"

Part 2 of Book 2 (WTCHMTSG): When The Campus Hearthrobs Fall In love with the siWhere stories live. Discover now