"Ang sungit mo naman. Epekto ba yan ng walang nobyo? Hah! Ikaw hah, ang sungit sungit mo. Kaya ka tumatandang dalaga e. Hmp."

Natawa ng mahina si Prince Geo at Princess Felisha. Nagkatinginan pa silang dalawa at napa high five nalang sa isa't isa. Pigil na pigil din nilang hindi mapatawa ng malakas. Baka mapunta ang atensyon mg halimaw sa kanila, tiyak lagot sila. Lalo pa at mukhang mauubos ma talaga ang pasensya nito sa dalaga.


"Mag-ingat ka sa iyong mga sinasabi, binibini. Nauubos na ang pasensya ko sa'yo. Pasalamat ka busog ako, dahil kung hindi,baka napatay na kita at nakain ng buo."


Tinitigan ni Elijah ang kaniyang kuko saka kinutkot kutkot ito pagkatapos ay muling ninalingan ng tingin ang halimaw. Nag Cross arms siya saka nag flip hair pa.

"E di salamat."


Muntik ng matawa ng malakas sina Prince Geo at Princess Filisha. Mabuti na lamang talaga at naging maagap sila, bago pa kumawala ang malakas nilang pagtawa naitakip na nila sa kanilang mga bibig ang kanilang mga kamay.


Si Justine naman ay tahimik na nananalangin. Habang si Prince Finligh naman ay pigil ang tawa dahil nasa tabi niya si Justine, dinig na dinig niya ang mga pinagsasabi nito.


"Mahal na Diyosa, iligtas niyo po kame mula sa delubyong sa ngayon ay ginagawa ng baliw na babaeng 'to. Maawa ka sa amin mahal na diyosa. Bata pa po kame, gusto pa naming mabuhay at isa pa, virgin pa po ako."

"Pfttt!!!"

Natawa na talaga si Prince Finligh, yung tawang silang dalawa lang ang makakarinig. Nagtataka naman siyang tinitigan ni Justine, inosente niya itong tinitingnan.

"May nakakatawa ba?"

Bulong na tanong ni Justine kay Finligh na manghang manghang nakatingin sa kaniya habang may pinipigilang tawa.


Umiling iling si Finligh. "Virgin, eyy."

Dahil sa sinabi ni Finligh duon lang napagtanto ni justine kung ano ang ikinatawa ng prinsipe na nasa tabi niya. Nakagat niya ng mariin ang pang-ibabang labi niya. Namumula nadin ang pisngi niya. Nag-iwas siya ng tingin pero hindi nakatalas sa paningin ni Finligh ang pamumula ng kaniyang pisngi.


"Anak ng Diyosa nga naman oh. Narinig pala niya, akala ko pa naman sa isipan ko lang naipanalangin yun, naibigkas ko pala talaga. Pahamak kase ang Nightmare na 'to, gzz pagbalik ma pagbalik namin lalayuan ko na talaga ang impakta na' to. Lagi nalang akong napapahamak ng dahil sa kaniya. Yung tatay ko pa, mukhang may alam na at naghihinala na din sa akin. Pahamak talaga, kahit kailan!! "


Inis na inis si Justine pero yung inis niya bigla nalang napalitan ng kaba ng makuta niyang bigla nalang sumampa si Nightmare sa buntot ng halimaw. Hindi lang siya kundi lahat sila ay kinabahan ng sobra. Halos pigil na nila ang paghinga dahil sa kaba na nararamdaman nila.


"Tara na, sumunod kayo sa amin. Ihahatid daw niya tayo. Heheh"

Yung kaba nila napalitan ng pagkamangha, pagkalito at pagtampal sa kanilang mga nuo. Muntik ng mabuwal sa pagkakatayo ang dalawang kapatid na lalaki ni Nightmare samantalang yung iba ay napailing iling nalang habang si Coldy naman ay hindi na alam kung anong dapat niyang maging reaksyon...


Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon