Chapter 33

4 1 0
                                    

Sapo ko ang ulo pagkamulat. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko at nagpagulong-gulong sa kama dahil sa sakit nito. Ang dami ko sigurong nainom kagabi.

Nakapikit kong kinapkap ang aking cellphone sa bedside table upang malaman kung anong oras na ngunit wala akong nakuha. Nakapikit kong hinanap ito sa hinihigaang unan ngunit wala. Naiwan ko ba kagabi?

Tinitiis ang sakit, napilitan akong bumangon.

Teka sandali, nagpalit ba ng bedsheet at mga unan ang bruha? Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto at halos lahat ay magkaibang-magkaiba sa kwarto ni Klare.

Binago ba ng bruha ang condo niya o yung kwarto lang? Yung wall color, yung mat, pati na rin ang pinto ng bathroom. Sa pagkakaalam ko walang veranda sa kwarto ngunit bakit meron? Don't tell me pinagawan niya?

The door opened.

"I'm sure you're suffering from a hangover right now."

"G-George??!!"

ヾ(*’O’*)/

"Yeah, it's me Belley."

What the fuck!

"B-Bakit ka nandito?" puno ng pagtataka kong tanong sa kanya.

"I should be the one asking you why."

Ano raw?

Pumasok siya sa loob dala-dala ang isang tray.

Inilapag niya ito sa bedside table.

Nakatingin lang ako sa mga kilos niya na punong-puno ng pagtataka.

"Drink it first," sabi niya sabay abot ng isang basong tubig at pain reliever.

Mas sumasakit ang ulo ko sa mga tanong na gusto kong itanong sa kanya kaya kahit nagtataka man tinanggap ko ito at ininom.

Kinuha niya balik yung baso at inilagay ulit ito sa tray.

Putangina!!! Yung sanhi ng hang-over ko ngayon ay siya pang nagbibigay ng gamot ko ngayon.

Anong nangyayari??

"Are you now okay?"

"Bakit ka nandito?" tanong ko ulit.

"I'm expecting for a thank you," sabi niya at naupo sa katapat na couch.

"Ano bang pinagsasabi mo?"
nakakunot-noo ko nang tanong sa kanya. "Bakit ka nandito sa condo namin ni Klare?"

He raised his brow. "Why don't you roam your eyes around?"

Mas kumunot pa ang aking noo at nilibot ko ulit ng tingin ang buong kwarto at masasabi kong kakaiba nga ito sa kwarto namin ng bruha.

"And what have you found out?" tanong niya at tumayo. "What have you observed, Belley?"

"It's different."

"And?" nakapamulsa siyang naglakad patungo sa'kin.

"Completely different."

"It's totally different because you're in my condo right now Lady."

"ANO?!"

(ノ゚0゚)ノ~

"You heard me right Belley."

"P-Pero...p-papaano?"

"You knocked on my door. I opened it. You're so wasted last night. I didn't know where you came from and you just entered. It smells like you perfumed all the alcoholic drinks."

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ngayon. Totoo ba yung mga pinagsasabi niya? Pilit kong inaalala kung anong mga nangyari kagabi ngunit walang pumapasok sa isip ko.

The Sealed PromiseWhere stories live. Discover now