Chapter 7

10 1 0
                                    

G Montecillo

'Yan ang pangalan niya sa IG.

Lintek na bakla! Todo search ako ng George yun pala G lang? Tsk!

I click his name.

G Montecillo
250 posts, 5632 followers, 145 following

"Mamayang gabi tayo sa Black Sapphire Dzae, mga 10 para marami ng kiki," sabi ni Klare at umupo sa'king tabi.

Nandito ako ngayon sa kanyang condo para maki- connect ng wi-fi. Wala na akong load. Ubos na. Si Tita naman hindi pa nagbibigay ng allowance. Kuripot ang Langya!

"Hoy! Nakikinig ka ba?"

"Oo naman," sabi ko at hindi siya tiningnan.

"Ano ba yan?" sumilip siya. "Ayy! malandi," lait niya at sinabunutan ako.

"Aray! Litse ka!" daing ko.

"Ngayon mo sabihing hindi mo siya gusto."

"Pinagsasabi mo?"

"Sus! Kung makaasta ang bruha akala mo kung sinong malandi. In denial ka. Gusto mo na si George," tudyo niya at kiniliti ako.

"Ulol! Curious lang ako kung bakla ba talaga. Wala akong sinabing gusto ko siya, okay?"

"Pero nakakapagtaka. Bakit naka-public 'yang account ni George? The last time I checked, naka-private yan ey."

Binalewala ko lang 'yong sinabi niya at nagpatuloy sa ginagawa.

I clicked the follow button..

"Dito ka na lang kumain para kasama tayong pupunta sa bar."

"Okay," simpleng sagot ko at nahiga sa sofa.

"Anong gusto mong kainin bukod kay George?" tanong niya at nagtungo sa kusina.

"Siya lang."

"Ang landi mo," komento niya at natawa ako.

"Yung abodo."

Hindi na siya sumagot at iniwan ako.

I started to scroll.

Tiningnan ko yung profile niya. Shit! Ang gwapo niya talaga! Isang stolen shot. Nagbabasa siya ng libro at seryosong-seryoso. Paksheyt! Kung tititigan ako nito, mangangatog yung binti ko.

Tiningnan ko rin yung ibang photos niya. May mga pics na kasama yung mga babaeng kaibigan niya. May iba pa siyang mga kasama sa kanyang mga posts kaso 'di ko kilala. Na view ko na lahat pero wala talaga akong nakitang sign o kahit ano na magsasabing bakla siyang tunay.

Lalaki ka ba talaga George?

My phone vibrates for a notification.

I click it at halos malaglag ang panga ko sa nakita.

🔔 G Montecillo started following you.

Shit!!

Right after, I decided to create some moves in order to prove that he's a boy or what. Malandi ako kaya I typed a message.

belleyvillamonte: Good morning Babe ❤️

I clicked the send button.

Naghintay ako ng reply but minutes after wala pa rin.

belleyvillamonte: Sorry wrong sent.

belleyvillamonte: Hi.

belleyvillamonte: Sorry napindot lang.

The Sealed PromiseWhere stories live. Discover now