Chapter 14

5 3 0
                                    

"Hindi ka na ma reach Dzae." -Klare.

"Asahan mo Belley, ikaw ang unang mabubuntis sa'ting lahat." -Chazy.

"Imagine, naging kayo lang nung isang linggo tapos ngayon? Isang malaking sanaol sa'yong bruha ka." -Zhy.

"Ghorl, don't forget ako yung isa bride's maids mo, okay? Tapos dapat ako yung dapat maka-receive sa flower na ihahaboy mo ghorl."  -Sari.

"Isa na namang hindi malilimutang pangayayari ang naging parte sa buhay ng aming kaibigan kaya samahan niyo ako at tayo'y magtirik ng kandila." -Coln.

"ALLELUYA!"

"HUMAYO KAYO AT MAGPARAMI!"

"AMEN!"

(눈‸눈)

Kung pwede lang pumili ng mga kaibigan, sisiguraduhin kong hindi ko sila pipiliing lahat. Mga bwiset!

Sumasakit ang ulo ko kakatingin sa mga bruha na nagpaikot-ikot sa'kin habang kumakanta ng alleluya na para akong isang sagradong imahe. Tsk!

"Tumigil nga kayo! Piste!" inis kong sabi at umupo sa kama.

Nagsitigil silang lahat at sumunod sa'king umupo rin habang suot ang mga nakakalokong ngisi. Minsan nga nagsisisi akong naging kaibigan ko 'tong mga Langya.

"What's with that face ghorl?" tanong ni Sari habang nakataas ang kilay.

"Hindi kasi kayo nakakatulong ey."

"What do you mean?"

"Hoy Dzae! Kami yung nag-ayos sayo tapos hindi kami nakatulong? Bawiin ko yang suot mong dress ey," banta ni Klare.

"Hoy Belley! Nanood pa ako ng mga make-up tutorials aside from porns kaya wag mong sabihing hindi ako nakatulong sayo. Burahin ko yang make-up mo ngayon, sige!" -Chazy.

"Umabot ako ng isang oras kakaayos sa buhok mong nakatirintas sa'yong bruha ka!" -Coln.

"Gumamit pa ako ng protractor just to get the exact curve and angle para sa kilay mo," nakapameywang na sabi ni Zhy.

"That sandal you're wearing right now ghorl worth thousands. Binili ko pa yan sa ibang bansa." -Sari.

Oo nga sila yung nag-ayos sa'kin pero hindi yun nakabawas sa kabang nararamdaman ko ngayon. Piste! Mas pinamukha pa nilang wala na akong takas ngayon.

"Kinakabahan ka ngayon?" tanong ni Klare.

Napatango ako.

"Dapat lang!"

Bwiset!

"That nervousness you're feeling right now is just normal ghorl."

"Dapat ka lang kabahan dahil ngayong gabi ay makikilala mo na sila."

Dahil sa kanilang sinabi mas dumoble pa yung kaba ko. Paksheyt! Imbes na pagaanin ang loob ko ay mas kinabahan pa tuloy ako.

Kaibigan ko ba talaga silang lahat?

"Pasalamat ka nga at umabot ka na sa ganyang stage," madramang sambit ni Coln.

Napatingin ako sa bruha at inaalam kung seryoso ba siya at mukhang seryoso nga.

"Bakit ano bang nangyari?" tanong ni Klare na halata namang natatawa sa reaksyon niyang natatae.

Lumapit si Sari kay Coln at hinagod ang likod nito na para bang siya ang pinaka-concern sa'ming lahat.

"That racer guy just broke our friend's heart."

"Yung mukhang gulong ang mukha?" panlalait na tanong ni Klare.

The Sealed PromiseOnde histórias criam vida. Descubra agora