Chapter 13

5 1 0
                                    

"Patingin nga ng ngiting tagumpay?" kutya ni Klare at hinarap pa talaga ang aking mukha.

Piste!

"Walang duda kaibigan nga kita," tumatango-tangong aniya.

Papasok kami ngayon sa SMIS.

Pumunta talaga siya sa apartment para daw sabay kaming pumasok dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Pati nga ako parang nasa panaginip pa rin.

"Ngayon mo sabihing ayaw mo sa kulay puti," nakaismid niyang sabi.

Plano talaga lahat ng mga bruha yun.

Pinasuot nila ako ng puting gown para magkaparehas kami ni George na nakakulay puti ring tuxedo. Pinaniwala nila akong si George yung katabi at kasayaw ni Venice nun ey nakakatandang kapatid pala yun ni George. Malas rin nung panahong yun at wala akong load kaya hindi ko nakita yung photo na sinend ni Sari. Yung photo kasing yun ay si George na nakasuot ng kanyang puting mask at tuxedo na kararating lang sa venue. Ang bobo ko rin at di ko na-connect sa wifi ng school. Oh diba? Piste! Planadong-planado ng mga Langya

"Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwalang boyfriend ko na siya. Parang nung kailan lang sinabi ko pang hindi ako pumapatol sa bakla," sabi ko at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

"At ngayon napatunayan mo na hindi siya bakla? May pa stalk ka pang nalalaman, sus!"

Oo.

Hindi siya bakla sa sarap niyang humalik. Tangina! Parang bibigay na nga ako dun ey.

"Oo na. Lalaki siya okay?" sabi ko at napamulahan ng pisngi dahil sa unang araw ng date namin kahapon.

Pumunta kami sa isang mamahaling restaurant kahapon. Tapos yung restaurant pala pag-aari nilang mga Montecillo. Grabe ang yaman ng mga Langya! Feel ko nga parang mali na nagkajowa ako ng mayaman. Piste! Ang elegante kasi.

Pero sobrang enjoy ko kahapon. Ang sarap pa ng pagkain pati yung kasama kong kumain, masarap rin. Rawr.

Hay.

Ang saya pala kapag kasama mo yung taong gusto mo noh? Sayang lang talaga at hindi kami nakapunta sa Motel.

"Hoy!"

"Ano ba!" inis kong singhal sa bruha.

"Mukha ka kasing tanga diyan. Tingnan mo yang mukha mo parang kamatis hoy anong nangyayari sayo?"

"It's called in love Klare," sabi ko nang nakataas noo. "Ang Bobo mo naman at hindi mo napansin. Tsk!"

"Ang landi mo," komento niya.

Inismiran ko siya. "Ikaw?"

"Ha? Anong ako?"

"Alam ko kung anong status mo ngayon bruha ka!"

"A-Anong status?"

"Wag mo akong ulolin Klare, sinabi na ni Sari Langya ka!"

Laglag ang panga niya ngunit ang gulat niyang reaksyon ay napalitan bigla ng panlulumo.

"Oh? Anong arte yan?"

"Eh kasi, kahit anong kulit ko hindi siya tinatablan."

"Ano bang ginawa mo?" tanong ko at naupo sa isang bench.

Sumunod siya sa'kin at naupo sa aking tabi.

Malakas siyang bumuntong-hininga.

"Nakita niya kasing kausap ko si ex, kaya ayun nagalit."

Yan ang mahirap ey.

"So sinong malandi sa'tin ngayon?" balik kong kutya sa kanya. "Anong sunod na nangyari?"

The Sealed Promise [COMPLETED] Where stories live. Discover now