Chapter 3

12 1 0
                                    

"HOY MGA GAGA! PANO NAMAN AKO MAGKAKAGUSTO SA ISANG BAKLANG GEORGE MONTECILLO NA MAY MALAMBOT NA TITI?!" abot-hininga kong sigaw.

Biglang tumahimik ang lahat. 'Yong mga bruha laglag ang mga panga na nakatingin sa'kin.

Unti-unti Kong nilibot ang aking paningin sa loob ng cafeteria at...

NAKATINGIN SILANG LAHAT SA'KIN!!!

Huli ko nang napagtantong tapos na pala kaming kumain at nasa tapat na kami sa MISMONG TABLE KUNG NASAAN SINA GEORGE!

Putangina!!!

Ang tanga ko!!!

Luminga ako upang tingnan ang kanilang reaksyon. Yung mga lalaki todo ngisi sa'kin samantalang yung mga babae halos lumuwa na ang mga mata sa panglilisik.
Binasag lang ang katahimikang naghahari sa malalakas na halakhak na nanggagaling sa table nila. Yung mga kasama niyang babae ay todo tawa. Yung iba naman ay pumupunas pa ng luha sa kanilang mata dahil sa sobrang pagtawa.

Piste! Bakit ba ako sumigaw?! Langya!

Umingay ulit ang buong cafeteria.

May tumatawa upang sumabay sa mga babaeng kasama ni George. May nagbubulong-bulungan na halos dinig ko naman dahil sa pagbanggit nila sa aking pangalan.

Tiningnan ko si George upang malaman ang kanyang reaksyon ngunit ni walang bahid na kahihiyan ang makikita sa kanyang mukha dahil sa mga sinabi ko.

Tinaasan niya ako ng kilay.

Biglang lumapit ang babaeng katabi niya at may ibinulong. Ngumisi lang siya at umiiling na para bang may nakakatawa sa aking mukha. Pinagpatuloy niya ang pagkain na parang walang nangyari.
Samantalang para akong tanga sa kanilang harap na nakatayo at hindi alam ang gagawin. Ang babae namang bumulong kay George ay tinaasan ako ng kilay at nagtataray. Sinulyapan niya ang exit ng cafeteria bago ibinalik ang paningin sa'kin.
Bago pa ako kumontra, hinila na ako ng mga bruha papalabas.

Pagkalabas na pagkalabas naming lahat sa cafeteria ay binatukan at sinabunutan na kaagad ako ng mga Langya!

"Gaga ka! Nakakahiya yung ginawa mo Dzae!" -Klare.

"Oh my God! I'm very ashamed from what you did Belley! It destroys my entire existence!" -Sari.

"Ano na lang ang iisipin ni George satin?! Sa'kin?!" -Zhy.

"That was a hell of shout Belley, parang nahiya ako dun, slight. -Coln.

"Nakita niyo ba yung bakat sa pantalon ni George kanina? Jusko! Ang laki!" -Chazy.

Pilit akong umiiwas sa kanilang mga kurot.

"Kayo kasi! Inasar niyo akong may gusto ako sa baklang yun!"

"ANONG KAMI?!" sabay na sigaw nilang lahat sa'kin.

Napairap ako. Ang OA ng mga puta. Kung makaasta parang sila yung nagsusumigaw ng kabastusan doon sa loob kanina. Tsk!

"Kalimutan na lang natin yun, okay-"

"KALIMUTAN?! OKAY?!"

"First time in my life na mapahiya ng ganun ghorl." -Sari.

"For sure tayo na yung topic nila ngayon." -Zhy.

"Oo. Aaminin ko gusto kong sumikat para mapansin ni George ngunit hindi sa ganitong paraan at sitwasyon!" -Klare.

Stress na stress silang lahat. Mga ulol talaga!

"Anong gusto niyong gawin ko?"

Hindi na sila sumagot at pinagpatuloy ang paghehisterya. Pinabayaan ko na lang sila at nilibang ang sarili sa cellphone. Maya-maya magiging okay na rin yung mga yun. Hay.

The Sealed Promise [COMPLETED] Where stories live. Discover now