Chapter 9

5 1 0
                                    

Dumaan ang mga araw na hindi ko magawang malungkot o magalit. Kahit wala akong perang pang-load masaya pa rin ako. Kahit pinapagalitan na ako ni Tita masaya pa rin ako. Kahit nag-iisa lang ako masaya at tumatawa pa rin ako. Normal pa kaya 'to?

"Hoy! Mukha kang baliw diyan," puna ni Klare sa'kin.

Nandito kami ngayon sa Mall kasama ang ibang bruha. Ewan ko ba kung bakit nandito kami ngayon. Gusto ko sana sa bar o kaya naman sa apartment at maghapong makikipag-harutan kay Babe. Tsk!

"Sure ka bang si Chazy yung nakita mo Zhy? Baka namamalik-mata ka lang," sabi ni Coln.

"Oo nga Ghorl. Maybe you're just hungry or you're suffering from a hangover right now," sabad rin ni Sari na umiinom ng float.

Teka, ano bang issue?

"Mga ulol. Hundred percent sure akong sasakyan yun ng bruha," kontra ni Zhy at panay lingas na parang may hinahanap. "Sigurado talaga akong may tinatago yang bruha. Kanina nakita kong may kasama siyang kiki."

Hot yung guy for sure. Yan siguro yung issue.

"So?"

"I'm sure jowa niya yun. Hindi man lang sinasabi sa'tin. Nakalimutan na siguro nung Gaga ang rules sa pagkakaibigan na 'to," madamdaming sambit ni Zhy na may pekeng pamunas pa na parang umiiyak.

"Kung totoo nga yan, sasabihin naman yun ng bruha," sabi ni Coln at tumingin sa'kin.

"Maliban diyan sa iba."

What the fuck!

Lahat sila tumingin sa'kin at pinaningkitan nila ako ng mga mata.

"A-Ano?" kinakabahan kong tanong sa kanila.

Hindi sila sumagot at kinaladkad nila ako paupo sa isang bench. Umupo sa magkabila kong gilid sina Coln at Zhy. Nasa harap ko naman ang mga bruhang Sari at Klare. Tangina! Anong gagawin nila sa'kin?

"Okay. Let's start this fucking interrogation," sabi ni Klare at seryosong tumingin sa'kin.

Hindi. Lahat sila! Punyeta! At anong sabi niya? I-Interrogation?

"First question, anong status niyo ngayon ni George?"

Hala ka!

"Pwedeng mag-pass?"

"HINDI!"

what the fuck!

"Ano kayo ngayon ni George?" ulit na tanong ng bruhang Klare.

Piste!

"Ewan," kibit-balikat kong sagot.

"Please ellaborate your answer ghorl."

Ano bang sasabihin ko?

"We're...fine."

Binatukan ako ni Zhy.

"Status ghorl. We're asking for a sta-tus."

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong itatawag ko sa status namin ngayon ni George. Mga 5 months na rin kaming naghaharutan.

"Sa ngayon, chatmate kami ganun," tapat kong sabi.

'Yan lang ang naiisip kong mukhang tawag sa kung ano kami ngayon.
"C-Chatmate?" hindi makapaniwalang tanong ni Coln. "Friends?"

"Friend zoned ka Dzae?" natatawang mukha ni Klare.

"Okay, let's make it clearer," sabad ni Sari at umayos ng upo. "MU?"

"Mutual Understanding?" -Zhy

"Malanding Usapan?" -Klare

"Mapusok na Ugnayan?" -Coln

The Sealed Promise [COMPLETED] Where stories live. Discover now