Umaasa Lang Sa'yo

76 1 2
                                    

click play presents...

(kindly click the video at the side---------------->

 the music video is made by CHENNY_YAP credits to her. )

Umaasa lang sa'yo

Written by: icantfallback / atemimay

Calling Bianca....

Call rejected

Awts. Ayaw pa rin niya akong kausapin. Galit na galit pa rin siya sa akin. Hindi ko naman kagustuhan yung nangyari nung nakaraang linggo eh.

Bianca is my girlfriend for almost 1year and i love her very much. Kaso nasaktan ko siya eh. Sana mapatawad niya pa ako kasi di ko alam kung saan magsisimula kung sakaling tuluyan kaming maghiwalay.

Nalasing kasi ako nung nakaraang linggo tapos di ko namalayan na may malanding babae na pala ang nakipaghalikan sa akin.

Nakita ni Bianca yun lahat. Natauhan nga ako eh.

"anak, wag ka ng papatay patay diyan. Tayo na at puntahan mo na sa bahay nila. Para kang baklang umiiyak dyan e."  sabi ng tatay ko habang tinatapik ang balikat ko.

"opo."

Pinunasan ko ang luha ko at niyakap ang tatay ko.

Sa bahay ni Bianca....

"BIANCA!!!!"

"BIANCA. Magusap tayo. Kausapin mo naman ako oh. Please."

"Babe, ayusin natin to."

Nandito ako sa labas ng gate nila Bianca. Sinusubukang aluin siya. Gustong kong bumawi sa kanya.

"UMUWI KA NA!"

Si Bianca! Ayun siya. Gusto kong umakyat sa gate at yakapin siya.

"miss na miss na kita."

"umalis ka na!"

"babe, isa pa. Isa pang chance please."

Ang bakla ko, umiiyak ako habang nagsusumamo sa kanya nasasaktan kasi ako sa pagtataboy niya eh.

Finally lumabas si Bianca at agad ko siyang niyakap.

Pero, hindi man lang niya ako niyakap.

"PJ, umalis ka na. Tapos na tayo!"

Bumagsak ang buong mundo ko. Wala na kami? Tapos na daw kami?

"no!" pinipilit ko siyang yakapin.  "please Bianca, no! Wag mong gawin sa akin to." gusto ko siyang yakapin pero nilalayo niya ako.  "mahal kita. Ikaw lang eh!"

"umalis ka na, PJ, nakakahiya sa kapitbahay ba---"

"WALA AKONG PAKIALAM! Hinihiwalayan ako ng pinakamamahal kong babae. Wala akong pakialam kahit mukha na akong tanga dito. Please babe, hindi na yun mauulit. Wag mo lang akong iwan."

Gulat si Bianca at dahil nagkakagulo na lumabas ang parents niya at ipinasok si Bianca sa loob.

"tito! Tita!"   sigaw ko pero wala.

So, this is goodbye. Wala na ang P-B couple. Wala na.

Lumakad na ako palayo sa kanila habang umiiyak.

Wala akong pakialam kahit mukha akong pulubi at kawawa gusto kong magluksa.

Mahal na mahal ko si Bian--

May yumakap sa akin mula sa likod.

"babe, im sorry. I love you."

Si Bianca. Yung mahal ko.

Humarap ako sa kanya. Wala ng nagsalita.

We looked into each others eyes as i cup her face. I smiled then kiss her forehead.

Niyakap ko siya ng napakahigpit.

I'll treasure this second chance. I will never let go of this girl. Never.

~end~

Lets support OPM

To God be the Glory

CLICK PLAYWhere stories live. Discover now