Sana'y Ako Na Lang

72 1 1
                                    

before you start reading.. kindly click the play button on the side. ------->     mas maiintindihan natin yung story pag may background music. with feelings dapat pag binabasa ah. daliii. :))

Click Play presents..

Sana'y ako na lang.

written by: icantfallback/ AteMimay

Hi! Ako nga pala si Roy. Isang sophomore student sa isang public school. Mahirap lang kami pero naniniwala ako na hindi kami forever na mahirap.

Mayroon akong long time crush. Si Ellaine  >//////<

Kaso hindi kami bagay eh. Siya yung anak nung teacher ko sa English kaya dito din siya nag aaral. Friendly siya, cute, matalino at mabait.

Torpe ako. Oo na nga po. Sige na. Pero wala eh, kahit subukan kong lumapit, sa huli napapaatras pa rin ako.

Minsan lumapit ako pero aksidente akong sumabit sa hose na pandilig, ayun palpak!

May boyfriend na kaya siya? O manliligaw man lang? Si PJ siguro yung basketball player ng school nain. Sikat yun eh. Anong manama ko dun?

Lagi ko siyang tinititigan at nakikita kong lagi siya nitong nilalapitan at kinakausap.

Ako, bagsak ang balikat na uuwi. Parang nalugi.

Lagi ko rin siyang inaabangan sa gate tapos mga ilang minuto lang susunod na ako sa paglalakad niya. O diba, sabay kami umuuwi. =)

Haaaaaaaaaayyy....suntok sa buwan. Walang pag asa na mapansin niya ako.

"Excuse me, ikaw ba si Roy?"

E-Ellaine?

"A-a-ahm... A-ako n-nga..." parang si Budoy lang ako.

"ahehehehe."  tumawa siya.

Napakamot naman ako sa likod ng ulo. Nakakahiya naman.

"Kasi sayo yata to oh?"

May iniabot siyang notebook. Pero hindi lang yun notebook para sa akin.

Ayun yung compilation ko ng mga kanta para sa kanya. Bawat kanta, may dedication sa dulo parang diary na rin.

"naiwan mo sa room."  tapos e ngumiti siya at nagtwinkle ang mga mata.

Nanginginig yung kamay ko nung kinuha ko yung notebook.

"ahm...."  si Ellaine yan na umupo sa tabi ko. Ito na yun oh!

"eh... Ellaine... May boyfriend ka na ba?"

"ah... Wala eh."

"bakit naman, ayaw ng mama mo?"

"hindi naman. Wala kasing may lakas ng loob."  tapos tumingin siya sa akin.

Sa mga mata ko..... Saka tumayo at tumalikod.

"Ellaine...."

Lumingon siya sa akin.

"Gusto kita..."

LUPA KAINININ MO NA AKO!!!!

Bakit ba ngayon ko pa to ginawa.

Ano baaaaa....

"hmmmm.."   she smiled.  "mayang uwian, sabay tayo. This time, tumabi ka na sa akin ah. Wag sa likod."   bahagya pa siyang tumawa.

And then i fall in love again.

~end~

let's support OPM

To God be the Glory

CLICK PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon