CHAPTER TWENTY SIX

Start from the beginning
                                    

“Fine it's me! Damn it.”

Napasigaw ako sa gulat ng biglang may narinig akong malakas na putok ng baril. “A-Ano yon?”

“He's mad. I'm fúcking dead now”

“A-Ano?”

Napatingin ako sa harap ng sasakyan ng may mabilis na humarang sa daraanan namin. Malakas ang prenong binitawan nitong kasama ko kaya muntik na akong masubsob sa dashboard, buti nalang naiharang niya agad ang braso pero sa kasamaang palad na-untog pa rin ako.

“I'm gonna die” -ani nito kaya tinignan ko sya nang masama.

“Hindi ka ba kikilos jan! Paandarin mo na yang pesteng sasakyan mo!”

“I'll talk to him”

“Talk? Him? Sino?”

Walang buhay niyang isinandal ang ulo sa headboard nitong sasakyan. Kagat kagat niya ang kanyang labi hanggang sa may biglang bumasag ng salamin sa mismong pinto nitong kotse.

“Oh my god!!” -sigaw ko dahil sa sobrang gulat.

Mabilis niya akong niyakap at pinadapa dahil baka mapuruhan ako sa talsik ng babasaging krystal—mala krystal kasi ang desinyo nitong pinto niya.

“Putangina!”

Mabilis pa sa alas kwatro kong inangat ang ulo dahil sa boses na nakakasindak. At halos pinunit ang puso ko ng makita ang lalaking kanina ko pa iniisip.

Ang itsura niya, hindi ko na halos maintindihan. Magulo ang kanyang buhok at tila galing lang kakasabunot, yong sleeve ng polo niya magusot habang nakabukas ang butones sa dibdib at wala na sa ayos ang necktie. Ang kanyang mukha ay puno ng galit. And I bet my life kanina niya pa ako hinahanap.

“Papatayin kitang tangina ka”

Madaling natanggal ni Tyler ang seatbelt nito kaya nataranta ako. Bago pa ako makapagsalita ay hinila na niya yong kasama ko palabas at agad kinaladkad gamit ang isang kamay.

Binuksan ko ng mabilis ang pinto ng kotse at lumabas. Dumagundong ang puso ko sa kaba ng makita ang itsura nong Matthew na nakahandusay sa sahig habang may dugo sa ilong at bibig.

“Die!” -sigaw ni Tyler at agad hinila ito patayo saka sinuntok ulit sa panga “Fúcking Die!”

Tumakbo ako papunta sa kanya saka pumagitna. Habol habol ko ang hininga na tumingin sa kanya. This is him. Yong Tyler na mabagsik na nakilala ko noon sa mansion nila. Ang Tyler na handang pumatay sa kahit sino, ito talaga sya.

“T-tama na” -mahinang awat ko “Tama na. H-hindi niya kasalanan, ako yong sumama sa kanya”

Nagbago ang itsura ng mukha niya at agad na tiningnan ng masama yong lalaki “You—”

Hindi ko na hinintay na mabasag pa niya ulit ang mukha nito, hinila ko na ang braso niya palayo. Mabilis ko naman syang hinawakan sa mukha.

“I'm fine. Walang nangyaring masama sakin kaya kumalma ka na, okay? Tyler natatakot na ako sa itsura mo” -pag-amin ko “Please? Tama na”

Nakita ko na naman ang pagbuo ng luha sa mga mata nito. Ibang iba sya sa twing ako na yong makakaharap niya samantalang para syang serial killer kanina. Hindi ko akalain na kaya niyang mambasag ng salamin ng dahil sa galit.

Sya rin ba yong narinig kong nagpaputok ng baril?

“I'm so worried” -hinila niya ako palapit sa kanya saka niyakap, isinubsob naman niya ang ulo sa leeg ko. “I wanted to kill him”

“Stop saying that”

“Inaagaw ka niya sakin”

“Ayan ka na naman” -sita ko “Hindi niya ako inaagaw sayo”

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Where stories live. Discover now