Part Twelve

5 1 10
                                    

Nakasuot ng itim na damit ang lahat ng taong dumalo sa libing ni Historia. Hindi nito kinaya ang panganganak. Nailuwal nito ang sanggol na malusog at maayos ang kalagayan. Ngumiti pa ito ng masilayan ang anak bago nawalan ng buhay ang babae. Nang malaman iyon ni Ymir ay para siyang pinagsakloban ng langit at lupa. Habang binabasbasan na ng Pari ang kabaong ni Historia na pababa na sa ilalim ng lupa ay para namang pinipilas ang puso ni Ymir at hindi na niya kinaya ang sakit na nararamdaman. Lumayo siya sa mga tao at doon sa may puno inilibas niya ang sakit at pighating nararamdaman. Pinagsisipa niya ang puno at napaluhod doon habang tumatangis na umiiyak. Naninikip ang dibdib niya at parang ayaw na rin niyang mabuhay. Hindi kaya ng puso niya na makitang inililibing ang babaeng unang nagpatibok ng bata niyang puso.

***

Buwan na ang lumipas at nagpaalam na sa kanya ang mag-asawang Reiss dala ang sanggol ni Historia. Sinabi ng mga ito na pupunta muna sila ng ibang bansa dahil napakasakit sa kanila ang manatili sa mansion dahil maaalala lang nila ang kanilang anak na si Historia. Inaaya siya ng mga ito na sumama sa kanila pero mas pinili niyang manatili sa tabi ng Mama Ilse niya. Ipinangako ng mga ito na hindi pa rin siya pababayaan ng mga ito at ipagpatuloy ang pagtulong sa kanya hanggang sa makamit niya ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kanyang pag-aaral. Sa huling pagkakataon ay niyakap niya ang mag-asawang Reiss at taos-pusong nagpasalamat sa mga ito. Napasulyap siya sa sanggol na karga ni Mrs. Reiss. at mapait na ngumiti. Ang kaisa-isang alaala ng babaeng minamahal niya. Kinintalan niya ng halik sa noo ang sanggol bago nagpaalam na sa mga ito.

***

Sa pagsusumikap ni Ymir at determinadong makatapos ng pag-aaral ay nangyari nga ang minimithi niya. Nang ibalita niya iyon sa mag-asawang Reiss ay labis-labis ang tuwa ng mga ito. Tinanong niya kung kailan uuwi ang mga ito sa bansa nila pero hindi iyon masasagot ng mag-asawa sa ngayon dahil nag-aaral na din kasi ang apo ng mga itong si Krista. Ni minsan ay hindi nasilayan ni Ymir kung ano ang itsura ni Krista.

Pero ang sabi ng mga ito kamukhang-kamukha raw ito ni Historia. Nang mabanggit ang pangalan ng babae ay napangiti si Ymir pero wala na ang sakit na nararamdaman niya. Kahit papaano ay naka-move on na siya sa mga nangyari sa buhay niya. Ginawa niyang inspirasyon si Historia at ang mga pangaral nito sa kanya.

Nagpaalam na si Ymir sa mag-asawang Reiss kasi tinatwag na siya ng Mama Ilse niya. Ka videocall niya kasi ang mga ito sa laptop niya. Nang makapagpaalam ay ini-off na niya ang ito saka lumabas na ng kwarto niya. Nalaman din ni Ymir na binigyan ng mga Reiss si Ilse ng pera para sa panimula nitong negosyo na hanggang ngayon ay matatag pa rin. Sinabi kasi ng mga ito na kung gusto talaga nitong makuha si Ymir mula sa kanila ay dapat may pagkakakitaan siya at hindi makawawa si Ymir sa puder nito.

Sa ngayon ay wala ng mahihiling pa si Ymir. May sinisimulan na din siyang negosyo at isa iyong resort na pinangalanan niyang Historia's Haven. Maraming torista ang pumupunta sa kanyang resort na siya mismo ang nagdesinyo. Nagbebenta din ang kanyang Mama Ilse doon ng mga souvenirs na pwedeng i-customize. Sa ngayon ay abala si Ymir sa pagpapalago ng negosyo niya at walang puwang sa puso niya ang magmahal muli.

Her Inherited Memories Where stories live. Discover now