Part Eight

2 0 0
                                    

Hindi nagtagal ay nahuli agad si Reiner ng mga pulis. Sinampahan ito ng kaso ng mga magulang ni Historia. Sinadyang sumama ni Ymir para makita ang lalaking nanakit sa Historia niya. Nang makaharap niya ito ay walang paligoy-ligoy na sinipa niya ito sa mukha at dibdib. Nabigla ang mga nakasaki sa ginawa ni Ymir. Lalong-lalo na ang mag-asawang Reiss at ni Historia. Hinawakan ng mga pulis si Ymir para awatin ito pero binitawan nila agad ng magpupumiglas saka ito hinatak ni Mrs. Reiss palayo sa mga pulis.

Gumagapang saka lumuluhod si Reiner sa harapan ni Historia para humingi ng tawad rito. Pero agad namang hinarangan iyon ni Ymir at muling sinipa ito sa mukha kaya napahawak na si Historia sa braso nito para awatin at baka pati ito ay damputin din ng mga pulis. Agad na kinuha ng mga pulis si Reiner at dinala na iyon sa istasyon ng pulis para masampahan ng reklamo. Napayakap naman si Historia sa likuran ni Ymir. Ramdam niya parin ang panginginig ng katawan nito dahil sa galit. Pero sa kabilang banda ay masaya si Historia dahil tapos na ang kalbaryo niya sa dating kasintahan.

---
Ilang buwan ang lumipas ay naging maayos naman ang pagdadalang-tao ni Historia. Laging kasama ng babae si Ymir sa tuwing mamimili ito ng mga gamit sa magiging anak nito. Tahimik lang na sumusunod si Ymir at hindi nito maalis-alis ang tingin kay Hisu habang pumipili ng damit para sa baby. May kalakihan na rin ang tiyan nito. Naapagdesisyunan nitong ituloy ang pagbubuntis kahit hindi naging mabuti ang katapusan nilang dalawa ng dating karelasyong si Reiner. Kasi kahit papaano daw ay minahal din niya naman ang lalaki st walang kasalanan ang baby. Nang marinig iyon ni Ymir ay may biglang matulis na bagay ang tumutusok-tusok sa kaibuturan ng puso niya.

Naramdaman ni Ymir ang mainit na palad ni Historia sa kamay niya kaya napatingin siya rito na walang ekspresyon ang mukha. Kaya natawa naman si Historia at mahinang tinampal ang pisngi ni Ymir sabay hila nito papunta sa isang restaurant na malapit sa kanila. Nang makaupo ay inabutan agad sila ng taga-silbi ng menu para makapamili ng kakainin. Pinasada ni Historia ang tingin sa mga pagkaing nakasulat doon at bahagya nitong sinulyapan si Ymir na tulala pa rin. Napabuntong-hininga ang babae at ito na ang nag order ng pagkain para kay Ymir. Nagpaalam agad ang taga-silbi matapos nitong makuha ang order ni Hisu.

"Yumi?" tawag nito sa kaharap.

"Ah? Huh? Bakit Hisu?" nagulat at wala sa sariling sagot ni Ymir.

"Anong Hisu? Ate. Ate ang itawag mo sa akin. Tandaan mong mas matanda ako sa'yo." nakangiting wika ni Historia.

"Ayoko nga! Ba't kita tatawagin niyon eh hindi naman kita kapatid." nakasimangot na sagot ni Ymir saka napahalukipkip at nag-iwas ng tingin kay Historia.

"Grabe ka kung makapag-react Ymir ha. Siguro may gusto ka sa akin kaya ayaw mo'kong tawaging ate." napalabing wika ni Historia.

Nanlaki ang mga mata ni Ymir at mabilis na lumipat ang paningin kay Historia na nakataas pa ang isang kilay. Habang nakatitig sa mga mata ni Ymir ay umayos ito ng upo. Napalunok naman si Ymir at hindi malaman ang isasagot kay Historia.

"Mir umamin ka nga. May gusto ka ba talaga sa akin? Kaya lagi kang tulala at wala sa sarili mo?" biglang sumeryoso ang mukha ni Historia at hinawakan pa nito ang isang kamay ni Ymir na nasa ibabaw ng mesa.

"Eh kung sabihin ko sa'yong oo. May gagawin ka ba para sa atin? Gugustuhin mo din ba ako?" nagning-ning ang mga mata ni Ymir at nakipag-intertwine kay Historia.

Hindi inaasahan ng babae ang ginawa ni Ymir. Kaya agad na binawi ni Historia ang kanyang kamay saka pinagsaklop ang mga palad. Mas lalong sumeryoso si Historia kaya kabadong-kabado si Ymir at pinagpapawisan ito ng gabutil.

"Gusto kong malaman mo na hanggang kapatid lang talaga ang turing ko sa'yo. Wala ng iba pa Ymir. Kung nabigyan mo man ng ibang kahulugan ang pinapakita ko sa iyong kabutihan. Pagpasensyahan mo sana ako. Masyado ka pang bata para maintindihan ang lahat tungkol sa pag-ibig. Mag-aral ka muna. Pagyamanin mo ang iyong sarili at mahalin. Naniniwala akong balang-araw ay makakamit mo rin ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay. At malay mo paghanda ka na. Dumating na yung para sa'yo. Mahal din naman kita Yumi. Hindi lang gaya ng nararamdaman mo para sa akin." malumanay pero may diin ang bawat pagbigkas ng mga salitang iyon ni Historia.

Namutla si Ymir at biglang nagsikip ang kanyang dibdib. Natuyo ang kanyang lalamunan at parang may isang libong karayom ang tumusok-tusok sa kanyang puso. Napakagat-labi si Ymir at biglang tumayo sa kinauupuan niya. Lumabas siya ng restaurant at nakayukong naglalakad palayo sa lugar na iyon. Iniwanan niya si Historia ng mag-isa sa restaurant na yun. Kahit wala siya roon ay may mga body guards naman itong nakakalat sa paligid ng mall para bantayan ito. Nang makalabas ng mall ay nagtatakbo si Ymir at hindi niya alam kung saan siya tutungo.

Her Inherited Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon