Part Nine

1 1 0
                                    

Muling nagbalik si Ymir sa dati niyang ugali. Hindi na ulit ito kumakain kasabay ng pamilyang nag-alaga sa kanya. Iniwasan din nito si Historia at kung magkakausap man silang dalawa ay malamig ang pakikitungo ni Ymir dito. Nagpatuloy si Ymir sa pagpupursigi niyang mag-aral at nakikita niya naman na lumalaki na lalo ang tiyan ni Historia. Kahit sa pasko at bagong taon ay hindi nakisali si Ymir sa kasiyahan ng mag-anak. Itinulog niya lang ang mga okasyong gaya niyon. Kahit ilang katok pa ang kanyang natatanggap sa pintuan ng kanyang kwarto, ni isa man sa mga ito ay wala siyang pinagbuksan.

Mas ninais niyang mapag-isa kasama ang pianong naging paborito niyang tambayan. Lalo na at malungkot siya o may nais siyang pag-isipan. Habang nakahiga at nakatalukbong ng kumot si Ymir ay biglang pumasok sa isipan niya si Ilse, ang Mama niya. Namimiss niya ang Mama niya kahit galit na galit siya rito ng iwanan siya nitong mag-isa sa bahay nila. Umiiyak na nakatulugan ni Ymir ang pag-iisip niya tungkol sa Mama niyang si Ilse.

***

Papasok na ng bahay nila si Ymir ng salubungin siya ng kasam-bahay at batiin nito. Gumanti naman ng bati si Ymir saka naglakad na papalayo pero muli ay tinawag siya ng kasam-bahay na pinapasabi ng Daddy niyang pumunta siya sa maliit na opisina nito kapag nakauwi na siya. Tumango lamang si Ymir saka naglakad na sa direksyong papunta sa maliit na opisina ni Mr. Reiss.

Galing kasi si Ymir sa bookstore para bumili ng kanyang gagamitin sa nalalapit na pagbubukas ng klase nila. Kahit Enero pa lang ngayon ay abala na siya sa paghahanda ng mga gagamitin niya para sa pag-aaral niya. Bumili na rin siya ng libro tungkol sa pagpa-piano para humasa ang kanyang kaalaman sa nasabing instrumento. Nang mapatapat siya sa harap ng opisina ng Daddy nila ay kumatok siya at naghintay ng kasagutan mula sa loob.

Nang pihitin niya ang siradura ng pinto ay nagbigay galang siya sa mga magulang pero biglang nanigas sa kanyang kinatatayuan si Ymir ng makita ang babaeng ng iwan sa kanya limang taon na ang nakakaraan. Bumakas agad sa mukha ni Ymir ang galit at nagtangis ang bagang niya. Pinigilan agad siya ni Historia kasi natatakot ito na baka saktan ni Ymir ang tunay nitong ina.

Nang kumalma si Ymir ay lumabas muna ang mag-anak at naiwan sa loob sila Ymir at Ilse. Naupo si Ymir at napakuyom siya ng kanyang palad habang umiigting ang panga nito. Galit pa rin siya kahit namimiss niya ang kanyang nag-iisang magulang. Nagulat si Ymir ng biglang lumapit si Ilse sa harapan niya at paluhod na niyakap ang baywang niya. Umiiyak ito na humihingi ng tawad sa kanya. Sa lahat ng pagkukulang nito at sa lahat ng kasalanan nito sa kanya.

Unti-unti ay lumambot ang puso ni Ymir saka niyakap ang ina niya. Nag-iyakan at nagyakapan sila ng mahigpit na parang ayaw na nilang humiwalay sa isa't isa. Nang mahimasmasan silang dalawa ay nag-usap sila ng masinsinan. Napag-usapan din nila ang plano ni Ilse para sa kanya. Nakaramdam ng kasiyahan si Ymir at niyakap muli ng mahigpit ang Mama niya. Muli ay humingi ng tawad si Ilse at napatawad naman ito ni Ymir ng bukal sa loob niya.

Her Inherited Memories Where stories live. Discover now