Epilogue

2 1 0
                                    

Ngumiti ng malapad ang babae sa pangalang itinawag sa kanya ni Ymir. Kumalas muna sa pagkakayakap niya ito at tinitigan siya ng maigi. Biglang kumunot ang noo ni Ymir at bahagyang lumayo sa kaharap. Nabatid na kasi nitong hindi si Historia ang kaharap niya at ibang tao iyon.

"Ohh ba't parang nakakita ka ng multo." humahagikhik na tanong nito.

"Matagal ng patay si Historia pero bakit kamukhang-kamukha mo siya? Sino ka ba at bakit alam mo na Yumi ang tawag sa akin ni Historia?" napaangat ang isang kilay ni Ymir.

"Relax ka lang. Teka at magdadasal lang muna ako para sa Mommy ko." nakangiting wika nito.

Nagdasal nga ang babae at nagbigay galang sa libingan ni Historia kaya narealize ni Ymir na ang kaharap niya ngayon ay ang anak ni Historia na si Krista. Matapos magdasal ay humarap si Krista kay Ymir at niyakap siya. Nagulat naman si Ymir sa ginawang iyon ni Krista.

"Alam kong matatawa ka pero alam mo bang kahit hindi pa kita kilala ay alam ko na ang itsura mo. At may mga alaalang biglang pumapasok sa isipan ko lalo na at tungkol sa'yo. Kahit sina Lolo at Lola ay nahihiwagaan dahil wala naman silang binabanggit tungkol sa'yo at kung ano ang relasyon ninyo ni Mommy. Baka nga daw namana ko ang alaala ni Mommy tungkol sa'yo Yumi. Minsan nga pakiramdam ko ay ako at siya ay iisa. Kasi kahit ang alaala ng Daddy ko ay malinaw kong naaalala lalo na yung sinasaktan niya ang Mommy ko." mahabang paliwanag ni Krista.

Napanganga si Ymir saka mabilis na umiiling-iling. May mga sekreto sila noon ni Historia at sila lamang dalawa ang nakakaalam. Kaya tinanong niya iyon kay Krista at namangha siya na nasagot nito ang katanungan niyang iyon. Maya-maya ay may iniabot na sulat ni si Krista kay Ymir at tinanggap niya naman iyon saka binuklat. Napangiti siya pero bigla ring nagbago ang ekspresyon ng mukha niyang tumingin kay Krista.

"Paanong napunta sa iyo ito? Sulat ko ito para sa tagapangasiwa ng bahay-ampunan na si Ms. Lenz ahh." puno ng pagtatakang tanong ni Ymir.

"Kasi ang Mommy ko ang tagapangasiwa ng bahay-ampunan. Siya at si Ms. Lenz ay iisa. Ang buhay mo Yumi ay binago ng Mommy ko. Dahil sa kanya kaya ka inampon ng mga magulang niya. At siya rin nagpahanap sa Mama mong si Ilse. Ang lahat ng iyon ay plinano ng Mommy ko para gumanda ang buhay mo Yumiru. Dahil sobrang nahabag siya sa nilalaman ng sulat mo." mahabang paliwang ni Krista.

Napaluha si Ymir dahil sa mga ginawang kabutihan ni Historia ng di niya alam. Lumapit siya sa nitso nito at hinaplos iyon saka bumulong ng pasasalamat. Ngumiti siya at nagpaalam na rito. Humingi siya ng tawad sa pagiging bratty nung mga panahong magkasama pa sila nito. Naramdaman niya ang pagyakap ni Krista mula sa likuran niya.

Napangiti si Ymir ng maalala si Historia. Parang siya ang yumayakap ng mga sandaling iyon. Hinarap niya si Krista at niyakap niya iyon ng mahigpit. Alam na niya kung ano ang gusto nitong mangyari sa kanila ng anak nitong si Krista. Hindi man madaling kalimutan si Historia pero gusto niyang mahalin si Krista kung sino man ito at hindi dahil kamukha ito ni Historia. Ngumiti ito hinila na siyang palabas ng musileyo at sumakay na ng sasakyang kanina pa naghihintay sa kanilang dalawa para pumunta sa mansion ng mga Reiss at doon ay sabay-sabay na maghahapunan.

THE END....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Inherited Memories Where stories live. Discover now