Part Ten

1 1 0
                                    

Ilang araw ang lumipas mula ng mangyari ang tagpong iyon ay kausap naman ni Ymir ang Mommy at Daddy niya sa loob ng opisina nito. Napag-usapan nila ang tungkol kay Ilse at sa pagbabalik nito sa buhay niya.

"Sinadya ninyo ba siyang hanapin Dad para mapaalis niyo na ako rito?" may halong pagtatampo ang boses ni Ymir sa mga kinikilalang mga magulang habang nagpalipat-lipat ng tingin.

"Hindi anak. Mali ka dyan sa iniisip mo. Mula ng malaman nito na nasa pangangalaga ka namin ay agad siyang nagpunta dito para sana ay makausap ka. Pero lagi kang nagkukulong sa kwarto mo at ayaw mong pagbuksan ni isa man sa amin. Tapos hindi ka namin makausap ng matagal dahil lagi kang umiiwas lalo na sa Ate mo." malumanay na paliwanag ni Mr. Reiss sabay higop ng kape nito.

"Kung ganun? Matagal na siyang nagpabalik-balik rito?" manghang tanong ni Ymir.

"Oo anak. Lumuhod pa nga siya sa harapan namin ng Daddy mo at nagmamakaawa. Nagsusumamo na kunin ka sa amin pero hindi kami pumayag. Dahil kung kukunin ka niya sa amin na wala siyang kakayahang ibigay ang mga pangangailangan mo. Masasaktan lang kami kung malalaman naming hindi ka makakapag-aral ng maayos. Ang mahalaga sa amin anak ay makapag-aral ka na hindi na iintindihin kung saan mo kukunin ang perang gagamitin mo sa iyong pag-aaral." mahabang litanya ni Mrs. Reiss.

Napatutop ng kanyang bibig si Ymir at bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata. Sinugod niya ng yakap ang mga ito at niyakap din naman siya ng mag-asawa. Naisip ni Ymir ang mga pagkakamaling ginawa niya noon sa mga ito. Naging masama ang ugali niya at pati narin sa pakikitungo sa mga kinikilalang mga magulang. Maswerte siya dahil sa dinami-raming bata ang nasa bahay-ampunang iyon ay siya pa ang napili ng mga ito na kupkupin at alagaan.

Humingi ng tawad si Ymir sa mga ito at nangakong magbabago na sa masamang ugali niya. Napaiyak naman si Mrs. Reiss at tinapik-tapik naman ni Mr. Reiss ang balikat ni Ymir. May isa pa siyang inamin sa mga ito at ikinabigla iyon ng mag-asawa pero hindi naman siya kinamuhian ng mga ito o nagbago ang pagtingin nito sa kanya. Taos puso nilang tinanggap ang ipinagtapat ni Ymir. Mga ilang minuto pa silang nag-uusap. Napuno ang kwartong iyon ng tawa at halakhak nilang tatlo ang silid na iyon bago magalang na nagpaalam si Ymir sa mga magulang. Tumango ang mga ito at lumabas na siya ng kwartong iyon.

***

Nang gabing iyon ay lumabas si Ymir sa kanilang harden para magpahangin at pagmasdan ang malawak na kalangitan na napupuno ng mga bituin. Pumikit siya ng dumampi ang malamig na hangin sa buo niyang katawan. Kay sarap sa pakiramdam ang ganitong tahimik at mapayapang gabi. Habang prenteng nakaupo si Ymir sa swing chair ay biglang umupo si Historia sa tabi niya. Napamulat ng kanyang mga mata si Ymir at sinulyapan ang babaeng nasa tabi niya.

"Yumi pwede ba tayong mag-usap?" nakangiting wika nito sabay hawak sa kamay ni Ymir.

"Eh kung sabihin kong ayoko? Tatahimik ka ba?" sabay bawi ng kamay at paningin niya kay Historia.

"Ba't ka ba nagagalit sa akin Ymir?! Alam mo nakakainis ka na sa totoo lang." biglang tumayo si Historia at tumayo sa harapan ni Ymir kaya napatitog siya rito.

Unang beses niyang makitang magalit si Historia kaya nabigla talaga siya. Mababakas niya sa maamong mukha nito ang galit at pagka-inis sa kanya. Natulala si Ymir kaya sinamantala iyon ni Historia at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Ymir.

Her Inherited Memories Where stories live. Discover now