Part Three

2 1 0
                                    

Magmula ng malaman ni Ymir ang tungkol kay Historia ay naging malamig ang pakikitungo nito sa mga kinikilalang mga magulang. Kung may nagbago man ay ang tumino siya at naging pokus sa pag-aaral niya. Hindi na rin siya sumasabay kumain sa mag-asawa. Kaya hinahatdan na lang siya ng pagkain ng mga kasam-bahay sa kwarto niya.

Nagtagal ng ganoon ang sitwasyon nila ng ilang linggo hanggang sa umabot na rin ng ilang buwan. Hindi na rin nagtangka pa ang mag-asawa na kausapin siya simula ng itulak niya ang kanyang Mommy palabas ng kanyang kwarto. Napagalitan siya ng Daddy niya pero hindi man lang umimik o humingi ng paumanhin si Ymir sa mga ito. Pero kahit ganun ay patuloy pa rin ang mag-asawa sa pag-aalaga at magandang pakikitungo para sa anak-anakan nila.

***

Lumabas ng kanyang kwarto si Ymir para kumuha ng makakain ng mapansin niyang abala ang mga kasam-bahay sa pag-aayos at paglilinis ng buong mansion. Nag-isip saglit si Ymir bago nagpatuloy sa pagpunta sa kusina. Ang alam niya ay malapit na ang birthday niya pero hindi niya naman hiniling sa mga ito na ipaghanda siya o magsagawa ng engranding salo-salo. Hindi naman siya sanay sa mga ganoong okasyon. Nang makuha na ni Ymir ang pakay niya sa kusina ay mabilis siyang bumalik sa kanyang kwarto at buong araw na naman siyang nagkulong doon.

Habang nag-aaral ay nakarinig siya ng ugong ng sasakyan. Kaya napatayo siya sa pagkakaupo sa harap ng study table niya para sumilip sa bintana at alamin kung sino ang dumating. Nakita niya ang kanyang foster parents at may kasama itong medyo may kaliitang babae na blonde ang buhok. At kita niya sa mga mata nito ang tuwa at galak. Nakaramdam ng kahungkagan si Ymir kaya agad siyang umalis sa pagkakasilip sa bintana at tinungo ang kanyang kama. Nahiga siya roon at ipinikit ang mga mata. Nakarinig siya ng mahihinang katok sa pintuan ng kwarto niya at ang pagtawag sa pangalan niya pero hindi niya iyon pinansin. Sinulyapan niya lang ang pinto at muling ipinikit ang mga mata.

Her Inherited Memories Where stories live. Discover now