Part Six

1 1 0
                                    

Isang gabi habang nagpa-piano si Ymir ay nakarinig siya ng katok sa pintuan ng kwarto niya. Napasulyap siya roon kaya tumigil siya sa pagpa-piano at tinungo ang pintuan para buksan ito. Tumambad sa harap niya si Historia na namumugto ang mga mata at panay ang pagsinghot nito. Napatampal sa kanyang noo si Ymir at hinila itong papasok sa kwarto niya. Pinaupo niya ito sa kama at pinunasan ang mga luha.

"Ano ba ang problema mo at umiiyak ka ng ganyan?" nakayukod si Ymir sa harap ni Historia habang titig na titig ito sa mga mata ng babae.

"Y-Ymir. Pwede ba akong mag share sa'yo ng kahit ano?” sabay hawak ni Historia sa mga kamay ni Ymir.

"Teka teka Hisu. Mukha yatang mabigat ang problema mo. Kasi bakas sa katawan mo ohhh. Nangayayat ka na at namumugto ang mga mata mo." nag-aalalang wika ni Ymir sabay hawak niya sa balikat ni Hisu.

Hindi inaasahan ni Ymir ang paghiyaw ni Historia kaya agad niyang binitawan ang balikat nito sabay lilis ng damit nito sa may balikat. Nanlaki ang mga mata ni Ymir at parang nanlamig ang buong kalamnan niya habang nakatitig sa pasa ni Historia. Nagkulay ube ito at mukhang namamaga pa.

Hindi pa nasiyahan si Ymir at tinignan pa niya ang ibang bahagi ng katawan ni Historia at mas lalong nanlamig ang kanya buong kalamnan dahil halos may pasa ang makinis at maputing katawan ni Historia. Tumayo si Ymir at bakas ang galit sa mukha nito. Napakuyom siya ng maigi sa kanyang kamay. Gusto niyang saktan kung sinumang hayop ang gumawa kay Historia niyon.

Biglang tumayo si Historia at tumakbo sa banyo ni Ymir at doon ay nagsusuka. Agad na sumunod si Ymir at hinawi ang buhok ni Historia para hindi niya masukahan. Pagkatapos magsuka ni Historia ay parang lantang-gulay itong naupo sa sahig habang nakasandal kay Ymir. Galit na galit si Ymir sa loob niya. Umiigting ang panga niya dahil masakit para sa kanya na makita si Historia sa ganoong kalagayan.

Her Inherited Memories Where stories live. Discover now