Part Seven

1 1 0
                                    

Yakap-yakap ni Mrs. Reiss ang anak na si Historia habang umiiyak naman ito. Nalaman na ng mag-asawa ang kababuyan ni Reiner. Galit na galit si Mr. Reiss habang tinatawagan ang lahat ng koneksyon nito para masukol at mahuli ang lalaking lumapastangan sa anak niyang si Historia. Nakatayo lang si Ymir sa tabi habang nakasandal siya sa pader at pinagmamasdan ang buong mag-anak.

"Anong gusto mong gawin ko sa hayop na iyon, anak? Alam mo namang isang salita ko lang tapos ang buhay niya." gigil na gigil si Mr. Reiss at umupo sa tabi ng kanyang anak.

"Daddy labas lang ako. Mukhang di na naman ako kailangan dito." sabat ni Ymir at aktong aalis na.

"Dito ka lang Yumi please." umiiyak pa ring si Historia.

"Please Ymir. Dito ka muna." segunda naman ni Mrs. Reiss.

Hindi na umimik si Ymir at umupo na lang sa pang-isahang upuan. Ngumiti si Historia rito at hinarap ang ama.

"Gusto ko siyang mabulok at magdusa sa kasalanang ginawa niya sa akin, Dad." pinahid ni Historia ang mga luha at napuno ng galit ang mga mata nito.

"Mangyayari yun sa kanya anak. Kung hindi pa siguro sinabi ni Ymir ang lahat ay baka hanggang ngayon nagdurusa ka pa rin." sabay haplos ni Mr. Reiss sa buhok ni Historia.

"Akala ko kasi Dad kaya ko siyang harapin mag-isa. Pero masyado ng lulong si Reiner sa pinagbabawal na gamot kaya naging ganoon siya." kumalas sa pagkakayakap ni Mrs. Reiss si Historia at nilapitan si Ymir.

Ikinagulat ng mag-asawa ng biglang umupo si Historia sa kandungan ni Ymir at doon ay prenteng naupo. Nagulat din si Ymir pero hinayaan niya na lang ang babae. Kasi alam niyang naglilihi ito at baka dala lang iyon ng pagbubuntis niya. Alam na din ng mga magulang nila na nagdadalang-tao si Historia.

Her Inherited Memories Where stories live. Discover now