"Siya ang diyosa ng buhay. Goddess life is her name. Bakit mo siya minura?"

Mukha ng maiiyak ang dalagang nagpakilala sa diyosa ng buhay kuno. Diyosa, diyosa. Ano ngayon? Mas bagay sa kaniya ang titulong diyosa ng mga baliw.

"Goddess of life? Tsk. Baka Diyosa ng mga Baliw kamo p'wede pa."

Literal na natampal ng dalagang nagpakilala sa diyosa ang kaniyang nuo. Pakiramdam niya ay tatanda siya ng maaga.

"Hahahahha, tama na nga. Labis mo akong pinapatawa. Nga pala, ako si Goddess Life, ang pinaka magandang diyosa na nabubuhay dito sa mundo. Siya naman si Nightmare Jinx Croix, ang may ari ng katawan na mapupunta sayo, habang buhay."

Kumunot ang nuo ni Elijah. Ano daw? Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng diyosa ng mga baliw.

"Mukhang naguguluhan ka, ganito kase 'yan. Itong babaeng nasa tabi ko ay apprentice ko, nagkamali kase ako ng pagkakalagay sa mga kaluluwa niyo. Siya ay inatasan ko sa isang misyon, kaya lang sa halip na sa katawan na nasa mundo ng mga tao, nailagay ko siya sa katawan mo ng sanggol ka pa sa mundo ng mga mago. Hayst, pasens'ya na, hindi naman ako perpekto, lahat ng diyos nag kakamali din.

At ang kaluluwa mo ay nailipat sa katawan ng sanggol na nasa mundo ng mga tao na siyang dapat ay paglilipatan ko sa kaluluwa ng apprentice ko. Patawarin mo ako, ngunit ngayon, may pagkakataon na ako na itama ang pagkakamali ko.

Kaya naman ikaw ay babalik na sa totoo mong katawan. Habang itong apprentice ko naman ay dito na sa akin. Mas kailangan ko siya dito."

Naguguluhan si Elijah, kunot na kunot ang nuo niya pero may tanong na gumugulo sa isip niya.

"Paano ang katawan ko sa mundo ng mga tao? At bakit mo tinatawag na mundo ng mga tao? Ano ba ang pinagkaiba ng mundo ng mga tao sa mundo ng mga mago? Naguguluhan ako sa'yo. Sarap mong bangasan."

Tumawa muli ang diyosa. Natutuwa talaga siya kay Elijah.

"Ang katawan mo sa mundo ng mga tao ay babawian na ng buhay. Sa katunayan nga ay ililibing ka na. Kaya naman, h'wag ka ng maraming tanong. Sumunod ka kay Night, siya na ang bahala sa'yo. Siya na din ang magpapaliwanag ng lahat, siya na din ang magtuturo sa'yo ng mga dapat mong matutunan. Kailangan nating mag doble kilos dahil mabilis ang takbo ng oras. Wala na tayong oras.

Kailangan mo ng matutunan ang mga dapat mong matutunan dahil ang katawang ginamit ng aking apprentice ay malapit ng mamatay. Tanga kase, kung ano ano pinaggagawa. Nakakahiya. Hahahhaah. Kaya pag nagising ka na, huwag ka ng mag taka kapag tinitingnan ka ng mga mago sa paligid mo ng kakaiba. Marami kaseng kahihiyan na ginawa itong apprentice ko. Pag pasensiyahan mo nalang. Pftt. Good luck."

Bigla nalang naglaho ang diyosa ng mga baliw. Napakamot naman sa kaniyang batok si Night.

"Ano na? Tatayo ka nalang ba diyan?"

Kinabahan lalo si Night, hindi niya alam kung saan siya mag sisimula.

"Ay ewan. Bahala ka nga diyan. Nga pala, p'wede bang pumitas duon sa mga ubas? Gutom na ako? P'wede diba? Sige, una na ako. Bye."

Napakamot sa kaniyang kilay si Night dahil sa ginawa ni Elijah. Hindi pa nga siya nakakasagot ay umalis na ito at pumunta sa taniman ng ubas ng diyosa ng buhay. Kinakabahan siya, paniguradong malalagot siya sa diyosa sa oras na malaman nito na kinain ng kaniyang panauhin ang kaniyang mga tanim na ubas.

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon