Epilogue

134 11 18
                                    

Sometimes, we just have to let go other people for us to succeed. Letting go is a part of our life, and letting go doesn’t mean that you are weak, that you can’t fight for them to stay; but letting go is one of the reason why we can handle ourselves properly.

So here I am — fighting for myself, and for my peace.

I let go people for my own peace and their happiness. It’s not easy, but it will be all worth it.

“Congrats, Atty!”

I smiled before cutting the ribbon. Soft opening ng coffee shop ko.

My work isn’t permanent. Pwede akong magsawa, pwede akong mapagod, at pwede akong sumuko. Kaya naisip ko na kung sakaling dumating ako sa puntong ganoon, mayroon akong aasahan.

I smiled at them before entering my shop. Finally, after a year planning all of these . . . I still can’t believe.

And I am now free. Rylee and I has nothing to do with each other so I let her go. And guess what? It was six years ago!

“Grabe! Lakas maka-teenager life ‘tong Unstables!” picture nang picture si Reign, parang tanga nga! Akala mo bata.

Nandito rin sila Ceia, ‘yung mga kaibigan ko rin sa Law Firm at sa Solace Firm ay nandito rin. At siyempre, ang mga kaibigan ko! Wala nga lang si Marri . . .

“Thank you for coming, everyone! I’m so happy that I have your presence in this new chapter of my journey! Enjoy and thank you again.” maikli kong sinabi bago ako pumunta papuntang kitchen. Nginitian naman nila ako habang umiikot ikot ako roon.

Siyempre hinding-hindi mawawala sa menu ang revel bars! I made my own recipe! Pati ‘yung mga cookies!

Noong mga nagdaang taon, naging coping mechanism ko ang pag-bake at pag gawa ng mga bagong recipes! Si Alisa ang lagi kong tinatawag para maging taga-tikim ko, noong una-una kong mga imbento ay sabi tinanong niya kung balak ko raw ba siyang patayin!

I swear! Nakaka-offend dahil sinabi niya na hindi raw edible ang niluto ko! Nakasimangot yata ako buong araw dahil sa mga pinagsasasabi niya!

“You have it now, Elleah . . .” I whispered to myself while watching my friends laugh here in my shop.

All of them are my inspiration.  And my safe place when I’m at my lowest.

Lagi kong pinapaalala sa sarili ko na ang tagumpay ko, ay tagumpay din nila.

“Wala ka talagang balak mag-asawa?” Ate Adreinne asked softly.

Ngumiti ako at dahan-dahang umiling. “Ako muna. Ako nalang muna.”

She smiled back. “I’m so proud of you.”

Naramdaman kong tinapik niya ako sa balikat at iniwan muna dahil may mga lumalapit sa akin para bumati.

Ate Adreinne was always there for me. Siya kasi ‘yung pinaka-nanay ng grupo namin, hindi dahil siya ang pinakamatanda kung hindi dahil siya ang mas nakakaintindi sa mga sitwasyon. She’s always selfless, kaya minsan hindi namin napapansin na hindi na siya okay.

Reign, has the toughest personality in our group. Lagi siyang napapa-away dati lalo na kapag may naririnig siyang hindi magandang binabato sa amin ng mga tao. Lagi siyang palaban, kaya minsan hindi na rin namin alam kung pinipilit niya lang bang maging matapang kaysa maging mahina.

Monica, is the one who’s silent but deadly. Naalala ko noon nung nabu-bully siya dahil wala siyang kinakausap kung hindi kami lang, tapos may nang-tisod sa akin para lang malaman kung single ba siya o ano, sinuntok niya ‘yon!

Sa susunodOnde histórias criam vida. Descubra agora