2

166 23 8
                                    

"Pagod na pagod na pagod na ako." nag iinarte kong saad nang umupo sa sofa at inunat ang mga paa ko.

"Tanga, kailan ka ba hindi napagod?" pang babara sa 'kin ni Reign.

"Ay wow. Nagsalita ang hindi nagrereklamong pagod siya araw-araw," tumawa ako.

"Heh, lecheng 'to!"

Nag-cellphone ako upang mag check sa ig ko. Pati na rin twitter dahil doon naman kami maingay.

galvezrylee followed you.

Nag-taka naman ako sa username non, Galvez Rylee? Huh?!

Napa-check agad ako sa profile niya nang tama nga ang hinala ko. Yung happy crush ko! Pota.

178 followings  1,652 followers

Wow, ah. Famous naman pala 'to. May iilang post siya pero palaging stolen o kaya naman ay picture ng langit at buwan. Aesthetic, huh.

I followed her back kasi sino ba naman ako para hindi siya i-follow back? Baka akalain niya pang hindi ko siya tinuturing na friends. Baka ma-bad shot pa ako.

"Stalker ka na pala ngayon, Elleah? Sino na naman ba 'yan?" binatukan ako ni Marri.

"Gaga, friend ko lang. Sa Engineering Department."

Friend.

"Gago, friend amputa. Hindi ako naniniwala, te," ngumisi siya. Sumimangot naman ako dahil nang aasar na naman siya. Trip niya mang asar ng maganda, e.

"Happy crush lang naman," bulong ko pa.

"Hindi ka pa pala na-trauma sa happy crush mong 'yan? Baka bagong trauma mo 'yan," napa-iling siya sa 'kin. Grabe naman 'to, parang siya wala na ngang paramdam yung ka-couple icon niya noon pero miss niya pa rin.

Hindi, hindi lang ako ang tanga. Tanga rin siya, tanga kaming lahat. Oo, tama. Hindi lang ako ang tanga, pati sila.

"Nako, Marri. Hayaan mo nga 'yan, basta ba ay hindi siya masasaktan. Baby pa naman 'yan," I cringed. Baby? Baby niya? Sige.

"Panong hindi sasawayin ni Marri 'yan eh isa't kalahating tanga rin 'yan," sabat naman ni Monica. Sinamangutan ko nalang sila at hindi na kumibo.

Hindi naman kasi. Hindi ako papasok sa isang relasyon na hindi ko alam, na hindi ako handa. At hindi ko alam kung kailan ako magiging handa o kung magiging handa ba 'ko.

Gabi na pero nag re-research parin ako dahil kailangan namin ito. Silang lahat ay tulog na gawa narin ng pagod. Mabuti nga ay wala akong trabaho ngayon, dahil kung mayroon ay baka kulangin ako sa oras.

Alam ko naman na nariyan sila para tulungan ako pero ayoko ring umasa. Kaibigan ko sila, hindi source of money. Pinaghihirapan nila yung pera nila, kaya kailangan paghirapan ko rin yung sa 'kin.

Hindi naman madali lahat, pero kakayanin para sa future ko. Para may maharap ako sa mga parents ko. Kung may pagkakataon pa na makita ko sila.

I will do anything for my success. So I can say that I am educated and well mannered.

"Elleah! Nag-breakfast kana?" sumabay sa 'kin si Rylee sa paglalakad kaya naman napa-ngiti ako.

"Oo, ikaw ba?"

Tumango siya, "Oo, kumain na 'ko sa bahay. Akala ko hindi ka pa kumakain, sasamahan sana kita," ngumiti siya.

"Hindi naman ako nag be-breakfast dito, laging sa bahay. Sayang kaya ang pera," ngumisi ako.

"Sabagay. O, sige na akyat kana. Doon na 'ko, study hard!" nginitian niya 'ko bago siya umalis.

What was that. Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nginingitian niya 'ko? Happy crush, huh? Tanga ka nga, Elleah.

"Hi, Elleah! Kaibigan mo 'yung taga-Engineering Department?" tanong sa 'kin ng isang lalaki kong kaklase.

Tumango nalang ako.

"Ano’ng pangalan?! Pakilala mo naman ako!" what? Feeling close si gago.

"Why don’t you ask her yourself?" masungit na sabi ko.

"Ay, bad mood yata hehe," tumalikod siya habang kamot kamot ang batok niya.

Nakakainis. Gusto ba nila bigyan ko sila ng piso para makahanap ng kausap? The fuck.

Dumating na ang professor namin kaya nanahimik siya. Nag-recit pa kami kanina, ayon tayo siya nang 30 minutes. Puro landi, hindi nalang mag-aral. Buti ako kaya ko both. Parinig na lang ako kay Rylee.

Nagulat ako nang nakita ko si Rylee sa baba ng Department namin. Hindi naman sa assumera pero hinihintay niya ba 'ko? Luh, kakilig naman 'to. Parang sira amputa, porket alam kung paano ako kukunin.

"Hello! Sabay na ulit tayo?" tanong niya. Wow, sino ba naman ako para tumanggi 'di ba? Kaya tumango nalang ako kaya sumama sa kaniya.

"Burger po saka buko juice," sabi ko sa tindera. Aabot ko na sana ang bayad nang mag-abot ka agad si Rylee. Taka ko siyang tinignan.

"My treat," she winked.

Putangina. Ang ganda.

Nakaka-iyak naman maging simp. Kung ganito araw-araw makikita ko, aba mas gusto ko nalang mabuhay. Bawas stress din yung kagandahan niya.

Habang kumakain ay naka-titig lang ako sa kaniya. . . Nakakatakot. Nakakatakot na baka masaktan ako, nakakatakot na baka mahulog ang walang alam sa pag-ibig na gaya ko.

"Bakit?" tanong niya nang napa-tagal ang titig ko.

Umiling ako, "Wala, ang ganda mo," ngumisi ako baka kumagat sa burger ko.

"Have you tried being in a relationship, Elleah?" nagulat naman ako sa tanong niya.

"Hmm, hindi pa eh. Ikaw ba?"

Umiling siya, "Hindi parin, natatakot kasi ako. . ."

"Straight ka ba?" nagulat naman ako tanong ko. What the fuck, Elleah? What are you doing?

"Hindi ko alam, eh. Maybe, I'm still exploring? I'm still undecided or I really can’t understand myself." she sighed.

"It’s okay. . . Ganon naman talaga, pero walang masama sa pag-pili kung saan ka sasaya. Walang masama sa pag-pili sa sarili at ikakasaya mo," ngumiti ako.

"Yeah. Ikaw? Bisexual?" tanong niya.

Walang duda akong tumango, "Oo, matagal na. . . But still, I'm scared of falling inlove. I'm scared that it might hurt me. Alam ko namang hindi lang saya ang pag-ibig. . . Pero ayokong umabot sa punto na kamuhian ko ang sarili ko dahil sa pag-ibig na hindi ko naman gusto."

"Alam mo, ang galing mo mag-advice. Ang dami mo rin sigurong unsaid words ano?" tumawa ako bago tumango.

"Full of unsaid words. Ayan ako, ayan ang storya ng buhay ko. D'yan umiikot, mula noong bata ako. Mga problema at explanations na hindi ko masabi dahil takot akong ma-judge. Takot ako na awayin ng mga tao dahil lang sinabi ko ang mga unsaid words ko. That’s why here am I. Seeking for someone who’s willing to listen to my full of unsaid words life."

《《《《《《《《《》》》》》》》》》

Sa susunodWhere stories live. Discover now