18

84 13 17
                                    

this chapter is dedicated to these lovely people: bianca, cria, yvonne, ches, ren, lia, sae, ris, & rj. ( thank u for always supporting me !! 🙁💞 )

*****

tw: violence

"Ayan na naman si Elleah, bida-bida lang naman 'yan," tumawa ang mga kaklase ko.

I hate being their topic. Lagi naman kasi nila akong sinasabihan ng masama kahit alam nilang naririnig ko.

Sa bahay nga hindi na okay, pati ba naman dito? How can I survive when my people around me are the worst one?

"Bakit namumula ang pisngi mo?" tanong ni Sae. Isa sa mga high school friends ko. Siya lang ang mabait sa 'kin dito.

"Ah, wala. Mainit lang," ngumiti ako.

"What's your problem? You can tell it to me," she pouted.

"My Mom slapped me yesterday," I chuckled.

Her eyes widened, "Why would she do that?! Ang bad. . ." sumimangot siya.

"It's okay. I'm okay, don't worry about me,"

"But if you can't take it anymore, aampunin ka ni Mommy! Gusto mo ba?" masayang tanong niya.

Napa-iling naman ako, "Akala mo ba madali 'yon? Napaka-hirap ng sinasabi mo, Sae,"

"But I just want you to be safe," she pouted again.

"Don't worry. I'll survive," I smiled.

*****

"Ano'ng score 'to?! Proud ka?" hinampas sa 'kin ni Mama ang test paper ko.

May perfect scores naman. . . At lahat naman ay pasado.

No one word came from me.

I just watched her being irritated. Huminga ako ng malalim at pinulot ang mga test papers kong bumagsak. Kawawa naman sila, na-lukot na.

Actually, I'm one of the students who got highest scores in every subject. Pero hindi parin enough.

One morning. Kaka-bangon ko lang ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa 'kin. Natumba pa ako kaya natukod ko ang braso ko.

"Magnanakaw kana rin ngayon?! Saan mo ba natututunan 'yan?!" sinipa sipa niya ako.

Magnanakaw? Is she. . Accusing me now?

"Ma, hindi po ako magnanakaw-" hinatak niya ako ay tinulak dahilan para tumama ang likod ko sa dulo ng table.

Naramdaman ko naman ang matinding sakit sa likod ko at sa braso kong parang napilay.

"Aangal ka pa! Eh, ikaw lang naman ang puwedeng magnakaw dito!" tinayo niya ulit ako at marahas na pinisil ang panga ko.

"Nasaan ang pera ko?!" sigaw niya.

"M-Ma, hindi ko po alam. . . M-Masakit po," I whispered.

Hinahabol ko ang hininga ko dahil pakiramdam ko ay mahihimatay na 'ko sa sobrang sakit.

Walang luha. Lahat nanatiling nasa utak ko.

"Elleah!" gulat na tawag sa 'kin ni Ate. Pinigilan naman siya ni Mama na lumapit sa 'kin.

"Huwag kang lumapit dito, Alliyah!" banta sa kaniya ni Mama.

"Pero, Ma! Nasasaktan na po si Elleah!" pilit akong inagaw ni Ate sa kaniya.

Agad akong yumakap kay Ate nang mabitawan ako ni Mama.

"Ayan! Kinukunsinte niyo kasi! Magnanakaw 'yang batang 'yan!" sigaw niya.

Sa susunodWhere stories live. Discover now