26

78 10 18
                                    

“What the hell,” bulong ko nang malagpasan na niya ako.

Hindi ko na alam ang nangyayari dahil nagugulo nanaman ang sistema ko. At dahil sa kaniya ‘yon.

“Grabe, laki naman ng problema mo.” sabi ni Reign.

Mas okay pa kung eto nalang ang ka-partner ko, eh. Mas okay na ma-buwisit nalang ang buhay ko sa kaniya kaysa makasama ko si Rylee! Dahil pakiramdam ko . . . Mawawala nalang ako bigla sa sarili ko.

“Malaki talaga, kaya ‘wag mo nang dagdagan.” tinignan ko ang orasan at kailangan ko na palang dumaan ng firm para ayusin ‘yung mga documents na kailangan kong primahan.

Nilayasan ko na si Reign bago pa siya mang-asar dahil baka ma-bwisit lang ako. Tinext ko si Cresia na papunta na ako sa firm, ang sabi naman niya ay ihahanda na raw niya ang mga documents para hindi na ako mahirapan.

Na-traffic pa ‘ko! Kung kailan ako nagmamadali, doon pa nagkaproblema. Mabuti nalang at naresolba na agad ng mga traffic enforcers ang problema sa daan kaya lumuwag din ang dadaanan.

“Attorney, eto po ‘yung mga kailangan pirmahan. Then bukas po, nag pa-schedule si Engineer Galvez ng meeting para sa upcoming project niyo po,” napa-tingin ako kaagad sa kaniya.

May project agad siya?! Grabe, gaano ba kagaling na Engineer ‘yan! Masiyadong big time.

“When and where?”

“2 pm, sa Barista’s po ‘yung sinabi niyang location. Then, pag-usapan niyo nalang daw po ro’n ‘yung schedule niyo para hindi magulo.” I just nodded and read the papers infront of me.

Hanggang mamaya pa naman ako rito kaya panatag ang loob ko na walang manggugulo sa ‘kin.

“You’re improving, Atty. Solace.” pumasok sa office ko si Atty. Guerrero.

“Thanks, Atty.” magalang kong saad. Isa siya sa pinakamagaling na abogado rito sa firm at parang senior na namin siya kahit hindi naman nalalayo ang edad namin – sadyang magaling lang siya.

“Uhm . . . How is she?” kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang ngiti ko.

Kunwari pang pupuriin ako, eh hindi naman talaga ako ang pakay niya. Para-paraan.

“Reign’s doing great, Atty.” tumikhim ako. “Uh . . . Hindi na ba kayo nag-uusap?”

I heard him chuckle, “Matagal na, una na ‘ko, Atty.” sabi niya bago lumabas ng office.

Ramdam ko ‘yung sakit, ah. Pero . . . Hindi rin naman kasi nagku-kwento ‘yung isa.

Ano ba ngayon? Broken era ba namin? Halos lahat yata kami ay sawi ngayon.

ceiang:

te omg k, kaganda naman pala ni engr galvez?????
di mo naman sinabi haha sakit m

me:

What are you saying?

ceiang:

BWHAHAHAAHAHAHAHAHAHA
kunwari di alam, yuck playing safe
de jk ganda niya omg tapos ang bait bait pa????? nagpakilala siya samin 😊

me:

Ano nanamang pinagsasabi mo?

ceiang:

shux intimidating mo naman sa typings mo na yan
baguhin mo pls di mo nmn aq katrabaho ngayon ☺

me:

paka arte mo kala mo naman nangangain typings ko

ceiang:

Sa susunodWhere stories live. Discover now