5

103 16 12
                                    

tw: violence

"Wala ka talagang kwenta!" nagulat ako nang hablutin ni Mama ang buhok ko at kaladkarin ako papuntang kusina.

Halos nanlumo ako nang makitang nandoon pa pala ang mga hugasin. Tanga ka, Elleah. So irresponsible.

"Kita mo 'yan?! Kanina ko pa sinasabing hugasan mo, 'di ba?!" dinukdok ako ni Mama sa sink. Pinigilan kong tumulo ang namumuong luha. Kasalanan ko naman, I was too preoccupied from my activities.

"Ayan na nga lang ang itutulong mo rito, wala ka pang kwenta!" sinamaan niya ako ng tingin bago umalis.

Ouch.

Okay lang 'yan, kasalanan ko naman. And for sure, I will do better next time. Gusto ko pa kasing nasasaktan, eh.

***

"Eto lang?! Natataasan kana rito? With honors lang? Ano’ng gagawin ko riyan?!" sigaw ni Mama nang ipakita ko sa kaniya ang card ko.

Hindi ko nalang iyon pinansin. Baka pagod lang siya. Or baka she was expecting more. I will do better next time, para hindi na siya magalit sa 'kin.

Kaya mo 'yan, Elleah!

***

Ang daming nagbago. Mula sa ugali at pananalita ko. Hindi ko na kinikibo madalas si Mama, hindi na ako naglalalabas. The clingy side of me was nowhere to be found.

I continued my life. Without a friend, without a parent. Nariyan nga sila, hindi ko naman feel.

Kalungkutan na naging galit. Ayan ang pinaka masakit na nangyari sa 'kin. Bawat salita, bawat galaw, at bawat dikit nila sa 'kin ay nagagalit ako. Emotionally.

Takot na rin ako kapag hinahawakan ako ni Mama. Really, why? What happened to myself?

"Sana ganiyan lagi ang grades mo, kapag bumaba 'yan kukunin ko ang cellphone mo."

See? Hindi raw ako pine-pressure. Kahit 'yung cellphone ko kukunin nila para mapa-taas ang grade ko. Kahit gusto kong mag-pahinga, parang walang time. After my responsibilities in school, responsibilities naman sa bahay.

Kapag wala na akong ginagawa, uutusan naman ako nang kung ano-ano. Kapag nag cellphone ako ng limang minuto, puro cellphone nalang daw ang inaatupag ako.

Saan ba 'ko lulugar sa buhay ko?

***

Nagulat ako nang tapikin ako ni Reign sa kamay ko.

"Okay ka lang? Gusto mo ng tubig? Saglit, ikukuha kita," hindi na niya ako hinintay sumagot at lumabas na siya.

Hinawakan ko ang pisngi ko at doon napag-tantong umiiyak na 'ko. Panaginip ba 'yun?

Binabalikan niya parin ako. . . Binabalikan parin ako ng trauma ko.

"Eto, uminom ka muna," inabot sa 'kin ni Reign ang isang basong maligamgam na tubig. Uminom naman ako nang kaunti, pampakalma.

"Thank you," I gave her a small smile. Hinaplos naman niya ang buhok ko.

"Hindi mo dapat laging sini-secret ang mga unsaid words mo, dahil nandito kami para sa 'yo. Hindi ka namin iiwan kahit ano’ng mangyari, at kahit gaano pa kalala 'yang mga unsaid words mo," nginitian niya.

"I know. . . That’s why I'm thankful to have you all in my life. Salamat, Reign."

"Wala 'yon, oh matulog kana. If may bad dreams ka ulit at feeling mo hindi ka safe. . . Tawagan mo lang kami, okay?" tumango ako sa kaniya. Ngumiti naman siya ulit bago tuluyang sinara ang pinto.

Nag-hari ang dilim at katahimikan, na madalas kong kakampi sa tuwing may ganitong nangyayari. Madilim na walang nakakakita sa tunay na nararamdaman ko.

Tahimik na kailan ma'y hindi magrereklamo sa mga hikbi ko. At mga unan na laging saksi sa kahinaan ko.

"Bakit namamaga ang mata mo? May problema ba?" bungad ni Rylee sa 'kin. Grabe, ang ganda ng bungad.

"Ah, wala. Hindi kasi ako makatulog kagabi, kaya 'yon. . ." tumango siya, mukhang hindi pa convinced.

"Gusto mong kumain? May gusto ka ba?" tanong niya pero umiling lang ako.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga at sumunod nalang sa 'kin.

"Hey, I can be that someone who’s willing to listen to your full of unsaid words life. . ." napa-hinto ako sa sinabi niya.

Ano ba’ng sinasabi nito? Inuuto niya ba 'ko?

Pero nung pag-kakita ko sa seryosong mata niya. Alam ko, at aaminin ko.

Tinamaan na nga yata ako. . .

"Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Well," she licked her lower lip, "I'm your friend, and you know. . . Mapagkaka-tiwalaan mo naman ako,"

Oh, right. Fucking friend.

Puro nalang kaibigan, hanggang kaibigan nalang ba lagi? Kapag ako nainis bibigwasan ko 'to, eh. Joke.

"Oo nga. . . Pero wala naman kasi!" tumawa ako at hinatak nalang siya papuntang canteen.

Hindi kasi kami nagkita kaninang umaga. Ewan ko, baka na-late siya.

"Na-late ako kanina, sorry ah," wow. Kakasabi ko lang? Updated, tunog bestfriend forever.

"Okay lang, hindi mo naman ako kailangang antayin sa gate, 'no!" tumawa ako.

"Kahit na. Nasanay na 'ko, kaya wala ka nang magagawa," ngumisi niya.

Okay, ang ganda. Sige lang.

"Sige," I made face.

"Cute mo," she giggled like a kid.

Okay, self. Kalma ka lang. Dapat na-stress ka lang dahil sa eleksiyon, hindi dahil sa kagandahan ni Rylee, okay? Ok.

monica pantea:

cno kasama mo ha

Napa-lingon naman ako agad sa paligid nang mag-text si Monica. Wala naman siya. Ano 'to?

me:

tao ???

monica pantea:

mature mo naman, puwede ka nang ipakain sa lupa

me:

ikr.

Pinatay ko na ang cellphone ko dahil puro walang kwenta naman ang sinasabi sa 'kin ni Monica. Mas okay mang mag-focus sa crush ko.

Ang ganda ng kamay niya, halatang hindi ko mahahawakan. Ang ganda niya rin, halatang hindi mapapa-sakin.

"May gagawin ka sa weekend?" tanong niya.

Umiling ako, "Wala naman, bakit?" well, wala naman talaga. Dahil wala raw ibibigay na trabaho sa amin ang mga teachers ngayon. Sa trabaho naman ay night shift.

"Gusto mo mag Enchanted kingdom tayo?" lumiwanag naman ang mukha ko. Wow, hiluhan.

"Sige! Kaso baka sumama 'yung mga kaibigan ko na kasama ko sa bahay," knowing them na kapag may gala ang isa, sasama rin ang iba.

Depende nalang kung personal or bebe time. Eh, hindi ko naman bebe si Rylee. Ano’ng tawag dito? Quality time ng mag-bestfriend? Bestie time?

Punyeta.

"Okay lang, gusto ko rin naman silang makilala," ngumiti siya.

"Baka magsisi ka," I smirked.

"Kahit ano naman sa 'yo, oh sa buhay mo wala akong pagsisisihan. . ."

《《《《《《《《《》》》》》》》》》

Sa susunodWhere stories live. Discover now