22

65 10 5
                                    

tw: mention of death

Masama ang pakiramdam ko sa huling mensahe sa 'kin ni Ate. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari. Wala siyang sinabi pero alam kong may nangyaring hindi maganda.

Nakita ko silang umiiyak. Si Kuya ay pilit na pinapakalma si Ate. Si Ate naman ay umiiyak sa harap ng kama. . .

I saw my mother. The first girl in my life, the one who gave birth to me.

I saw her. . . Lifeless.

Naramdaman ko agad ang panginginig ko sa nakita. What is happening? Parang kanina lang. . . Parang kanina lang ang lakas niya pa!

"Elleah," tinayo ako ni Kuya dahil nanghihina ang mga tuhod ko.

"Kuya," habol hininga kong tawag sa kaniya, "Ano’ng. . . Ano’ng nangyari?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Heart Attack," bulong niya. "I'm sorry I wasn't able to do anything to save our mother," pumatak ang luha niya.

"That’s not your fault," I whispered.

Muli kong tinignan si Mama. Namumutla na siya at halatang malamig na.

I'm sorry. . . Bakit ko ba siya sinagot kanina? Bakit hindi nalang ako nag-paraya? Bakit pa ba ako pumunta roon?

Nananahimik na ang buhay nila. . . Ginulo ko pa.

Pinaayos na ni Ate si Mama dahil masiyado nang nagtatagal doon. Samantalang ako ay nanatiling tulala, sinisisi ang sarili sa nangyari.

Hindi mangyayari 'yon, kung hindi ako pumunta. Kung hindi ako pumunta. . . Edi sana hindi sumama ang loob niya, hindi nadagdagan ang galit sa puso niya.

"Elleah. . . I have something to tell you," napunta ka-agad ang atensiyon ko kay Ate.

"What is it?" mahinang tanong ko.

"You know. . . Our mother used to hurt you," humina ang boses niya kaya umiwas ako ng tingin.

"I'm sorry, Elleah. . . I wasn't able to protect you," she whispered.

"You don’t have to say sorry, hindi mo naman kasalanan. . ." ani ko.

"Alam mo kung ano’ng huling sinabi niya? Bago siya mawala. . ." napa-tingin ako sa kaniya.

"Sorry, Elleah. . . My daughter, I love you more than my life," parang gumuho ang mundo ko sa sinasabi niya.

I cried harder because of that. Hindi ko naman kinamuhian ang mga magulang ko. Lalo na si Mama, dahil alam ko na minahal niya naman ako. Na pinalaki niya ako, pinakain, at inalaagan.

But hearing those words from my sister. . . Sana ako 'yung nakarinig galing mismo kay Mama. Sana nag-pasalamat ako, sana nag-sorry ako dahil iniwan ko sila.

Pero hindi. . . Huli na ang lahat.

Pinag pahinga ako ni Ate dahil hindi ako tumitigil sa kaka-iyak. Pero isa lang ang pinag tataka ko. Bakit wala si Papa?

Pupuntahan ko sana si Ate pero may mga kausap siya. Si Kuya naman ay inaayos ang lugar kung saan ibuburol si Mama.

I. . . I called Rylee.

"H-Hello?" I stuttered.

"Hi, Elleah. How are you?" casual na tanong niya.

She didn’t notice my voice. But It’s okay, ayoko naman siyang mag-alala.

"Are you free later?" mahinang tanong ko.

"I'm sorry. Busy pa 'ko, eh. Marami kasing work, sorry," ani niya.

Tumawa ako, "O-Okay lang!" pinunasan ko ang luha ko. "Sige, baka busy ka. . . Update mo nalang ako,"

"Alright, bye," sabi niya.

"I love y–" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil binaba na niya ang tawag.

Ano’ng nangyari? No, Elleah. Huwag kang mag-imagine dahil busy lang siya! Busy siya kaya hindi niya ako mabigyan ng oras.

Nakalimutan niya lang sigurong sabihin na. . . Na mahal niya 'ko.

Nag-text sila Marri, tinatanong kung nasaan ako. Sinabi ko naman agad sakanila dahil hindi naman yata sila busy.

Niyakap agad nila ako pag-dating nila. 'Eto na naman ang bwisit na luha!

Ang yakap nila ang nagpagaan sa kalooban ko. Pakiramdam ko ay ligtas ako, pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa.

Lumapit ako kung saan nandoon ang Mama ko.

Ang ganda niya. . . Ngayon ko lang nakita 'yang ngiti na 'yan. Pero bakit sa ganitong sitwasyon?

Marami pa siyang p'wedeng gawin. Hindi pa ako nagiging ganap na abogado. . . Bakit naman siya nagka-ganyan?

Pinauwi muna nila ako dahil hindi pa 'ko nagpapahinga. Ayaw ko sana pero nagalit si Ate, huwag daw ako masiyadong magpaka-pagod.

Nadatnan ko roon si Rylee. Mukhang hindi mapakali at may gustong sabihin. Inayos ko agad ang sarili ko upang hindi niya na mapansin. Pagod siya kaya hindi ko dapat dinadagdagan 'yon.

Saka ko nalang sasabihin ang tungkol kay Mama. . . Kailangan muna niyang mag pahinga.

"Hi," mahina kong tawag sa kaniya. Agad naman siyang napa-tingin sa 'kin.

"May sasabihin sana ako sa 'yo. . ." agad akong kinabahan sa sinabi niya.

Umiling ako sa sarili ko. Huwag ngayon.

"P-Puwede bang. . . Sa ibang araw nalang? Pagod kasi ako, Rylee. Alam kong pagod ka rin, pahinga muna tayo, hmm?" mahinang pakiusap ko sa kaniya.

"Ano’ng nangyari?" tanong niya.

"W-Wala. . . Pagod lang talaga ako," ramdam sa boses ko 'yung sakit.

Dahil bawat salita niya. Pakiramdam ko ay malalayo na siya sa 'kin. Pakiramdam ko. . . Iiwan niya na 'ko. Pakiramdam ko. . . Hindi na 'ko mahalaga sa kaniya.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at burahin ang nasa isipan pero hindi ko magawa.

Alam ko naman sa sarili ko na hindi permanente lahat. . . Alam ko naman na malamig na siya sa 'kin. Sa mga nag-daang araw ramdam na ramdam ko 'yon ngunit ayaw kong isipin dahil alam kong masasaktan lang ako.

"Pagod ka, Elleah. Pero pagod na rin ako. . ." bulong niya. Na lalong nagpasakit ng nararamdaman ko.

Pagod na siya. . . Pagod na ang mahal ko.

"What do you want me to do?" nanghihina kong tanong.

"Listen to me. Try to understand where I'm coming from. Mas masakit kung ipipilit nalang natin, Elleah. . ." ani niya.

Bakit kailangan sabay-sabay?

"Ano ba’ng gusto mong mangyari?" tanong ko.

"Maging malaya ka. . . Maging malaya ako," bulong niya. Pumatak ang luha ko.

"Nasasakal kana ba sa 'kin? Bakit. . . Bakit gusto mong maging malaya? Nakakasawa na ba 'ko?"

"N-No, Elleah! That’s not what I meant!" tanggi niya.

"Then what?! Sabihin mo na kasi lalo lang nagugulo ang isip ko! Sabihin mo na 'yung gusto mong mangyari dahil napapagod na 'ko! Dahil ako nalang palagi ang may kasalanan! Pagod na pagod na 'ko. . . Kayo nalang 'yung pinagkukuhanan ko ng lakas pero bakit ganito kayo. . . Bakit ka ganiyan?" sabi ko. Pilit pinapakalma ang sarili.

"Elleah. . . Let’s end this."

《《《《《《《《《》》》》》》》》》

.

Sa susunodWhere stories live. Discover now