8

103 15 9
                                    

Bumangon ako nang maaga dahil wala namang pasok at mag-luluto pa ako ng almusal. Tinignan ko muna ang phone ko bago ako mag-luto. Nag-flood ng message sa 'kin si Rylee kaninang madaling araw.

@galvezrylee: Sorry naka-tulog ako

@gavlezrylee: Sleep well, Elleah. :)

@galvezrylee: I miss u, 'te kahit ang pangit mo

@galvezrylee: Tulog na ulit ako, good morning! :)

Nag-react ako ng heart doon sa 'sleep well' niya at angry doon sa 'kahit ang pangit ko' raw. Nag-reply lang ako na good morning bago pumasok sa kitchen para mag-luto.

Niluto ko lang naman ay bacon, itlog, at tuyo. Masarap 'to, eh. Nag-fried rice nalang din ako dahil nakaka-tamad mag-saing.

"Ramdam ko parin 'yung hilo, please," napahawak si Reign sa ulo niya.

"Ang arte mo, ginusto mo naman 'yan," inirapan ko siya.

Sumimangot lang siya at dumiretsyo sa banyo.

"Kumusta ang lakad niyo kagabi?" tanong ni Ate Adreinne.

"Okay naman, Ate. Ayon, pagod na pagod sila. Eh, halos lahat ata ng rides sinakyan na." napa-iling na sabi ko.

"Nako, mag-pahinga kayo ngayong araw. Hindi ka pala naka-pasok kagabi, Elleah?" umiling ako. Pagod na pagod kasi ako, buti nalang sinabihan ako na okay lang at wala naman masiyadong trabaho.

"Hindi na, Ate. Pinayagan naman ako, pero ngayon mag-trabaho ako hanggang mamayang 12 para mabawi ko 'yung hindi ko pinasok kagabi," ngumiti ako.

"Hay nako, dapat nga ay nagpa-pahinga ka,"

"Okay lang, Ate. Okay na naman ang tulog ko kagabi," ngumiti ako at kumuha na ng plato. 10-12 ako ngayon, kayang kaya ko naman 'yon.

Tapos bukas 6-12 na ulit.

Kumain na kaming lahat at na-ligo na ako para pumasok. Sinuot ko 'yung uniform ko at nag-ayos lang nang kaunti. Pag tapos naman non ay nag-paalam na 'ko sa kanila.

Wala ata silang work ngayon. Ako kasi sayang kung magpa-pahinga rin ako.

"Ganda natin, ah!" bati sa 'kin ni Alisa . Ang kasabay ko sa shift palagi.

Ngumiti ako, "I know right," ngumiwi naman siya.

"Hoy, 'te, nag-uusap ulit kami nung gwapo 'yung boses! Please, pigilan mo 'ko baka ma-inlove ako!" maarteng sabi niya.

"Mukha ba 'kong may magagawa sa puso mo? At saka, malaki kana. Kasalanan mo kung masasaktan ka," sabi ko at tinalikuran siya para ilagay sa locker ang bag ko.

Ako ngayon ang nag-se-serve, si Alisa ay sa cashier. 'Yung isa naman naming ka-trabaho na si Ayelle ay nasa kitchen. Marami pa kaming nandito pero silang dalawa lang ang palagi kong nakaka-usap.

Napa-tingin ako sa pumasok sa entrance. Nagulat ako nang makita si Rylee. . . May kasamang lalaki. Oh.

Tumalikod nalang ako para mag-punas ng table para hindi nila ako mapansin. Pero tangina, ako nga pala ang mag-se-serve.

Wala akong magagawa. Sino ba kasi 'yon? Puwede bang mag-dabog kapag nalaman ko na boyfriend niya 'yun? Utang na loob, huwag naman sana.

Kawawa naman sa mga lalaki si Rylee. Puwede namang sa 'kin nalang. Char.

Inayos ko ang mukha ko bago pumunta sa table nila para i-serve ang in-order nila.

Ngumiti ako, "Enjoy your meal, Ma'am & Sir."

Tatalikod na sana ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko. Napa-tingin ako doon bago inangat ang tingin sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay.

Tinanggal ko ang pagkaka-hawak niya sa 'kin at nginitian siya ng peke bago tumalikod. Bahala siya roon.

Basta ako nagta-trabaho lang. Nag-hugas ako ng kamay sa wash room pero pag labas ko ay nakita ko siyang naghihintay sa 'kin. Ay, sa akin nga ba?

Dire-diretsyo akong nag-lakad pero pinigilan niya ako. Napa-tingin naman ako sa kaniya.

"Bakit?" tanong ko.

"Bakit hindi mo 'ko pinapansin?" mahinang tanong niya.

"Malamang nagta-trabaho ako," sagot ko naman.

"Can we talk?" she bit her lower lip. Punyeta talaga.

"Nag-uusap na tayo?"

"I mean. . . Kuya ko 'yung kasama ko kanina. Wala lang parents namin kaya naisipan namin na sa labas nalang kumain," tumango ako. Bakit siya nag e-explain, sino ba 'ko? Bestfriend na kailangan updated sa buhay niya?

"Okay? Tapos?"

"W-Wala," bulong niya.

"Bumalik kana doon, hinihintay kana ng Kuya mo," nginitian ko siya. Agad namang lumiwanag ang mukha niya at nginitian din ako.

Ang ganda niya, palagi.

Pero bakit ako nag se-selos? Wala naman akong karapatan, kahit nga mag-confess ay hindi ko kaya.

Hindi naman ako sobrang napagod dahil kaunti lang din ang customer, okay nga 'yon, eh. Para hindi masiyadong pagod. Pag-uwi ko ay nag-linis muna ako ng katawan bago mag-online.

galvezrylee: Nakauwi kana?

ivylleah: yep, naka-ligo na :)

galvezrylee: Okay, good night. See you tomorrow!

Nag-react lang ako ng heart at pinatay na ang cellphone ko para maka-tulog na.

Pero nanaginip na naman ako ng hindi maganda. Umiiyak na naman ako buong mag-damag. I ended up remembering my Mom's words.

Kung paano niya 'ko sinaktan, kung paano niya ako pinag-bintangan, at kung paano niya ako laitin sa harap ng maraming tao. It still hunts me.

Kailan ba 'ko makakalaya sa problema kong ito? Kailan ba ako makakalaya sa nakaraan ko na pilit kong kinakalimutan?

Natagpuan ko nalang ang sarili kong tinatawagan si Rylee kahit madaling araw na. Hindi ako nag expect na sagutin niya ito dahil baka tulog na siya. Pero hindi niya ako binigo, sinagot niya ito.

[Hello? Elleah?]

"H-Hi," pinilit kong pakalmahin ang boses ko pero nanginginig parin ako.

[Hmm, are you okay? Nightmare?]

"Yes, I just realized some things." I whispered.

[Care to tell me? I'm a good listener]

"My Mother. . . Used to hurt me. And it still hunts me, I don’t know what to do anymore," I cried.

[Calm down, do you have a pillow beside you?]

"Y-Yes,"

[Alright, imagine that it was me. That I'm with you, okay? Your feelings are valid, you’re so strong, my love. I am here, okay? Don’t do anything that will hurt you, I am with you and I will never leave your side. So calm down, do you want me to sing a song? So that you can sleep without nightmares?]

"O-Okay, thank you," niyakap ko ang unan at inisip na siya 'yon, na katabi ko siya kagaya ng sinabi niya.

I can think of all the times
You told me not to touch the light
I never thought that you would be the one
I couldn't really justify
How you even thought it could be right
Cause everything we cherished is gone
And in the end, can you tell me if
It was worth the try, so I can decide

Her soft voice comforts me. Bakit ko ba 'to nararamdaman? Bakit ba siya ganito sa 'kin?

Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Oh you never really love someone until you learn to forgive

Naka-tulog na ako pero narinig ko ang huli niyang sinabi.

"You will be alright. Sleep well, my love. I'm always here for you. I love you. . ."

《《《《《《《《《》》》》》》》》》

leaves by ben & ben.

Sa susunodWhere stories live. Discover now