19

72 12 10
                                    

"Goodluck, love,"

Rylee kissed my forehead. One week makalipas ang start ng law school. Last week ay walang masiyadong pasok kaya naman puro pagbabasa ang inatupag ko.

Hindi ko alam kung bakit napaka-laki ng monthly allowance pero ang sabi ni Ate Adreinne ay baka mabait lang talaga ang sponsor ko at malapit sa mga law students.

"Thanks, love. Ingat ka sa work mo,"I kissed her cheek. Ngumiti naman siya at tumango. Lumabas na rin ako ng sasakyan niya.

Hindi naman mawawala ang kaba. Dahil sa mga nababasa ko noon ay hindi puwedeng chill-chill ka lang sa law school.

Nandito ako ngayon sa section ng mga working student dahil dito naman talaga ako makaka-relate sa mga tao. Doon kasi sa ibang section ay puro anak ng politician at mga mayayaman.

Wala rin naman akong masiyadong napansin dito kasi puro busy din sila. Ganito siguro talaga ang pressure sa working student na pumapasok sa law school.

Noong breaktime namin ay wala akong kasama dahil wala naman akong kaibigan dito. Wala rin namang pumapansin sa 'kin.

Sobrang kaba ko kanina noong natawag ako sa recit. Tinawag ko na yata lahat ng santo para hindi ako ma-utal at para maalala ko lahat ng binasa ko.

my love:

How are u, baby?

me:

uhm, super kabado ko kanina.
natawag agad aq sa recit pls T-T

my love:

I know you studied a lot.
So how was it?

me:

fortunately, it went well, love !!

my love:

Yay, I'll treat you later?

me:

sure after ur work hehe.
love, i'll eat muna hehe nasa canteen me

my love:

Alright. Eatwell, love.
Let's see each other later :)

I texted her 'I love you' before closing my phone. Nilibot ko ang paningin ko sa buong canteen. Malaki naman siya, at pang-mayaman. Halata namang pang-mayaman ang school na 'to.

Swerte ko lang talaga sa nag-bigay ng scholarship.

Ang dami kong kilalang anak ng politicians dito. Grabe, ang hihirap naman nila abutin. May mga familiar din na mukha, may nakita pa nga akong artista. Pero halos lahat sila ay sanay na.

Rich kid moments.

Um-order lang ako ng tinapay at juice dahil ginto ang presyo ng pagkain dito. Grabe, paano naman kaming tiga-sana all lang!?

"Arlo! Where are you going, dude?" sigaw nung isang lalaki na may katangkaran at kulay brown ang buhok. Puro pogi. Buti nalang maganda ang gusto ko.

"The fuck. Lubayan mo nga 'ko, pre!" tinulak siya nung Arlo. Umiwas naman ako ng tingin dahil puro katangahan lang ang ginagawa nila.

"Hi!" bati sa 'kin nung Arlo. Napa-ayos tuloy ako ng upo.

"Hello?" patanong kong sagot.

"Uhm. . . I'm Arlo, and you are Elleah, right?" nagulat naman ako nang sabihin niya iyon. Kilala niya 'ko?

"Yes? Paano mo nalaman?" tanong ko.

Nahihiya siyang nag kamot ng batok. Luh.

"Reign asked me to check on you. So I did. Medyo nahirapan akong hanapin ka since 4th year na 'ko," he chuckled. Reign?

Putangina? Ano 'to?! Law student ang bago niya? Ang taray naman ni gaga.

"Oh. . . How'd you know her?" gulat kong tanong.

"Talking stage," he shrugged.

HAHAHAHAHAHAHAHAHA TALKING STAGE??????

Natawa naman ako doon. Grabe. Talking stage, sana all.

"Why are you laughing?" tanong niya.

Umiling ako, "Wala naman," sumeryoso ako, "I know she's my friend, at ang mga kaibigan ko ayaw kong nasasaktan. So kung 'yang talking stage niyo ay hindi sure, tapusin mo na hanggat maaga pa. Kung seryoso ka naman d'yan, panindigan mo ang kaibigan ko. Kapag sinaktan mo 'yon, ako ang makakalaban mo," I gave him a smile before leaving.

Hindi lang ayos ang pakiramdam ko dahil ilang beses ko nang nakitang umiiyak dahil sa mga tarantadong lalaking 'yan.

Walang may deserve maloko. Nakaka-inis lang dahil may mga lalaking naga-gawang mag cheat. Mga hindi kontento. Alam ko rin na may babae rin namang nag c-cheat. Kaya walang dapat ma-invalidate.

Hindi ako umuwi sa condo ngayon dahil day off ko. Nandun parin naman sila Marri kaya wala akong problema. Gusto ko lang din asarin si Reign. Talking stage pa siya, ah.

"Taray naman ng law student na 'yan! Dito umuwi!" bati agad ni Marri na kakagaling lang atang flight dahil naka-uniform pa.

Ang ganda niya, sobra. Huwag mo lang talagang kakausapin dahil baka ma-bad trip ka. Simple lang kasi siya, mahaba ang buhok, at ang matapang na features niya. Nakaka-intimidate nga siya sa unang tingin mo, pero napaka-ingay niyan.

"Okay, sana all flight attendant. Baka naman may piloto ka nang gusto niyan?" sabi ko.

"Beh, hindi mo sure kung piloto ang gusto!" tumawa si Reign kaya binatukan siya ni Marri.

"Ikaw, Reign? Law student ba?" umiwas siya ng tingin kaya natawa ako.

"Tangina? Law student 'yung jowa nito?" turo ni Marri kay Reign.

"Talking stage raw," ani ko.

Tumawa siya, "Inang talking stage 'yan, umabot na ata ng apat na taon," napa-iling si Marri.

"Grabe, Marri! Three years and six months pa lang!" depensa ni Reign kaya natawa kami lalo.

Talking stage. Three years and six months? May ganoon ba? Ayos din naman pala 'yung Arlo.

Si Monica raw ay hindi parin tapos ang rounds. Grabe naman 'yun, hindi ko naman alam na napaka-workaholic niya. Kumusta na kaya sila ni Mr. Suarez? Hmm...

Nagulat ako nang tumalon si Reign sa likod ko, "I missed you, gaga ka!" parang naiiyak pa siya.

Yumakap din sa akin si Marri at Chesca.

"Na-miss ka namin! Alam namin na busy ka kaya hindi ka namin ginugulo pero miss na miss kana namin," seryosong sabi ni Chesca na mukhang kakauwi lang.

"Na-miss ko rin naman kayo!" tumawa ako.

"Okay ka lang ba?" four words. Apat na salita pero gusto ko nang maiyak.

Nandito ulit ako. Yakap ang tahanan ko.

"Okay lang ako, ano ba!" pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko.

"Nandito lang kami palagi para sa 'yo. Kahit financially, kaya kana naming tulungan!" sabi ni Reign.

Yeah. Financially stable na nga pala sila. Ako, nag-aaral parin, para sa pangarap.

"We love you, okay? Puwede kang sumandal sa amin kapag hindi mo na kaya. Lagi lang kaming mag-hihintay para sumandal ka sa 'min, okay? Ka-miss naman ang baby na 'to!" niyakap ulit ako ni Reign.

"Thank you! Mahal ko rin kayo kahit pare-pareho kayong tanga!" nag-tawanan kami.

Stay like this, please.

《《《《《《《《《》》》》》》》》》

Sa susunodWhere stories live. Discover now