27

66 11 12
                                    

Barista’s

“Good afternoon, Ma’am.”

Ngumiti ako sa crew na bumati sa ‘kin, humanap ka-agad ako ng table dahil wala pa naman si Rylee dito. Um-order na rin ako ng pagkain para sa ‘ming dalawa.

Mabuti nalang at nakapag withdraw ako! Kung hindi, mukhang poor ako nito dahil hindi naman ako masiyadong naglalabas ng cash.

I opened my iPad while waiting for her.  Nag-basa lang ako ng mga emails dahil napakarami nanaman nila.

Nakita ko sa etrance si Rylee na parang nagmamadali pa. She’s wearing a white polo shirt and khaki pants with her white shoes. She looks pretty in her style, hindi parin nagbabago. Malakas parin ang dating niya.

“I’m sorry, I have an emergency meeting earlier. Kanina ka pa?” bungad niya sa ‘kin.

“No. Kakadating ko lang,” sabi ko kahit na kanina pa ako naghihintay! Ayaw ko lang na ma-guilty siya.

“Okay . . . Naka-order kana?” I nodded.

“Can we start? Let’s not waste our time.” tumingin siya sa ‘kin at dahan dahang tumango.

Pinakita niya sa ‘kin ang mga files na kailangan. Ang kontrata pati na rin ang mga schedule namin kapag kailangan naming magkasamang bumisita sa site. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang may pagkakataon na magkasama kami!

“Next week, I can start the project. And if you’re free that time, we can visit the site.” kinuha niya ang laptop niya at ipinakita sa ‘kin ang kabuoan ng lupa.

“Okay, just message me the exact day and time.” sabi ko bago uminom sa kape ko.

“And also, ask the client for their offers so that we can decide and plan. Be strict, minsan they are taking advantage of our service. Be mindful to your words, alam mo naman siguro kung ano ang deserve mo at ng team,” I said.

Ngumiti siya at tumango. Napag-usapan din namin ang mga pagbabago ng schedule ko at ng schedule niya. Okay lang naman ‘yung usapan namin . . . Walang awkward things na naganap? Parang magkatrabaho lang talaga kami kung mag-usap.

Na okay naman, para makapag focus kami. At wala naman kaming dapat ikahiya dahil wala naman na kami. Matagal nang natapos.

Umuwi na rin ako sa condo ko matapos ang usapan namin. Next week na ulit kami magkikita para sa panibagong pag-uusapan.

“Hello?” sagot ko kay Marri dahil tumawag siya.

“Elleah . . . Busy ka?” ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

“Hindi. Do you need something? Are you okay?” sunod na tanong ko.

“Puwede mo ba akong puntahan?”

“Oo naman, papunta na ‘ko.”

Tumayo ako at nag-bihis dahil nandoon lang naman ‘yon sa condo niya.

Nag drive thru muna ako at binili ang comfort food niya. Corny pero alam kong gumagaan ang pakiramdam niya dito.

Pag-pasok ko sa unit niya ay gulo gulo ang mga gamit niya. Huminga ako ng malalim at isa-isang pinulot ito. Alam ko na may problema nanaman kaya nagkakaganito.

“Elleah, nandyan kana?” tanong niya mula sa kwarto niya.

“Oo, teka lang. Lilinisin ko lang ‘to, ha.” pinulot ko ang mga kalat sa kusina niya pati sa sala.

Pumasok ako para tignan siya, makalat din pati ang kwarto niya. Nilapag ko sa table ang pagkain at umupo muna sa kama niya.

“Ano’ng nangyari?” bulong ko.

Sa susunodWhere stories live. Discover now