3

151 18 9
                                    

One of my dream is to be free. From this world, from this current situation. From my past. Lagi naman kasi talagang kasama ang past ko sa mga problema.

What if hindi ako umalis ng bahay? What if hinayaan ko nalang na saktan ako? What if natuloy ang balak ko noon?

Siguro, hindi ako magiging masaya. Mas masaya pa nga na umalis ako dahil naging malaya ako. Okay lang na mahirapan ako, basta malaya, basta masaya.

"Marri? Umiiyak kaba?" taka kong tanong kay Marri nang makitang namumula ang mga mata niya.

Dali-dali siyang umiling, "W-Wala lang 'to, sige matulog na 'ko. . ." I felt bad.

See? She can’t even tell us her problem, so how can we help her? But I know that she’s strong. We’re always open, pero siguro, nagkaka-hiyaan dahil alam namin na ang bawat isa sa amin ay may pinag dadaanan.

galvezrylee: Gising ka pa?

Nagulat naman ako sa direct message sa 'kin ni Rylee sa Instagram. Napa-ngiti naman ako habang nag ta-type.

ivylleah: nope, ikaw? bakit gising ka pa?

Na-seen niya naman ito kaagad.

galvezrylee: Hindi kasi ako makatulog, kainis. Kalaban ko parin ang math hanggang ngayon.

Tumawa ako bago mag type.

ivylleah: ayoko rin sa math kaya perks na rin kapag med related ang kinuha mong course xD

galvezrylee: Lol. Ayoko naman mamatay sa science. No, thank you. :)

ivylleah: grabe! mas madaling mag-memorize kaysa mag solve ng sandamakdamak na probs T^T

galvezrylee: Mag kaiba tayo, duh. Matulog kana nga, mag solve pa ako haha.

ivylleah: kdot. have a good night, rylee! see u tom, mwamwa T³T

galvezrylee: Alright, see you. Sleep well. :)

Nag-react nalang ako ng heart sa message niya para naman hindi halatang gustong-gusto ko siyang kausap. Duh, siyempre naman at medyo lowkey bakla tayo rito.

Nagising ako sa isang hampas ng unan sa mukha ko. Punyeta, ang aga-aga.

"Ano ba?!" asar kong sabi. Bumungad sa 'kin si Reign na may hawak na unan at sila Marri na nagtatawanan. Aba, mga lecheng 'to!

"Aba, prinsesa, alas siyete na ho. 8 am ang pasok mong gaga ka!"

Napa-tingin ako sa orasan at anak ng pitong kulangot. 7:15 na! Wala na akong time kumain kaya dumiretsyo na ako sa banyo para makaligo at makapag handa pa bago ako pumasok.

"Oh, hindi kana kakain?" bati sa 'kin ni Ate Adreinne.

"Hindi na, Ate. Baka ma-late pa 'ko," sabi ko habang inaayos ang ID. ko.

"Teka, sandali. Mag-baon ka ng sandwich at kainin mo habang nasa byahe ka. Para hindi ka magutom, hindi magandang pumapasok nang walang laman ang tiyan," sabi niya at kumuha ng tinapay at pinalamanan iyon ng bacon at hotdog na ulam namin.

"Thank you, Ate! Una na 'ko, Reign, Ches, at Marri!" paalam ko bago ako umalis. Nauna na kasi si Monica sa 'kin. Lagi namang early bird 'yon.

Binuksan ko ang baunan na ibinigay sa 'kin ni Ate Adreinne. Dalawang tinapay ito na tag-tatlong layer. Parang ang laki naman ng bibig ko neto?! Punyeta.

Inunti-unti ko ito dahil hindi naman ako masiyadong gutom. Puwede pa 'tong makain mamayang break time, makaka-libre pa 'ko dahil inumin nalang ang bibilhin ko!

Nakita ko namang nag-aabang si Rylee sa gate kaya naman napangiti ako habang kumakagat pa sa sandwich na dala ko.

"Hindi ka nakakain sa bahay niyo?" bungad niya.

Umiling ako, "Hindi, eh. Na-late kasi ako ng gising," sabi ko habang nag a-alcohol. Naubos ko na kasi yung isang sandwich.

"Tara, bili tayong tubig mo," tumango naman ako dahil baka mamatay ako sa uhaw.

After namin bumili ay pumasok na rin ako.

Sa mga sumunod na araw ay ganoon ang nangyari. Palagi siyang nag-aantay sa gate. Minsan ay nililibre niya 'ko, at palagi siyang nag me-message kapag gabi. Hindi ko alam pero unti-unti na rin akong nasanay sa presensya niya.

Eto na nga pa ang sinasabi ko, eh. Kaya ayoko ng pakiramdam na 'to!

"Elleah, sumasakit na ulo ko sa math. Nagbabago na yaata ang isip ko sa Engineering." pag-dadabog niya sa 'kin.

"Gaga, kasalanan ko bang Engineering ang kinuha mo?" balik ko sa kaniya. Maraming tao ang laging naka-tingin sa amin. Sabi nila ay nag-sama raw ang mga crush ng mga punyetang lalaki sa iba't ibang Department.

Hindi nila alam na kami ang magkaka-tuluyan. Biggest plot twist ba 'to? Oh, ano ba 'tong mga naiisip ko?

Happy crush lang kaya!

"Eh, kapagod kaya. What if mag Engineering ka rin?" ani niya.

"Huwag mo 'kong idamay sa paghihirap mo, quota na ko riyan," ngisi ko. Inirapan naman niya ako at bumalik sa pag-solve ng math problems nila.

Nandito kami sa isang coffee shop near our school. Napag-isipan kasi naming dumiretsyo rito upang mag-aral dahil half day kaming lahat. Natapat din naman na wala akong trabaho kaya naka-sama ako sa kaniya.

Sila Marri ay lumabas din daw kasama ang mga kaklase nila. Samantalang si Franchesca ay mag-pupunta sa bahay ampunan dahil miss niya na raw ang mga tao roon. Hindi naman siya doon lumaki pero malapit talaga ang loob niya sa mga ito.

Ako, eto lang naman. Kasama ang happy crush a.k.a bestfriend forever ko. Nakakainis, sana naman mag level up din kami.

Sana all bestfriends.

Gumawa nalang din ako ng activity namin dahil wala namang magagawa ang pangangarap kong mapapansin niya ako bilang may crush sa kaniya. Choz.

Ka-stress talaga maging bading. Maganda ako pero maganda rin ang gusto ko. Kawawa naman yung mga punyetang lalaki na nagkaka-gusto kay Rylee. Papalapit palang sila naka-harang na ako.

Saka ayaw pa rin naman ni Rylee. Buti nalang, good for me.

marri posas:

hoy, gaga. baka ma-late ako ng uwi, nag-aya mga kaibigan ko mag night market, maki-sabi kay ate ad. tnx

me:

eh, pano kung ayaw ko, camila marri?

marri posas:

pukingina ka, nakakadiri 'yang camila. bahala ka sa buhay mo, pakyu.

me:

bwhahaha gago bye enjoy sana mawala ka

Nag-send lang siya ng like na emoji after non. Wala talaga siyang kuwenta kausap. Ako rin naman, kaya fair lang.

《《《《《《《《《》》》》》》》》》

Sa susunodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon