18

172 7 5
                                    

Anthon's POV

Naghiwa-hiwalay na kaming tatlo nina Carlos at Lion upang madaling mahanap ang asawa ko. Ngunit umabot na ng gabe at ni anino niya ay hindi ko makita.

Wala narin akong makitang people in black dito sa condominium at nagkaroon narin ng announcement na tapos na daw ang drill, may ilan pang pinarangalan na nakakulikta daw ng sampong terrorist badge. Hindi ako sigurado kung nangag-alisan na ang mga taong naghahanap sa kanya.

"Mr. Borgon!" napalingon ako sa tumawag at nakita ko ang manager na palapit sa akin kaya nahinto ako sa paglalakad at hinintay ito, nandito kami ngayon sa lobby. "Sir, ano pong gagawin natin sa mga binigyan ng certificate of one year exemption sa maintenance fee?"

Napabuntong hininga naman ako, parang nananakit bulsa ko sa balat ah.

"Sir wala po akong kinalaman doon?" agad namang dipinsa ng manager sa sarili. "Hindi ko nga po kilala ang organizer ng drill, grabe parang totoong inataki nga tayo ng mga terorista, magde-drill din po ba tayo sa kabilang building?"

"Hindi na mauulit yun." napatingin ako sa bagong dating na si Lion. "Gawin mo nalang ang nakasaad sa certificate, makakaalis ka na."

"Tika po pero sino po kayo?" tatawa sana ako ng malakas sa tanong ng manager pero ang sama ng tingin ni Lion baka anong magawa niya sa manager.

"Siya ang papalit sayo kapag hindi ka pa umalis. By tommorow afternoon, dapat naipaayos na lahat ng nasira." sabi ko nalang sa manager.

"Yes sir." tanging sagot nalang nito at umalis na.

"Bro, tumawag sa akin si Arthur." narinig ko naman ni Carlos na nasa tabi ko na din pala. "Hindi ka raw niya matawagan."

"Nag-shot down na phone ko." sabi ko naman. "Hindi mo siya nakita?"

"Hindi. Bro may nangyari din sa bahay niyo." hindi na ako nagtanong kay Carlos o marahil ay hindi na ako makapagtanong at naghihintay nalang sa ibabalita niya.

I remember my wife repeatedly ask me to hired bodyguards for our kids but I didn't. I don't have time, I can't just randomly hired people.

"Papunta si Arthur ngayon sa airport para habulin ang kumuha kina Sam, Kel at sa mga magulang niyo." balita ni Carlos.

Bakit pati magulang ko? Pera ba gusto ng kidnapper?

"Wala na bang ibang sinabi si Arthur? Ano daw ba kailangan ng kidnapper?"

Napapailing naman si Carlos. "Ayon daw kay secretary Sancho, yung mga bata lang daw sana ang kukunin ng mga kidnappers, kusang sumama lang sina tita at tito."

"Sabihin mo dyan sa Arthur na yan na wag na siyang humabol sa airport, hindi sasaktan ni 13 ang mga bata." si Lion ang nagsalita.

"13? You mean Cindy?" si Carlos.

"Ngunit saan niya dadalhin ang mga anak at magulang ko?" yung tipong gusto kong hawakan sa kwelyo si Lion ngunit pagginawa ko iyon alam kong hindi na ako sisikatan ng araw. I still need to find my wife.

May crossfire na nangyari kanina at may mga dugo din akong nakita sa sahig at dingding, I hope it was not from her.

"Hintayin mo nalang na tumawag nanay mo." sagot ni Lion.

"How can you be so sure?" si Carlos ang nagtanong. "Cindy is insane, she'll do anything just to get what she wants. Who knew what she want?"

"Mukhang kilalang-kilala mo yata ang 13 ko. Oh! Naalala na kita, ikaw nga iyan." iwan ngunit parang natutuwa pa yata si Lion sa mga sinabi ni Carlos. Iniwan narin kami nito na lumabas na ng building, di ko alam kung saan pupunta.

"Kung si Cindy nga iyon bakit sa airport niya sila dinala?" si Carlos.

"Naalala kong sinabi sa akin ni Rose na dalhin sa ibang bansa ang mga bata bago pa man sila makuha ng city na yon." napasandig nalang ako sa dingding. Ano na gagawin ko?

My children, my parents and my wife are all out of the safe zone I can give.

"Cindy, saan ka?" muli akong napatayo ng tuwid at nilapitan si Carlos na may kausap sa phone.

Ini-loud speaker niya iyon ng marinig ko rin.

"Nasa airport, are you with my brother-in-law? Pasabi sa kanya na ipapasyal ko lang mga pamangkin ko pati narin magulang niya."

"Your insane! Anong binabalak mong gawin ha?" si Carlos.

"Nais kong tumanda rin ang mga pamangkin ko tulad ng kanilang lolo at lola. I don't want them to have a life like ours. Its insane, right? Maybe I'm having a malfunction seeing them." the call ended.

"Anong malfunc—" hindi na natapos ni Carlos ang tanong dahil naputol na nga ang tawag.

"They don't think themselves as human like us." sabi ko na kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam knowing that someone with my family is malfunctioning.

Its crazy.

"What do you mean?"

"They think they are weapon, they are made for some specific functions. Kung tama ang pagkakaintindi ko, their functions is killing and distraction. Kung sinabi niya na nag ma-malfunction siya, ibig sabihin ay hindi niya sasaktan ang mga anak at magulang ko gaya ng sinabi ni Lion." paliwanag ko na umaasang ganoon nga sana.

"They are trained at a very young age as posible. At tyaka liban sa brain conditioning, may ginawa din daw sa utak nila kaya hindi sila capable of any emotions." dugtong ko pa.

"Nabanggit ba sayo kung sino ang mga tao sa likod ng lahat ng mga nangyayaring ito? Papaanong nasali si General sa kanila?" ang tinutukoy ni Carlos na general ay ang sariling ama. Sadyang nasanay lang siya na tawagin ito ayon sa rank nito.

"They call them as council, do you remember Sarah?" tanong ko.

"Yung bestfriend ni Rose?" balik tanong naman nito.

"Yes. I heard my wife called her Ivy too like Cindy. She is one of the council. There is like an asymptotic relationship between the government and the their city, parihas ng pupuntahan pero hindi magtatagpo. Nais ni Lion na ibigay ni General Mondragon sa presidente ang mga ibidensyang na kay Rose.

Kapalit non ay ipinangako ni Lion na magiging council din si General. Ngayon ko lang napagtanto...."

Sinubukan kong alalahanin lahat, simula noong una naming pagkikita ni Rose, ang 30th birthday at engagement namin.

The city is after my wife but Sarah was always in the picture, she even played the bestfriend part. Bakit hindi niya ibinalik si Rose sa city?

My wife and Cindy is under Lion's command, they can't do anything against the City, even just by thinking about it. Unless, it was commanded.

"Bro...."

"My wife says, she is made for killing and destruction. Her function was not just for killing, I think their gaol is to destroy the city under Lion's command." sabi ko nalang.

"Pero sa pagkakaintindi ko kay Rose," napapakamot pa sa ulo si Carlos. "That city protect the country. She don't even want to expose the city, she's just against the council."

"That is if she is aware of what she is doing. Bro, pwedeng bang puntahan mo muna si General Mondragon? Baka marami siyang alam?"

Naghiwalay na kami ni Carlos. Sa tingin ko kasi ay alam ko na kung nasaan si Rose ngunit hindi ko pwedeng isama si Carlos doon.

Mysterious WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon