3

501 38 0
                                    

Anthon's POV

Recorded sa cellphone ng kapatid kong si Arthur ang naging pag-uusap nila ni Rose at pinarinig niya iyon sa akin ng pumasok kami sa second floor ng restaurant na isang bar kaya walang tao doon ngayong umaga.

"Hindi ka parin naniniwala?" tanong ni Arthur sa akin matapos kong mapakinggan lahat. Nakaupo lang kami ngayon sa mahabang sofa sa loob ng VIP room.

"Kung nakakalimutan nga niya ang nakaraang fifteen years, bakit sinasabi niyang hindi siya si Rose? Alam kong gumagawa lang siya ng kwento at hindi iyon pulido." sabi ko naman.

Nakilala ko si Rose sa gabi mismo ng engagement namin, that was five years ago. Sa pagkakaalam ko ay limang taon narin bago yun nang e-take over niya ang PhilCon corporation. Siya yung tipo na walang pakialam sa iba liban sa negosyo nila at sa mga taong may kinalaman dito.

Habang unti-unti ko siyang nakikilala sa loob ng limang taong pagsasama namin bilang mag-asawa ay nakikita kong pala ngiti siya at strict but reasonable towards her employees. Magalang din siyang magsalita at kumilos. Kasundo niya rin ang mga magulang ko pati na si Arthur.

She is also a responsible wife and a mother.

Ngayong taon lang naman nagsimula ang problema hanggang sa nahulog ang kanyang sasakyan sa gilid ng daan na bumabaybay sa mataas na bangin.

No one knows why she was there nor where she is going to, even her assistant na lagi niyang kasama pag may business meeting siya. Mabuti na nga lang at may nakasaklolo sa kanya kaya siya nadala sa hospital.

"Paano kung hindi nga siya si ate Rose? Hindi ba dapat na hanapin natin ang totoong ate Rose?" wala akong pinagsasabihan na ilang pagkakataon ko ng nahuli si Rose na lihim na nakikipagtagpo sa isang lalaki.

Matagal ko na ring pinapaimbestigahan kung sino nga ba ang lalaking iyon pero maging ang pinakamagaling na nakilala kong imbestigador ay walang makuha kahit na ano tungkol sa lalaking yun.

Tumunog ang cellphone ni Arthur kaya natigil kami sa pag-uusap ng sinagot niya iyon.

"Yes please....anything she wants." pagkatapos ay muli niyang ibinalik sa bulsa ang cellphone.

"Bumubili na siya ngayon ng damit." balita niya pa sa akin. Malamang ay ginamit nga ni Rose ang card niya.

Tumayo na ito, "Ano ng gagawin natin ngayon? Hindi mo naman siguro hahayaan na lumaking walang ina ang mga pamangkin ko diba?"

"Hindi siya halaman para sabihing ibang rose." sabi ko nalang at tumayo narin.

__________

Ivy's POV

Nakapagpalit narin ako ng damit, my usual get up 15 years ago. Nakapagpagupit narin ako ng buhok hanggang balikat.

Nakabili narin ako ng bagong cellphone. Salamat sa card ng mabait na may ari ng restaurant. Nagtaka nga ako kanina na kilala pala ako doon sa mall na bilihan ng dress at sandals pero hindi naman ako nagsusoot ng ganoon pwera lang kung kailangan talaga sa mission ko. Kaya yun nilampasan ko lang ang mga tindahang yun.

Bumaba ako ng taxi sa harapan ng matayog na condominium. Pumasok ako sa loob at agad naman akong hinarangan ng guard.

"Ma'am sino po ang bibisitahin niyo?"

"Andito ako para umuwi hindi para bumisita." sagot ko naman.

"Ay sorry po ma'am, hindi ko po kasi kayo nakikilala. Pwede po bang makahingi ng ID niyo?"

I don't have any ID card in my hands now with the name I used to buy a unit here.

"Wala akong dalang ID card ngayon. Pero mayroon ako doon sa unit ko. Is there any way para makuha ko ang ID card na naiwan ko doon to prove my IDENTITY?"

"Saang unit po kayo ma'am?"

"I25." sagot ko naman.

May tinawagan ang guard habang kinakausap din ako nito.

"Ma'am anong pangalan niyo daw po?" tanong ulit ng guard.

"Madeline Reyes."

"Madeline Reyes daw po." pag-uulit naman ng guard saka ibinaba na ang tawag. "Ma'am bababa daw po ang manager at sasamahan ka po niya."

Napabuntong hininga nalang ako. Ayaw ko ng ngumiti, nakakapagod pala.

Hindi naman nagtagal at may lumapit na nga sa akin na lalaki, hindi na siya yung manager dito dati. Natulala pa ito saglit ng makita ako.

Sinamahan niya ako sa unit ko. I unlock the pincode door saka kami pumasok sa loob.

Ang dumi na sa loob at puro spider wave. Wala namang mga gamit na makikita doon liban sa plastic jar na kulay dilaw.

"Mukhang matagal na ngang hindi nabubuksan ito dito ah." kominto nito.

"To sum up, its 17 years. 18 years old ako ng nakuha ko ang unit na iyo." as my preparation for whatever might happened. Hindi ko akalain na mapapakinabangan ko pala ito.

Dinukot ko ang plastic jar at nakakuha ng ilang cards doon.

"I have my expired driver's license here and a national ID." inabot ko sa lalaki ang dalawang nabanggit kong card.

Tinanggap naman nito at ibinalik din sa akin matapos masuri nito.

"May kilala po akong cleaning company ma'am, baka gusto niyo pong tawagan nalang natin para maglinis dito."

"Hindi na, kaya ko na ito." pagtanggi ko naman pero hindi parin umaalis yung lalaki. "May kailangan ka pa?"

"Ah kamukha niyo po kasi ang big boss ko, iba lang kayong manamit, hindi ko alam kung kilala niyo po siya."

"What about your big boss?"

"Siya ang may-ari nitong dalawang magkatabing building. Rose Gutierrez-Borgon ang pangalan niya. She—"

"Kilala ko nga siya," putol ko sa ginagawa niyang pagmamalaki sa boss niyo. "Ngayon, pwede umalis ka na?"

"Confirm, hindi nga ikaw ang big boss ko." sabi pa nito saka isinara ang pintuan paglabas.

May-ari daw ng magkatabing gusali na ito? Yaman ah.

Dapat pa ba akong manatili dito gayong si Rose daw ang may-ari ng building na ito?

Sino ba naman kasi yang Rose na yan?

Binuksan ko ang cellphone ko then I search the web.

Bumulaga sa akin ang napakaraming Rose Gutierrez. She has such a basic name.

I then search Anthon Borgon, the wiki has his profile, bigatin talaga ito. But I'm not that interested to him.

Sunod kong ini-search nalang ang PhilCon corporation, sa pagkakaalam ko ay ang corp na yun ang may-ari ng condominium na ito.

Lumabas ang website ng company.

In there, nakita ko....

ako kasama ang mga taong hindi ko naman kilala.

Kung nasa internet ang mukha ko at maraming tao ang nakakakilala sa akin, then, nangangahulugan lang ito na maaaring nasa paligid ko lang ang IVY na papatay sa akin.

If ever nga na kumikilos ako during that fifteen years, bakit ako nasa hospital paggising ko?

Hay! Putik! Kailangan ko ng panglinis dito.

Bumalik nalang ako ng mall para bumili ng mga kailangan ko.

Mysterious WifeWhere stories live. Discover now