53.

36 6 0
                                    

Xavier's POV

WALANG umiimik hanggang matapos namin panoodin ang CCTV videos. I'm currently with Calvin, Dylan, headmaster and dean to check the CCTV videos because Zed is missing. Hindi pa din ako makapaniwala sa nakita ko.

"Nasaan ang batang iyon," turo ni dean sa lalaking tumulong kay Zed makalabas ng academy.

"I can't find him," mababa kong saad. I already activated my ability earlier to look for the guy named Shin Princeton but to my surprise, I can't find him anywhere.

"Bakit nya tinulungan makalabas ng campus si Zed? Ano ito? Panibagong tagasunod na naman ni Zed?" tanong ni Dylan.

I wish we can hear their conversation on the video, but unfortunately there is no audio. Ang tanging nakita namin ay ang ilang minuto na pag-uusap nila bago nito iniabot kay Zed ang susi ng kotse.

"Find Zed," wika ni headmaster. "Walang ibang rason ang pagtakas nya kundi ang pagpunta sa norte. Malakas ang kutob ko na uuwi sya."

"Why stop him?" tanong ko. "As if we can do that. Hindi ang katulad nya ang mapapasunod namin basta basta. Isa pa, naroon ang mga tauhan ng Black Council."

"Just do what I say," mababang wika ni headmaster. "Hindi sya pwedeng makita ng konsehong iyon."

Umahon ang pagtataka sa isip ko. Bakit ganoon na lang ang concern ni headmaster sa gagong iyon? Eh ano kung makita sya ng konseho? Hindi naman namin sya inutusan na sumugod sa norte!

Napalingon ako kay Calvin. Kataka-takang kanina pa sya tahimik. Inaasahan ko na sya ang unang tututol sa hiling ni headmaster pero hindi man lang sya nagkumento!

"Calvin," wika naman ni dean. "Maasahan ka ba namin?"

Pinanood ko ang marahang pagyuko ni Calvin na tila tinitimbang ang sasabihin. I don't get it! Napakadali namang tumutol!

"Okay," wika ni Calvin na nagpagulat sa akin.

"Pero Calvin," nilapitan ko sya. "Paano tayo susugod doon nang tatlo lang? Saka hindi naman natin—"

"Tama si headmaster," putol nya sa akin. "We need to get Zed at all cost. Hindi pwedeng mahuli sya ng konseho."

Tama ba itong naririnig ko? Pumayag sya ng ganoon kadali?

"Xavier," Calvin gave me the coldest look. "Kahit hindi kami magkasundo ni Zed, isa pa din sya sa nasasakupan ko. It is our responsibility to protect our students."

Hindi ko naman napigilang magpakawala ng sarkasmong tawa. "Matagal ko nang kinalimutan na estudyante ng Superno si Zed. Alam naman nating lahat na malakas sya at—"

"I think it's time for you and Dylan to know who really Zed is..."

"Teka," singit naman ni Dylan. "Ano ba itong sinasabi mo Calvin?"

Nanatili naman akong nakatitig kay Calvin. Hindi nakaligtas sa akin ang bahagya nyang pagsulyap kina headmaster bago tumalikod sa amin.

"Zed is a shadow rank," wika ni Calvin na halos magpayanig sa akin.

Nanlalaki ang mga mata na napalingon ako kay Dylan. Maging sya ay gulat na gulat din sa tinuran ni Calvin. What the fuck? Zed is a shadow rank?!

"Alam mo?" narinig kong tanong naman ni headmaster.

"Matagal ko nang alam."

Hindi makapaniwalang napalingon naman ako kay headmaster. "A-alam nyo din ang bagay na ito?!"

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Where stories live. Discover now