04.

46 8 0
                                    

Zed's POV

MATAPOS pagpagin ang suot kong uniporme ay walang emosyon na dinampot ko na lang ang aking salamin saka isinuot iyon. I saw couple of my books scattered on the floor, one of my classmates is even stepping on it. Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga saka isa-isang pinulot ang mga iyon.

"Sya ba iyong paborito nina Simon?" narinig kong tanong ng isa sa naroon.

"Sya nga."

"Kawawang nilalang," may sumipa pa sa isang libro na dadamputin ko sana. Tumalsik naman iyon sa basang parte ng sahig.

Muli ay kinalma ko ang sarili ko. Nagbilang pa ako hanggang sampu saka tumayo para harapin sila.

"A-ano ba ang nagawa ko sa inyo?" I asked in a trembling voice.

"Hindi mo ba ako nakikilala?" isang maangas na lalaki ang taas noong lumapit sa akin. Base sa suot nyang ID, nasa ikaapat na taon na sya. He's one of my senior.

Namumutok pa sa muscles ang katawan nya, may suot din syang mga hikaw sa tainga na para ba syang sanggano sa kanto.

"H-hindi-"

Hindi na ako nagulat nang itulak nya ako ng malakas dahilan para muli akong sumadsad sa sahig. Ang malakas na tawanan naman ang sumunod.

"Ako lang naman ang king dito sa building na ito."

Lihim akong napangisi. King daw? Nagpapatawa yata sya.

"Tandaan mo," tumalungko pa sya sa harap ko saka marahas na hinawakan ang aking buhok para itaas ang ulo ko. "Mula ngayon, ako na ang susundin mo. Maliwanag ba?"

"O-oo..." sagot ko na lang.

"Ganyan nga," padarag na binitawan nya ako.

They start walking away. Ang mga naroon naman ay tila hindi pa nasiyahan sa nangyari. May isang nagtapon pa ng juice sa mga libro ko. Anak ng patola! Basang-basa na ang mga libro ko! Wala pa naman akong blower para tuyuin ang mga iyon!

Nanatili na lang akong nakayuko habang hinihintay na mawala silang lahat. As soon as they left, I start to pick up my wet books.

Ilang araw nang ganito ang nangyayari sa akin. Akala ko pa naman ay matatahimik na ang buhay ko dahil puro mortale na lang ang kasama ko pero nagkamali ako. Kahit sa mga ordinaryong tao ay uso din pala ang pambu-bully.

Ang ipinagpapasalamat ko na lang ay hindi pa sila umaabot sa punto na saktan ako ng matindi. Pasa at galos lang ang natatanggap ko mula sa mga pambata nilang trippings. Unlike before na halos araw-arawin ko na ang pagtambay sa infirmary.

"Okay ka lang ba?" isang payat na lalaki ang lumapit sa akin.

Judging from his looks, I can tell that he's someone like me. Napansin ko naman ang pagdukot nya ng towel sa bulsa saka pinunasan ang ibang libro ko.

"Salamat," bukal sa loob na saad ko.

"Ikaw naman ang pinag-iinitan nila Erickson," halos pabulong na nyang sabi.

"Erickson?" ulit ko.

"Iyong lalaking tumulak sa'yo."

Ah, ang self proclaimed king ng teritoryong ito. Hindi ko tuloy mapigilang mapatawa.

"Baka may makakita sa'yo!" saway nya agad.

"Bawal bang tumawa?"

"Oo, iisipin nila na pinagtatawanan mo sila-"

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Where stories live. Discover now