13.

48 8 0
                                    

Hywell's POV

NAKANGITING kumaway-kaway pa ako kay kuya Zed na kasalukuyang naglalakad na palabas ng silid. Bahagya pa syang napailing nang nasa pintuan na sya.

"Hoy," aniya. "Wag kang lalabas ng dorm hanggang wala ako."

I give him a thumbs up. "Okay kuya Zed!"

I saw him sigh. Alam kong hindi pa din buo ang tiwala nya sa akin at hindi din sya natutuwa sa pagtawag ko sa kanya ng kuya. Hindi naman ako manhid. I hated the situation as well, but I got no choice.

Nang tuluyang naisara na nya ang pintuan ay doon ko lang binura ang ngiti na kong peke. Hay, ang hirap ng sitwasyon ko.

"Saan daw pupunta si Zed?"

Napalingon ako sa roommate ni kuya Zed. He's currently putting on his shoes. Mukhang aalis din sya.

"Hindi ko alam eh," nagpaskil muli ako ng friendly na ngiti.

"Hmm, ganoon ba?" he stood up and grab his bag. "Pupunta ako sa beach, gusto mong sumama?"

Umiling naman ako. "Hindi ako pwedeng lumabas."

Nagkibit balikat naman sya. "Okay. Pag nagutom ka, pwede kang pumunta sa cafeteria. As long as you're wearing our uniform, you're safe."

He then left the room. Matalim ang mga mata na tinitigan ko ang pinto kung saan lumabas ang lalaking nagngangalang Skyler.

"Weird," bulong ko. "I sense a dark force from him."

Kaya hindi din ako mapalagay. Both of them has dark aura. Ang kaibahan nga lang ay hindi puro ang kay Skyler.

"Kakaiba ang mga narito," naupo na lang ako sa kama. "Bakit nila itinatago ang tunay nilang enerhiya? Kung nasa Dusk Academy sila, sigurado akong isa sila sa malalakas na estudyante."

I shook my head in disgust. Bakit ko ba naisip ang paaralang iyon?

"Mag-e-enjoy na lang muna ako habang narito," I waive my hand. Isang transparent na mapa ang lumutang sa harap ko.

Hmm, so nasa South Alegria ako ngayon. Akala ko pa naman ay malayo na ako sa Zibemma.

"Ang susunod na bansa ay Oplurg," bulong ko habang minamarkahan ang susunod na bansa na pupuntahan ko. "It will at least take months for me to reach Beflaicor."

I sighed. Ngayon pa lang ay napapagod na ako makita pa lang ang lalakbayin ko. I waive my hand again and the map disappeared.

"Ano naman ang gagawin ko dito?" tumingala pa ako sa kisame. "Ang boring!"

Hindi pa naman ako sanay na walang ginagawa.

Dumako naman ang pansin ko sa study table ni kuya Zed. May mga libro doon ngunit nakakaawa ang hitsura. Nilapitan ko iyon at inisa-isa.

"Wow," itinaas ko pa ang geography book nya. "Nabasa ba ito ng tubig?"

Ganoon din ang sitwasyon ng ibang libro nya. Kung hindi punit ay may mukhang sinunog naman. Napapalatak naman ako. "Kakaiba pala mga estudyante dito. Hindi ba sila seryoso sa pag-aaral?" naiiling na hinaplos ko ang mga iyon. Sa isang iglap ay tila nagmukhang bago ang mga iyon.

Napangiti naman ako. "Eh di mas maganda tingnan!"

Sunod ko namang pinagmasdan ay ang kabuuan ng kanilang silid. Typical messy room. Muli ay ikinumpas ko ang aking kamay at lahat ng kalat na naroon ay nawala. Maging ang mga gamit nila ay nakaayos na ngayon sa kani-kanilang pwesto.

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Where stories live. Discover now