16.

42 8 0
                                    

Raven's POV

NAGPALIPAT-LIPAT ang sulyap ko kay Zed at sa dalawa nyang kasama.

"Tama ba ang narinig ko?" tanong ko. "Mga pinsan mo sila?"

"O-opo dean," nakangiting sagot naman ni Zed.

Psh. Hindi mo ako maloloko sa imahe mong iyan Zed. Kung hindi ko pa alam ang pagkatao mo ay baka maniwala ako sa mga ikinikilos mo ngayon.

I cleared my throat. "Okay," naglabas ako ng ilang papeles saka binalingan ang lalaking kasama nya. Mukhang mas bata ito sa kanya.

"What's your name?" I asked.

"Hello po! Ako si Hywell Williams."

Williams? Pinilit kong magtanong ulit. Sunod na binalingan ko naman ay ang babaeng katabi ni Hywell. She look so stiff while staring at me. "And you?"

"A-ako po si Nix Regina."

Isinulat ko na lang ang mga pangalan nila sa new records. "Dala nyo ba ang mga records nyo mula sa dati nyong school?"

Hindi naman nakaligtas sa akin ang pagtitinginan nila. Something is fishy here.

"Uhm dean?" lumapit naman sa lamesa ko si Hywell. "Sa isang araw ko pa po makukuha ang record namin ni Nix eh, pwede po bang saka ko na lang ipasa ang mga iyon?"

Isinara ko naman ang hawak kong folder. "Okay. That will do. Bibigyan ko kayo ng isang linggo para maipasa ang records nyo."

"Salamat po!"

This kid look so lively. Maging ang ngiti nya ay mukhang totoo. Hindi ko lang talaga matanggal ang pagdududa dahil kay Zed. He's a menace and an uncontrolled gifted. Nakakagulat lang na bigla syang magbibitbit ng kasama at ie-enroll dito.

"Let's proceed to your entrance screening," tumayo na lang ako. Isinantabi ko na lang din ang mga naiisip ko.

"May gifted ba sa inyo?" tanong ko nang naglalakad na kami patungo sa screening room para sa mga late enrollees.

"Si Nix po," si Zed ang sumagot.

"Kung ganoon, mortale si Hywell."

"Opo."

Hindi na lang ako umimik. Nakarating na kami sa tapat ng screening office. "Si Nix lang ang makakapasok dito."

"Paano po ako?" inosenteng tanong naman ni Hywell.

"Bukas ay ibibigay ko sa'yo ang schedule mo."

"Pwede po bang sa klase ni Zed ako mapunta?"

"Ano bang sinasabi mo?!" bulalas naman ni Zed.

"Bakit?" I asked. "Third year na si Zed."

"Oo nga pala," napakamot pa si Hywell sa ulo. Mukhang pareho pa sila ni Zed. "Eh kung kumuha po ako ng acceleration exam?"

Napapikit na lang ako sa sinabi nya. "Makakakuha ka lang ng acceleration exam kapag naipasa mo na sa akin ang record mo sa dati mong school."







































***

Zed's POV

NANG makapasok si Dean at Nix sa screening room ay saka ko hinarap si Hywell at binigyan ng malakas na batok.

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Where stories live. Discover now