19.

40 8 0
                                    

PUMWESTO na kami sa lamesang nakaraan para sa grupo namin. Ang pamilyar na pakiramdam naman ang pumuno sa aking dibdib nang masilayan ang iba't ibang kalibre ng baril na naroon. I badly want to touch it but I hold back.

"Bago natin simulan ang unang test nyo, gusto kong malaman nyo na hindi nyo dapat balewalain ang unang test na ito. Ang unang grupo na makakakuha ng 200 points ay makakatanggap ng premyo."

Nakuha nya ang atensyon ko.

"Ano pong premyo?" tanong ng nasa kabilang grupo.

Ngumiti naman si Lt. Canon. "Each member of the winning group will receive a card with money in it. I guess 5 thousand is not bad eh?"

Five thousand! Kung posible lang ay naghugis pera na ang mata ko. Kapag nga naman sineswerte, baka magkapera pa ako.

"We need to win," puno ng determinasyon ang mga mata ni Kairon.

Sa hindi malamang dahilan ay sumulyap silang apat sa akin ng may nagbabagang mata.

"T-teka, ano na naman bang kasalanan ko?" kinakabahan kong tanong.

"Wag kang gagawa ng kung ano man d'yan Zed!"

"Leave it to us!"

"Maswerte ka at sa grupo ka namin napunta. Magkakapera ka ng wala kang gagawin."

Napangiwi na lang ako. Ganoon ba sila kawalang tiwala sa akin?

"Magsimula na tayo!" sigaw naman ni Ms. Velle. "You have 10 minutes to finish the task. Remember, your points will be counted after you pull the trigger!"

Hindi naman ako kumilos. Namulsa na lang ako habang pinagmamasdan ang mga kagrupo ko na kulang na lang ay magliyab sa antisipasyon.

"Timer starts now!"

The sound of metal filled the area. I saw the other groups hurriedly picked up the guns that has higher points. Lahat sila ay gustong manalo!

Binalingan ko naman ang mga kagrupo ko na clueless na nakatitig sa mga baril sa harapan nila. Hay naku, ito na nga ba ang sinasabi ko. Nasaan na ang yabang nila kanina?

"Magsimula tayo sa pinakamadali," wika ni Milly saka dinampot ang Glock 17. "Palagi ko itong pinapraktis sa hologram."

I was impressed when she started to reassemble the gun.

"Ako naman," ani Wilson. "AR15 rifle is my favorite."

Hmm, sa pagkakaalam ko may 20 points ang armas na iyon.

Nagsimula na sila sa pagre-reassemble ng mga napiling armas. Milly is holding the 5 point gun while Wilson is working in the 20 point gun. Sinulyapan ko naman si Kairon na kasalukuyan na din nagsisimulang i-reassemble ang Ruger 22. It also has 20 points.

"Eh?" si Jesson naman ang pinagtuunan ko ng pansin. Wala pa din syang hinahawakang baril. He's just watching the three.

"Done!" Milly pulled the trigger.

"Five points acquire by group 5!" sigaw naman ni Miss Vella habang isinusulat sa whiteboard ang puntos namin.

"Manood ka Zed," maangas na saad naman ni Wilson.

Kahit ayaw ko ay humanga din ako sa kanya. He's almost done reassembling his gun. Napatayo naman ako ng tuwid ng itutok nya iyon sa akin.

"20 points!" nakangisi nyang wika.

Tila slow motion ang ginawa nyang pagkalabit sa baril. Bigla din bumilis ang tibok ng puso ko.
A bullet suddenly fired at my direction when he pulled the trigger. I immediately activated my left eye and saw the bullet.

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon