05.

44 8 0
                                    

Dylan's POV

NAKAKAPAGTAKA.

Isang oras na yata ang nakakalipas mula nang matapos ang meeting naming mga royals at kasalukuyang inaayos namin ang ilang paper reports na ipapasa kay headmaster pero nawawala talaga ako sa focus. Kanina ko pa kasi sinusulyapan si Calvin na nakaupo lang sa sulok at tulala.

Kailan pa natutong lumutang ang utak ng king namin?

Mahinang siniko ko naman si Xavier sabay nguso kay Calvin.

"Wala ka bang napapansin kay Calvin?" bulong ko.

Nakasimangot naman na sumulyap din sya kay king. "Ano na naman? Puro kalokohan talaga nasa utak mo."

"Seryoso ako gago! Kanina ko pa napapansin na tahimik sya."

"Ilang araw na syang ganyan, ngayon mo lang napansin? Ganoon ka na ba ka-slow?"

Nabibwisit na sinulyapan ko sya. Ako,slow? Eh sapakin ko kaya sya.

"Papalag ka na yata," saad nya na parang nabasa ang laman ng utak ko. "Sakto, wala akong ka-sparring. Tara sa rooftop."

Tumawa naman ako. "Ikaw naman, masyadong seryoso."

Inirapan naman nya ako saka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Naiiling na nagsimula na lang ulit ako sa aking trabaho.

"Hindi lang ikaw ang nakakapansin," maya maya ay sabi ni Xavier.

Napalingon naman ako sa kanya.

"He's always spacing out this past few days. Halos si Ava na nga palagi ang nangunguna sa discussions."

"Natanong mo na ba kung bakit? Baka brokenhearted iyong tao, pwede nating damayan-"

"Sira ulo ka talaga," basag nya sa akin na ikinasimangot ko.

"Baka lang naman kasi ganoon ang dahilan kaya sya laging tulala," nakanguso kong sagot. Kinuha ko pa ang aking laptop saka nag-search sa internet. "Tingnan mo ito, top 10 reasons kung bakit natutulala ang isang lalaki. Nasa top 1 ang dahilan na babae-"

"I doubt that."

"Why? Binata naman tayo. Nasa hustong gulang na para manligaw. Ikaw nga, may nilalandi sa-"

Kamuntikan na akong mabulunan nang bigla nyang isungalngal sa akin ang papel na nilukot nya. Napaubo naman ako ng sunod-sunod.

"Papatayin mo ba ako!"

"Pwede!"

Nagpalitan na kami ng masamang titig nang maramdaman kong may malakas na humampas sa ulo ko. "Aray naman! Sino ba iyon?"

Ang mukha ni Amelia ang nakita ko.

"Kung magbabangayan lang kayong dalawa, lumayas kayo dito!"

"Tsk," naiiling na tumayo naman si Xavier habang sapo ang ulo.

Isang irap pa ang iginawad sa akin ni Amelia bago tumalikod. I stick my tongue out towards her. Masungit!

Masama ang loob na binalingan ko na lang ulit ang ginagawa ko. How dare her! Sa gwapo kong ito, binabatok-batukan lang ako? Ang sarap nyang itapon sa Pluto!



































Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz