20.

45 8 0
                                    

TAHIMIK na nakikinig lang ako sa pagtatalo nina Lt. Canon at Miss Vella. They are still discussing what happened earlier. Nagsisisihan pa sila sa kapabayaan daw nila.

"Okay na," nakangiting saad naman sa akin ng kasamahan nila na naglinis ng sugat ko. "Palitan mo na lang ang gauze kada dalawang oras. Bibigyan din kita ng disinfectant."

Kinapa ko naman ang pisngi ko.

"P-pwede na po ba akong umalis?" tumayo ako.

"You!" ang matalim na mata ni Lt. Canon ang nagpatulos sa aking kinatatayuan.

Nakaramdam naman ako ng takot. Para syang si papa kung magalit!

"B-bakit po?"

"Who are you really?"

Lahat ng mga naroon ay nakatingin lang sa akin na tila naghihintay ng sagot ko.

"H-hindi ko po kayo maintindihan," ikinampay ko pa ang mga kamay ko.

Napaurong naman ako nang lumapit sya sa akin at binitbit ako sa kuwelyo. "Walang normal na estudyante ang may kakayahang umilag sa bala."

Napansin pa din nya iyon?

"E-eh—"

"At sa lahat ng nahawakan kong klase, ikaw ang unang nakabuo ng FG42 sa loob ng 2 minuto! Tell me, sino ka talaga!"

Mas lalo akong kinabahan nang humigpit ang pagkakahawak nya sa kwelyo ko.

"W-wala naman pong e-espesyal sa ginawa ko," dahilan ko. "I just took a step since I know that the bullet's direction is—"

Nalunok ko ang mga susunod kong sasabihin nang ilapit pa nya ang mukha sa akin. "At ang FG42?"

"K-kasi po..." nagpalipat lipat pa ang tingin ko sa kanila. Lahat sila ay tila handa akong sakmalin ng buhay!

"There's one way to check," ani Miss Velle. She suddenly threw something to me with full speed.

Automatic naman ang reflex ko dahil mabilis ko iyong nailagan kahit hawak ako ni Lt. Canon. Lihim akong napamura. Damn this reflex! Para na din akong humukay ng sarili kong libingan!

"See?" nakangiti pang wika ni Miss Velle.

Napasimangot naman ako. Nagawa pa nyang tumawa.

"You got a good relfex and knowledge kid," binitawan na ako ni Lt. Canon. "Hindi ka pa din ba aamin?"

Napakamot naman ako. Siguradong hindi ako makakalabas dito nang wala silang nakukuhang sagot.

Isang paraan lang ang alam ko.

"Anak po ako ni Bobby Williams," nakangiti kong saad.

"Bobby Williams?"

Nagkatinginan pa sila.

"You mean General Bobby Williams from North Alegria?!"

Eh? Kilala nila si papa?

Ngumiti naman si Lt. Canon saka ako tinapik sa balikat na ikinaubo ko naman. Ang bigat ng kamay nya!

"That explains. Kilala si General Williams sa departamento namin. Ilang beses ko na din syang nakita and he is known as an outstanding military personnel. Ikaw pala ang anak nya."

"Naku," nakangiting hinawakan naman ni Miss Velle ang magkabila kong kamay. "Idol ko ang daddy mo!"

Hindi ko naman alam kung ngingiti ako o ngingiwi sa kanila.

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon