46.

44 6 0
                                    

Hywell's POV

BUMALIK ang alaala na pilit kong kinakalimutan. Para akong nawalan ng lakas habang nagsisimula na ikwento ang nangyari sa nakaraan ko. I sat on the floor because I don't want him to see that my body is shaking. This feeling...

"Cross Devian," mahina kong wika. "That's his name. He's the first shadow rank that exist that time."

"Shadow rank?"

Marahan akong tumango. "Isa lang syang mortale noong una. Pero dahil sa kapalpakam ko, aksidenteng naisalin ko sa kanya ang iba kong kapangyarihan. We formed a bond that no one ever imagined."

"Ikaw ang..."

"Oo!" marahas na tiningala ko sya. "Ako ang dahilan kung bakit nagkaroon ng shadow rank. That rank is like the half of my soul!"

I saw his face changed. Bakas sa mukha nya ang pagkagulat.

"Sino ka ba talaga?"

Pagak akong natawa. "Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga ay mabigyan kita ng babala. Kagaya ng sinabi ko, ayoko nang maulit ang nangyari sa matalik kong kaibigan."

Cross. Nilamon sya ng kapangyarihang natamo. Nagbago sya at namuhay sa galit. He even told me that he'll make those people who hurt him pay for what they did. And with the power he got from me, he became invincible. No one can stop him. Hanggang nabuo na ang iba't ibang rank sa Alegria. Nang panahong iyon ay iisang bansa pa ang Alegria. But sad to say, nahati ito dahil sa kanya.

"You should not make the same mistake Zed—Skyler."

Nagulat ako nang marahas nya akong hilahin sa kuwelyo. Ngayon ay nagbabaga na ang mga mata nya sa galit.

"Hindi kita maintindihan! Ano itong mga sinasabi mo?!"

Ngumisi naman ako. "Ikaw," dinuro ko pa ang kanyang dibdib. "Ikaw ang reincarnation ni Cross. Ikaw ang dati kong kaibigan. Does that answer your question?"

"H-how..."

Naramdaman ko naman ang pagluwag ng hawak nya sa aking kuwelyo.

"You're cursed," saad ko habang mataman na nakatitig sa mga mata nya. "Before Cross died, the founder of vatican put a curse on him. Ang sumpang iyon ay hindi na sya dapat isilang pa sa mundong ito. Yet you're here. Carrying the same eyes."

I saw him touched his left eye. Tama sya. That is the color of Cross eyes when he was still alive. Kaya noong nakita ko sya ay nagkaroon ako ng kutob. Lalong lumakas ang hinala ko nang nagsimulang magbago ang buhok nya. It's like Cross is trying to go back using Skyler's body.

"Now," itinulak ko sya ng malakas. "You already know why I know things so much. Matagal na akong nabubuhay dito. Ilang libong taon na akong nagpapagala-gala. Sapat para mapanood ko kung paano sya mamatay at paano ka mabuo gamit ang pinagbabawalan na ritwal!"

Zed then took a step back. Nanlalaki ang mga mata na napaupo din sya sa sahig. Inayos ko na lang ang nagusot kong uniporme saka muling sinulyapan sya.

"Please don't die in front of my eyes. Now you've got the second chance to live, you should be careful not to make the same mistake. Or else, another curse will be put on you. Cross or not, I still care. After all, I was the reason why he suffered."

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. He's just staring at the floor, panting.

"Wag kang magpalamon sa kapangyarihan mo," pagpapatuloy ko. "Kalimutan mo ang lahat ng galit mo. Gamitin mo ng maayos ang kakayahan mo. Iyon lang ang masasabi ko."

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Where stories live. Discover now